Chapter 20
Ayaw kong magkaroon ng takot kay Achilles pero binibigyan niya ako ng dahilan upang katakotan siya. Pero sa kabila nang mga nangyari ay hindi ko parin magawang magalit sa kanya. Pagkatapos niyang mag sorry sa'kin ay umalis siya at hindi na bumalik, tatlong araw na kaming hindi nagkikita.
Ang pinapasalamat ko nalang ay wala dito si Elizabeth dahil ayaw kong makita niya ang mga nangyayari. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot sa kanya kung sakaling magtanong siya.
Sobrang sakit na ng pakiramdam ko, sobrang durog na ng puso ko. Pero handa akong maging martir, handa akong maghintay hanggang sa mapatawad ako ni Achilles. Alam ko na mahal niya parin ako, natatabunan lang ang tototoo niyang nararamdaman ng galit.
"Pumunta pala dito kanina ang kaybigan mo. Hinahanap ka."
Napatingin ako kay Manang nang sumulpot siya sa likuran ko. Kasalukoyan akong nasa terrace at nakatingala sa madilim na langit.
"Ayaw ko na pong makita ang gagong iyon." Usal ko.
Alam ni Manang ang nangyari kahit wala siya dito dahil sinabi ko sa kanya ang lahat. Wala kasi akong mapaglabasan ng hinanakit dito kundi siya. Ayaw ko naman na isarili lang ang problema dahil baka mahulog na naman ako sa depression.
"Kilala ko ang lalaking iyon, madalas narin siya dito noon."
"Po?"
"Si Creed Middleton, matagal na silang mag kaybigan ni Achilles."
Napakurap ako sa narinig. So tototo ang hinala ko na magkakilala ang dalawa? Matagal akong nakatulala at nagising lang ng hawakan ako ni Manang sa braso.
"Nandito ang asawa mo."
Napatingin ako sa lawn kung saan nakaparada na ang kulay itim na sports car ni Achilles. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba at pananabik.
Bumalik na siya!
"Ako na po ang mag-aasikaso sa kanya Manang."
Nakangiti naman na tumango ang matanda at pinabayaan na ako.
Saktong pagbaba ko sa hagdan ay bumukas ang front door at pumasok doon si Achilles na nakasuot ng kulay itim na suit. Magulo ang buhok niya at halatang pagod siya.
Seryoso ang mga mata na tumingin siya sa'kin kaya nag alangan akong lumapit.
Lalapit ba ako, paano kung itaboy niya ako?
"Come here."
Tipid akong ngumiti at agad na lumapit sa kanya. Tinulongan ko siyang hubarin ang suot niyang coat.
"Kumain kana ba?" Mahinang tanong ko.
"Hindi pa."
"M-May hinanda palang ulam si Manang, gusto mo bang kumain?"
Naiilang ako dahil nakatitig ang abo niyang mga mata sa'kin. Maliit akong ngumiti at nauna nang pumunta sa dining area, sumunod naman siya sa'kin at umupo sa silya.
"Kaylan pala na'tin susundoin si Elizabeth?"
"Tomorrow."
"Okay."
Ilang araw narin kasing nasa batanggas ang anak namin. Kasama niya doon ang parents ni Achilles. Tumawag din sa'kin si Mama kahapon para sabihin na bumisita sila sa batanggas.
Katahimikan.
Nakatingin lang ako kay Achilles habang kumakain siya. Tapos na kasi akong mag dinner pero kung alam ko lang na uuwi siya ngayon ay hihintayin ko siya.
Hanggang sa matapos siyang kumain ay tahimik lang kaming dalawa. Ako narin ang nag hugas ng kinainan niya habang pumanhik naman siya sa second floor. Ni hindi niya man lang ako kinumusta at kinausap.
Hindi ako makatulog kaya lumabas muna ako ng guest room at pumunta sa terrace. Umupo ako sa pang isahang upoan at tumingala sa kalangitan, wala akong pakialam kahit na malamig.
Mahina akong kumanta habang nakatingin parin sa mga bituwin. Gawain ko ito palagi kapag mabigat ang loob ko. I always believe that music can heals everything.
"I had all and then most of you some and now none of you, take me back to the night we met.
I don't know what I'm supposed to do, haunted by the ghost of you, oh take me back to the night we met." Halos pabulong na usal ko sa lyrics ng kanta.
If only I could turn back the time, I would choose to stay by his side. Sana hindi nalang ako nagpadala ng takot ko, sana mas lalo akong nagtiwala kay Achilles.
Napayuko ako at bumuntong hininga sa naisip. Nawala na tuloy ako at hindi na naipagpatuloy ang kanta.
Mayamaya pa ay may tumikhim sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko si Achilles. Wala siyang ibang saplot kundi isang kulay gray na boxers, mas lalong gumanda ang katawan niya, tumangkad din siya lalo at mas naging intimidating ang aura niya.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Seryoso na tanong niya.
"H-Hindi ako inaantok."
"Okay." Iyon lang at tinalikuran na niya ako.
Mapait akong napangiti at bago ko pa mapigilan ang sarili ay nakapagsalita na ako.
"Mahal mo pa ba ako?"
Napatigil siya sa paglalakad at bahagyang lumingon sa'kin. Malamig ang mga mata niya na nagbigay kirot sa puso ko.
"Alam kong galit ka sa'kin dahil sa kasalanan ko, alam kong galit ka dahil nilayo ko sa'yo ang anak na'tin. Pero sana naman wag ganito, nahihirapan na kasi ako."
"You ruined my life." He said.
Ginulo niya ang buhok niya pagkatapos ay humarap sa'kin.
"Alam mo, sobrang saya ko kapag magkasama tayo noon. I loved you more than my life to the point that I could give up everything if you asked me to. All I need that time is your trust Charlotte, but you only turned your back on me. You build me up only to destroy me and that was fucking painful."
Napahikbi ako sa sinabi niya lalo na nang mapatingin ako sa kulay abo niyang mga mata na puno ng pait at galit.
"I loathed you." Huling salita na binitawan niya bago ako muling tinalikuran.
Kinamumuhian nga niya ako. Wala na akong pag asa pa, dapat kasi hindi na ako nagtanong e. Umiiyak na napaupo nalang ulit ako.
"A-Anong gagawin ko ngayon?" Humihikbi na tanong ko sa sarili.
Mananatili pa ba ako at ipipilit ang sarili sa buhay ni Achilles? Malinaw kong narinig na kinamumuhian niya ako.
Pinakasalan niya lang ako para sa anak namin at asawa ko lang siya sa papel. Pinapahirapan ko na ba siya sa presensya ko?
Aalis ba ulit ako sa buhay niya o kakapalan ko ang mukha ko at manatili dito? Kung aalis ako paano si Elizabeth at saan ako pupunta? Ayaw kong umuwi sa bahay ng parents ko dahil mag aalala lang sila sa'kin.
Tumayo ako at bumalik na sa kwarto ko. Matagal akong tumulala bago ko kinuha ang malaking tote bag para lagyan ng mga damit. Aalis ako dito, aalis nalang ako dahil alam kong iyon ang gusto niya.
BINABASA MO ANG
The King Has Fallen
Storie d'amoreCharlotte Clarksville is a spoiled brat and she is inlove with Achilles Del Friuli, the heir of Del Friuli empire. Noong una ay hindi pa maamin ni Achilles ang nararamdaman niya para kay Charlotte, ngunit hindi nag tagal ay nanalo din ang pagmamaha...