Chapter 02

190 8 0
                                    


Chapter 02



"Get out!" Sigaw ni Achilles habang nakaturo sa pintoan.

Nakanguso naman akong tumayo pero hindi parin lumabas ng pinto. Napahilot siya sa sentido niya at galit na nilapitan ako.

"Delete it now." Utos niya.

"Ayaw ko." 

Bakit ko naman ide-delete? Ang hot niya kaya at ang ganda din ng side profile niya. Kahit nga nakadapa ay gwapo parin siya, he's perfect.

"Lumabas kana nga lang bago pa kita ma sakal." Asik niya at binuksan ang pintoan.

Nang hindi ako kumilos ay siya na ang humila sa'kin palabas, para naman akong tuta na nag pahila sa kanya.

"Umuwi kana." Ani Achilles sabay hagis ng heels at bag ko sa sahig.

"Don't throw my things like it's a piece of garbage, don't you know that Prada and Hermes are expensive?!" I shouted.

"I don't care." He said and slammed the door.

"Ha!" Napabuga ako ng hangin at inis na dinampot ang mga gamit ko. Ang salbahe talaga ng lalaking yon!

Sinuot ko na ang heels ko saka ako umalis ng Mansion. I don't have friends to hang out with kaya mag isa lang akong tumambay sa coffee shop. Yes, nakita ko nalang ang sarili ko na nasa coffee shop at umiinom ng kape. Gusto ko nga sana mag party kaso baka itakwil na ako ni papa kapag umuwi akong lasing.

I took a picture with my coffee and book and again I posted it on my IG. Mayamaya pa ay nagulat ako nang mag message si Achilles.


From Achilles :

Balik dito.

Is this true na pinapabalik niya ako sa mansion nila. Hm, bakit kaya?

Tumayo agad ako at pumara ng taxi pabalik sa village. Pagdating sa mansion ay nakita ko siyang naghihintay sa'kin sa labas ng gate.

"Bakit?" Tanong ko.

Lumapit siya at inabot sa'kin ang cellphone niya.

"Your mother is on the phone." Seryoso na ani Achilles.

Agad ko iyong kinuha at tinapat sa tainga ko.


"Mommy."

"Hi sweetheart, bakit hindi kita ma contact sa phone mo?" She asked.

"Nag iba po ako ng number." Sabi ko. Doon kasi sa dati kong number ay maraming nag t-text sa'kin na mga lalaki na kakilala ng mga kakilala ko.

"Ganoon ba? Kumusta?"

"Okay lang, nag away kami ni Pia kagabi." Sabi ko.

"Gusto mo ba na kunin kita dyan?"

"What? Para ano para ma solo niya si papa? No way!" Sigaw ko, nakita ko ang pag-iling ni Achilles dahil sa ginawa kong pag sigaw.

"Sige basta mag sabi ka lang. I am one call away." Mommy said.

It's not true the she left me, alam ko na kahit malayo kami sa isa't isa ay nandito parin siya. 

Nagpaalam na ako kay Mommy pagkatapos ay binigay ko kay Achilles ang phone niya.

"Thank you." Usal ko.

"Umuwi kana." Aniya at tinalikuran na ako.

Malungkot akong tumalikod at naglakad narin palayo. Uuwi nalang din ako at babalik ulit bukas.

The King Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon