Chapter 14

163 4 2
                                    



Chapter 14



Pagdating namin sa Pilipinas ay na stress ako dahil sa biglaang pag ta-trantrums ni Elizabeth. Gusto niyang bumalik sa France dahil nandoon daw ang mga kaybigan at ang paborito niyang teacher sa daycare. Kahit anong pagpapakalma ay ginawa ko na pero hindi parin siya tumigil.

"Bilhan mo nalang ng pagkain doon." Ani Creed.

Dahil natataranta ay agad na akong umalis at pumunta sa malapit na store. Dumampot lang ako ng ice cream at chocolates pagkatapos ay binayaran ko na agad, pagbalik ko sa pwesto nila ay umiiyak parin si Elizabeth.

"I want Daddy!!"

"Hush, nandito ako baby."

"No, not you!"


Naputol na ang pisi ko kaya hinila ko na ang bata paharap sa'kin.

"Listen to me, wala dito ang Daddy mo kaya wag mo na siyang hanapin!" Sigaw ko na nag patigil sa pag-iyak niya.

Nakatitig nalang siya sa'kin habang humihikbi ang labi niya.

"I'm sorry." Usal ko at hinaplos siya sa pisngi.

"Ako na ang bahala sa kanya, Charlotte." Ani Creed at binuhat ang bata palayo sa'kin.

May mga oras na nawawala ako sa sarili at napuputol ang pasensya ko kagaya ngayon. I don't know how to control myself pero buti nalang at nandito si Creed.

Napahilamos ako sa mukha ko at impit na umiyak, hindi ko na alam ang gagawin ko. Natigilan lang ako ng may mag abot ng panyo sa akin, nang tumingala ako ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki na may suot na itim na cap at sunglasses. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero alam ko na nagkita na kami dati. Siya iyon! Siya ang lalaking sumusunod sa'kin noong nasa France pa ako.

"Take it." Malalim ang boses na saad niya at nilapag sa aking kamay ang panyo.

"Sino ka?" Wala sa sarili kong tanong.

Pero imbes na sagotin niya ang tanong ko ay tumalikod lang siya at naglakad palayo. Susundan ko sana siya pero bigla nalang siyang nawala sa gitna ng maraming tao. Para siyang multo na susulpot at nawawala nalang bigla.

"Kaylan mo balak ipakilala kay Achilles ang anak niya?" He asked.

Nandito na kami ngayon sa terrace ng bahay ni Mama, pinili ko na dito muna dumiretso at hindi sa mansion. Mula dito sa terrace ay natatanaw namin ang dumadaan na sasakyan sa labas ng mataas na gate. Meron ding tao na naglalakad kasama ang mga aso nila.

"Hindi ko alam, natatakot ako."

"Mas matakot ka kapag sapilitan niyang bawiin sa‘yo ang anak ninyo. Baka nakakalimotan mo na may karapatan din siya kay Elizabeth plus makapangyarihan siya at anytime kaya niyang bawiin sa‘yo ang bata."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Creed."

Napakamot siya sa ulo niya at napailing na lamang.

"Bahala nga kayo diyan, nakakapagod na kayong dalawa." Aniya at tinalikuran ako.

Kunot ang noo na sinundan ko ng tingin si Creed. Bakit parang may mali sa kanya? Sinundan ko siya at naabotan ko siya sa kwarto ni Elizabeth na may kausap sa phone. Mahina lang ang boses niya at nang makita ako ay agad niyang binaba ang tawag.

"Sino ang kausap mo?"

Hindi siya tumingin sa'kin. Naglakad siya palapit sa kama ni Elizabeth at hinalikan sa ulo ang bata.

"Alam ko na may kulang parin kay Elizabeth kahit na ginagawa ko ang lahat para mabigyan siya ng father figure. Palagi niyang sinasabi sa'kin na gusto niyang makita ang totoo niyang ama, nahihirapan din siya Charlotte, kaya sana isantabi mo yang kaduwagan mo at ayosin niyo na ang lahat."

Tumayo si Creed at nilapitan ako. Nasa mga mata niya ang kakaibang lungkot na ngayon ko lang nakita.

"If only I can keep you both, pero hindi iyon parte sa plano kaya hindi ko gagawin."

"Creed." Nagugulohan na tiningnan ko siya.

"Magpahinga kana Charlotte. Aalis na ako."

"Saan ka pupunta?"

Tipid siyang ngumiti at nag iwas ng tingin. "Sa kaybigan ko." Pagkatapos ay naglakad na siya palayo.

Bumalik din naman sa Mansion si Creed kinabukasan. Marami siyang dalang laruan at pagkain, meron ding mga damit kaya sobra ang tuwa ni Elizabeth.

Dala ko ang pastries na nakalagay sa plato ng bumalik ako sa living area. Nandoon ang dalawa at naglalaro.

"I'll tell mom!"

Kumunot ang noo ko ng makita ang kislap sa mga mata ni Elizabeth.

"Hush, don't tell your mom."

"Anong pinaguusapan ninyo?" Nakatikwas ang kilay na tanong ko.

"Wala, wag kang chismosa." Nakasimangot na ani Creed. Walang hiya talaga.

"Baka nakakalimotan mo na sa ating dalawa ikaw ang chismoso."

"Tumahimik ka nga!"

Inirapan ko siya at dinala na ang ibang mga laruan sa itaas. Kilala ko si Creed bilang matipid na tao kahit na mayaman siya kaya hindi ko alam kung bakit naisipan niya ngayon na bumili ng maraming laruan at damit para kay Elizabeth.

Bago ako bumaba ay inayos ko muna sa closet ang mga damit ni Elizabeth. Nilagay ko rin sa box ang mga laruan niya na nakakalat lang sa sahig.

"Ilalabas ko si Elizabeth."

Napatingin ako sa pintoan ng sumilip doon si Creed.

"Hindi pwede."

"Ngayon lang naman at saka ang boring dito sa mansion ninyo."

"Kahit na, hindi siya pwedeng lumabas."

"Ilalabas ko parin siya." Sabi niya at tinalikuran na ako.

Matigas din talaga ang ulo nitong si Creed kaya hindi ko alam kung bakit nakasundo ko siya. Kung alam ko lang na maldito at matigas ang bungo ng lalaking ito edi sana noong kinukulit niya ako sa university ay umiwas na agad ako.

Pagbaba ko ay wala na ang dalawa sa living area, hindi ko alam kung saan sila pumunta kaya hindi ako makakasunod. Kaysa mabagot sa paghihintay ay pumunta nalang ako sa lawn at nag dilig ng mga halaman.

Naalala ko tuloy ang tagpo namin ni Achilles dito noong minsan niya akong binisita. Hanggang ngayon ay naalala ko parin kung paano ako niyakap at hinalikan ni Achilles dito sa lawn. At dito rin sa bahay na ito may nangyari sa amin, ang bahay na ito ang naka saksi sa lahat ng mga naganap.

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa mga tanim at bumalik lang sa huwisyo nang marinig ko ang pag bukas ng gate.

"Mommy!"

"Hi baby, saan kayo galing ng Daddy Creed mo?" Tanong ko.

"We went to the playground and I met Daddy!"

Nanigas ako sa narinig at napatitig nalang sa masayang mukha ni Elizabeth.

"He's very handsome and we have the same eyes!"

"E-Elizabeth."

"I knew it's him, nakita ko na po siya sa school dati!"

"Elizabeth." Napaluhod ako ng manghina ang aking tuhod.

Oh God, nagkita na sila?!

Bumilis ang pintig ng puso ko at para na akong hihimatayin lalo na nang muling bumukas ang gate at pumasok doon ang isang matangkad at gwapong lalaki na ilang taon ko nang hindi nakita.

No, this is not real, he's not real.

Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko ng magtama ang paningin naming dalawa.

"Daddy!"

Hindi ko na napigilan si Elizabeth ng tumakbo siya papunta kay Achilles. Binuhat siya ng lalaki at hinalikan sa noo. Sa lahat nang iyon ay nakatingin lang ako. Pero hindi ko inaasahan na babaling ulit siya sa'kin gamit ang malamig niyang tingin.

"Welcome home, Charlotte." Bigla ay saad niya dahilan para tuloyan nang tumulo ang aking mga luha.

The King Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon