Chapter 21
BITBIT ang tote bag ay lumabas ako ng kwarto ko. Tahimik akong naglakad papunta sa hagdanan. Iniiwasan ko na gumawa ng malakas na ingay.
Nakalabas na ako sa bahay ni Achilles at naglalakad na palabas ng subdivision. Mahigpit ang hawak ko sa bag at mabilis ang tibok ng puso ko, malalim na kasi ang gabi at natatakot ako sa kung ano man ang pwedeng mangyari.
Tumigil ako sa waiting shed at umupo doon. Nang may makita akong bus na dumaan ay pinara ko ito at sumakay. Hindi ko alam kung saan ito papunta pero bahala na. Gusto ko nang lumayo sa mga mata ni Achilles na puno ng galit, sa tuwing naiisip ko iyon ay para akong mababaliw.
Nakatulog ako sa bus kaya hindi ko namalayan na may kumuha na pala sa dala kong bag. Paggising ko ay nasa terminal na ako sa isang hindi ko alam na probinsya.
"E-Excuse me, sir." Nilapitan ko ang kunduktor ng bus.
"Po?"
"N-Nakita niyo po ba ang bag ko? Uhm, Dior na tote bag."
"Naku ma'am hindi ko napansin e! Dapat sinecure niyo po ang gamit ninyo dahil maraming magnanakaw dito."
Magnanakaw? Namutla ako sa isipin na ninakaw ang tote bag ko. Paano na ako nito? Nandoon pa naman ang wallet at cellphone ko.
Pinababa na ako ng kunduktor sa bus, hindi na niya ako pinagbayad. Naglakad nalang ako sa gilid ng kalsada habang palingalinga sa paligid. Ito ang resulta nang padalosdalos kung pagde-desisyon e!
Matalino ako pero dahil sa magulo kong isipan ay nakalimotan ko na kung paano mag isip. Mababaliw na nga yata ako e.
"Gusto ko nang umuwi." Usal ko.
Nahihilo na ako sa magkahalong takot, pagod at gutom. Pakiramdam ko ano mang oras mag pa-pass out na ako dito sa kalsada. Mas lalo lang akong nabahala ng biglang bumuhos ang ulan, naghanap ako ng masisilungan at nakahanap naman ako ng maliit na barongbarong sa gilid ng daan. Doon ako pumasok at sumiksik kahit na sobrang dumi.
"God please help me." Naiiyak na usal ko.
LUMIPAS ang dalawang araw na walang pagkain at tubig. Nanunuyo na ang lalamunan ko at wala rin akong maayos na tulog.
"He loves me, he loves me not." Paulit-ulit kong saad habang hawak ang isang bulaklak na napulot ko.
"He loves me." Usal ko ng tanggalin ang huling petal. "Liar!" Binato ko iyon sa malayo.
Hindi naman ako mahal ni Achilles e, hindi na niya ako mahal. Malungkot na umupo nalang ako sa gilid at tahimik na umiyak.
Gustong gusto ko nang umuwi pero paano?
"Gutom na ako." Humihikbi na saad ko.
Lumipas pa ang mga araw na nasa kalsada lang ako. Ang lagkit na ng katawan ko at dikit dikit narin ang buhok ko. Hindi ko magawang humingi ng tulong dahil wala naman akong nakikitang mga bahay dito, puro mga kahoy lang. Minsan lang din may dumadaan na sasakyan.
Ang dumi at ang baho ko na.
Kumusta na kaya si Achilles, masaya ba siya na wala na ako sa poder niya?
Kumusta na ang anak ko?
"My baby." I cried.
Parang nakikita ko ang anak ko sa harapan ko ngayon, nag ha-hallucinate na siguro ako dahil sa gutom.
Pagkatapos kong umiyak ay tumulala na ulit ako. Pilit kong inaalala kung paano nga ba ako humantong sa ganito.
Ah, oo nga pala, pinili kong lumayo kaysa pahirapan si Achilles. Balak ko sanang pumunta sa Tagaytay pero dahil sa gulo ng isip ko ay maling bus ang nasakyan ko, nanakaw rin ang bag ko kung saan ko nilagay ang wallet at cellphone ko.
Sana hanapin na nila ako at sundoin ako. Mababaliw na kasi ako sa takot dito. Mababaliw na ako sa pangungulila sa mag ama ko, mababaliw na ako sa pag iisa.
Gabi gabi nalang akong umiiyak at natatakot. Kaylan ba matatapos ang paghihirap ko? Ito ba ang consequences sa mga padalosdalos kong desisyon?
Nagising ako dahil sa malamig na tubig na tumatama sa buong katawan ko. Umuulan na naman at pumapasok ito sa barongbarong na tinutulogan ko. Tumayo ako at sumiksik sa gilid, niyakap ko nalang ang sarili ko habang giniginaw.
Babalik na sana ako sa pagtulog nang biglang may tumamang ilaw sa mga mata ko, galing iyon sa isang flashlight. Natatakot na mas sumiksik pa ako, paano kung ang tao sa labas pala ang may ari nitong barongbarong? Baka sasaktan niya ako.
"Tingnan ninyo kung may tao diyan!"
Nanlaki ang mga mata ko at lumabas agad sa barongbarong. Umiiyak akong lumuhod dahil sa takot.
"I'm sorry po, hindi ko po intention na agawin ang bahay ninyo!"
Saglit na katahimikan ang nagpadilat sa'kin. Napaatras ako nang may humawak sa braso ko kaya nagpapasag ako habang umiiyak.
"Bitawan ninyo ako!"
"We found her!"
Napadilat ako at napatingin sa isang matangkad at malaking lalaki.
Natigagal ako ng makita pa ang isang lalaki na may kausap sa radio. Ilang minuto ang lumipas ng biglang may humintong sasakyan sa harapan namin at lumabas doon ang isang lalaki.
"Boss, we found her." Pero hindi siya pinansin ng tinawag ng 'boss'
"Charlotte!"
Napaatras ako sa takot.
"A-Achilles."
Natigilan siya saglit habang nakatitig sa'kin, pumungay ang mga mata niya at sumilay doon ang pag aalala.
"It's okay, hindi kita sasaktan." Malumanay ang boses na saad niya.
Napatingin ako doon sa lalaking may hawak sa'kin. Agad kong tinabig ang kamay niya saka ako tumakbo at yumakap kay Achilles. Humagulhol ako sa malapad niyang dibdib.
"God, what have I done?" Naluluhang tanong niya habang nakatitig sa'kin.
"W-Wag mo akong sasaktan at iwan dito, please." Umiiyak na usal ko.
"H-hindi na, sorry, sorry." Mahigpit niya akong niyakap at kagaya ko ay nanginginig din siya.
Lumayo siya sa'kin nang lumapit sa amin ang taohan niya upang abotan kami ng tuwalya. Pinulupot niya naman iyon sa'kin saka ako inalalayan na pumasok sa sasakyan.
Lahat nang takot ko ay nawala nang sabihin ni Achilles na uuwi na kami. Kumakain ako ngayon sa loob ng sasakyan at daig ko pa ang patay gutom dahil sa magkakasunod kong subo. Nakatitig lang naman si Achilles sa'kin.
"Bakit ka ba umalis?" Hinawi niya ang buhok na tumakip sa mga mata ko.
Napatigil ako sa pagkain ng burger upang titigan siya.
"K-Kasi ayaw mo sa'kin e." Suminghot ako.
"Sorry." Hinawakan ni Achilles ang kamay ko at marahang hinalikan. "Tinakot mo ako, takot na takot ako. Akala ko hindi na kita makikita."
Napatanga ako sa nakita kong luha sa mga mata ni Achilles.
"Sorry na ha, pangako hindi na ako magiging masama sa'yo, basta wag mo na itong uulitin."
"Achilles."
"Forgive me for all the pain I caused you, love."
Tuloyan na akong napaiyak at sinugod siya ng mahigpit na yakap. Lahat ng takot ko sa kanya ay naglaho, gusto ko nalang ngayon na umuwi at ikulong ang sarili sa mga bisig niya.
BINABASA MO ANG
The King Has Fallen
RomansaCharlotte Clarksville is a spoiled brat and she is inlove with Achilles Del Friuli, the heir of Del Friuli empire. Noong una ay hindi pa maamin ni Achilles ang nararamdaman niya para kay Charlotte, ngunit hindi nag tagal ay nanalo din ang pagmamaha...