Chapter 12
"ACHILLES."
Nadatnan ko siya sa kwarto niya, bagong ligo siya dahil basa pa ang kanyang magulong buhok. Naaamoy ko din ang gamit niyang men's shampoo.
"Pupunta na sana ako sa inyo."
Lumapit siya at hinalikan ako sa ulo, magaan din niyang hinalikan ang noo ko.
"You look pale, Lottie."
"Hindi kasi ako nag make up." Sabi ko at pilit na ngumiti.
"You're still beautiful." Magaan niya akong niyakap.
Napapikit ako at parang ayaw ko nang lumayo sa kanya. Yakap niya ako at yakap narin niya ang magiging baby namin.
"I love you." He whispered.
Naiiyak akong tumingala sa kanya at nang mag tama ang mga mata namin ay kusang pumatak ang mga luha ko.
He wipe my tears. "Bakit?" Tanong niya.
"Hindi lang ako makapaniwala na mahal mo ako." Usal ko habang nakatitig sa kanya.
Mahinang tumawa si Achilles at naiiling na niyakap ulit ako.
"Totoo ba na mahal mo ako, Achilles?" Tanong ko habang nakasubsob sa dibdib niya.
"Sobra."
Napangiti ako at tahimik na humiling na sana ay bumagal ang takbo ng oras at kung pwede ay tumigil ito para mas madama ko pa nang matagal ang yakap niya.
Mamaya ay kukunin na ako ni mama at dadalhin sa province namin bago kami pumunta sa France. Gagawin ko ito, lalayo ako para sa kabutihan ni Achilles.
"I'm sorry." Bulong ko.
"Bakit ka nag so-sorry?"
"Dahil masyado akong makulit at immature." Saad ko.
Kumunot ang noo niya saka niya hinila ang upoan at naupo sa tapat ko. Napanguso ako ng makitang sumilay ang ngiti sa labi niya.
"May problema ba, kahapon ka pa balisa. May nangyari ba kahapon sa kompanya?" He asked.
Umiling ako at pinilit na ngumiti. Hinaplos ko ang pisngi niya dahilan para mapapikit siya.
"Achilles may tanong ako." Usal ko
Dumilat siya at tumitig sa'kin ang kulay abo niyang mga mata.
"K-Kung sakaling."
"Achilles?" Pareho kaming napatingin sa pinto nang marinig ang boses ni Beatrice.
Mayamaya pa ay sumilip ang babae sa pintoan at nagulat nang makita ako. Buhay pa pala siya? Matagal narin simula nang huli ko siyang makita.
"What brings you here?" Achilles asked.
"Diba sabi ko sasabay ako sa'yo papunta sa Tagaytay?" Saad ng babae habang nakatingin sa'kin.
Inirapan ko siya at nakataas ang kilay na tumingin kay Achilles.
"May lakad ka pala ngayon?" Sabi ko na nakalimotan na ang itatanong sana kanina.
"Yes, isasama kita. May party kasi doon si Jay." Aniya sabay baling kay Beatrice.
"Hintayin mo ako sa baba, may pag uusapan lang kami ni Charlotte."
Tumango ang babae at inirapan ako bago tumalikod, dali dali ko sana siyang habulin at itulak sa hagdan pero naalala ko na kaylangan ko na palang mag doble ingat ngayon dahil buntis ako.
BINABASA MO ANG
The King Has Fallen
RomanceCharlotte Clarksville is a spoiled brat and she is inlove with Achilles Del Friuli, the heir of Del Friuli empire. Noong una ay hindi pa maamin ni Achilles ang nararamdaman niya para kay Charlotte, ngunit hindi nag tagal ay nanalo din ang pagmamaha...