Chapter 27

140 4 0
                                    


Chapter 27

IT'S our wedding day at hindi ko in-expect na dadating sa venue si Beatrice. She didn't do anything though makikita sa mga mata ng babae na hindi siya masaya.


Hindi ko alam kung sino ang nag imbita sa kanya pero base sa pagkakangisi ni Creed sa likuran ng babae ay mukhang siya ang nagbigay ng invation dito. Baliw talaga.


"Are you okay wife?" Napaigtad ako ng halikan ni Achilles ang nakalantad kong balikat.


Nasa isang private resort kami ngayon kung saan ginanap ang reception. At dalawa—este tatlong beses na pala kaming kinasal at nagpalitan ng vow ni Achilles. Ang una ay noon galit pa siya sa'kin, ikalawa naman ay kanina sa simbahan at ngayon ay dito sa resort.


"I am fine." Hinarap ko siya at tiningala dahil hanggang dibdib niya lang ako.


"Parang may malalim kang iniisip, don't tell me nagsisisi kang pinakasalan mo ako?"

Natawa ako at masuyong hinaplos ang pisngi niya. "Yan ang hinding hindi mangyayari, mahal ko."

Wala akong pinagsisisihan dahil sa tuwing kasama ko Achilles ay pinaparamdam niya sa'kin ang kaligayahan.

"Dahil ba kay Beatrice kaya nagkakaganito ka?"

Bumakas sa mukha ko ang gulat.

"Alam ko kahit hindi mo sabihin, Charlotte. Don't mind her, si Creed na ang bahala sa kanya."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

Ngumisi si Achilles sa paraang nakakaloko. "Basta makikita mo rin ang kakayahan ni Creed."

Natatawa na naglakad nalang ako pabalik sa venue. Marami pang mga bisita ang nandito sa after party. Wala na ang mga bata at matatanda at natira nalang ang mga ka edad namin ni Achilles. Mga kaybigan niya iyon at business partners.

Hinagilap ko sa paligid si Creed at tumikwas ang kilay ko ng makita kong kasama niya sa gilid si Beatrice. Nakasimangot ang babae habang si Creed ay malaki ang ngisi.

"Wife halika, ipapakilala kita sa mga bagong dating." Ani Achilles.

Napatingin naman ako sa entrance ng hall. Kakapasok lang ng dalawang magka pareha, hindi ako sigurado kong mag ka relasyon sila.

"Armani." Tawag ni Achilles sa lalaki na agad namang tumingin at ngumisi sa kanya.

"Congratulations king."

Ngumisi si Achilles at nakipag kamay sa lalaki pagkatapos ay nilagay niya ang kamay sa bewang ko. "This is my wife Charlotte."

Ngumiti ako at nakipag kamay din sa lalaki.

"I am Armani Knight and this is—

Nagulat ako ng tabigin ng babaeng kasama niya ang kamay ni Armani dahilan para mapabitaw ito sa'kin. Sinalo naman agad ng babae ang kamay ko at matamis akong nginitian.

"Hi, Deborah Belucci pala."

"Nice to meet you."

Nang tingnan ko ulit si Armani ay nakasimangot na ito at parang gusto na niyang sakalin si Deborah. Mukhang nagkamali ako sa pag-aakalang magkapareha sila, dahil sa nakikita ko ay parang makalaban ang dalawa.

"Ouh, pasensya na pala pero kaylangan na naming bumalik sa hotel. Kaylangan na kasing mag pahinga ni Charlotte." Ani Achilles.


"Okay bro, bumaba ka ulit ha."


Nag paalam na kami sa dalawa at pumanhik na sa hotel room namin. Hating gabi na at kanina pa ako kumikilos kaya napapagod narin ako. Siguro mamaya pababalikin ko nalang si Achilles doon sa reception hall para asikasohin ang ibang guest na dumalo sa after party.

"Buti at tulog na ito." Usal ko ng makitang nakahiga na sa gitna ng kama si Elizabeth.

Nilapitan agad ni Achilles ang bata at kinuha mula dito ang hawak na cellphone. Nakatulogan na pala nito ang panonood ng barbie charms school. Inayos na ni Achilles ang kumot ni Elizabeth bago siya bumaling sa'kin at masuyo akong niyakap.


"Let's take a shower." He whispered huskily.

Tunango ako at hinila na siya papasok sa bathroom. Sa totoo lang ay kanina ko pa siya gustong ma solo.



KINABUKASAN ay ako nalang ang mag isang nakahiga sa kama. Wala na ang mag ama ko. Napahawak ako sa aking noo at ganoon nalang ang pagtawa ko ng makapa ang sticky note.

Binasa ko ang nakasulat doon. Sa penmanship ay sigurado akong si Elizabeth ang nag sulat.

"Bababa po kami ni Daddy para mag swimming!"

Napangiti ako at tumayo upang lumabas ng veranda. Inayos ko ang robe ko at tinanaw ang dalampasigan na abot tanaw mula dito sa veranda.

Hindi ko sila matanaw kaya pumasok ulit ako ng room para mag shower, pagkatapos ay nagbihis ako ng white floral dress. Pinatuyo ko sa pamamagitan ng blower ang buhok ko saka ako lumabas ng hotel room.

Nilakad ko lang ang papuntang dalampasigan dahil malapit lang naman. Pag apak ko sa pino at maputing buhangin ay saka ko lang nakita ang mag ama ko na bumubuo ng sand castle.

"Goodmorning."

Agad na napatingala si Achilles nang marinig ang boses ko.

Tumayo siya at sinalubong ako ng magaang halik.


"Goodmorning, ang ganda mo palagi."

"Sus, bola."

"Sinasabi ko lang ang totoo right princess?"

Isang kindat lang naman ang sagot ng anak namin dahilan para matawa ako.

"Kumain na tayo bago gutom narin si baby number 2." Hinaplos niya ang tyan ko.

"Let's go Eli!" Nilahad ko na ang kamay sa bata na agad namang tumayo at humawak sa'kin.

NAABOTAN namin si Creed sa restaurant, nag b-breakfast itong mag isa pero nakangisi parin habang nakatingin sa cellphone niya. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa lalaking ito at palagi nalang nakangisi, na boang na yata.

"Goodmorning Creed." Bati ko.

"Goodmorning my friend."

"Kumusta?" Naupo ako sa silyang nasa harapan niya.

"Ayos lang, mukhang ako na ang susunod na ikakasal." Nakangisi na saad niya.

Natawa ako at tiningnan si Achilles ng tumabi siya sa'kin.

"Anong balita?" He asked.

"Between Beatrice and I, nothing interesting bro. Tinarayan lang ako buong gabi, pero alam kong bibigay din iyon."

"Ano na naman ba iyang kalokohan ninyong dalawa?"

"Bin-build ang future ko." Nakangisi na ani Creed.

"Wow." Naiusal ko nalang at hinayaan na silang mag usap dalawa.

Hindi kaylanman pumasok sa isip ko na magiging sila ni Beatrice, pero kung mangyari man iyon ay handa akong sumuporta. Sana ma realize ni Beatrice na meron pang ibang lalaki na kayang suklian ang pag ibig na kaya niyang ibigay.

Sa kabila ng lahat ay umaasa parin ako na magkakabati kami ni Beatrice at mahanap narin niya ang kaligayahan. Kahit na hindi maayos ang relasyon namin ay gusto ko parin siyang makitang masaya kasama ang totoong tao na para sa kanya. Everyone deserves to be happy and to be loved, all you need to do is to wait for the right person to come.

The King Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon