Chapter 08
"Bakit nag back out si Mr.Carpio?" Tanong ni Tito Fidel habang kumakain kami ng dinner.
Nandito parin ako sa Mansion ng mga Del Friuli, gusto ko nga na matulog dito e. Pero ngayon ay wala sa mood si Tito Fidel dahil nga nag back out ang isa sa investor sana nila kaya hindi ako maka timing sa pagpapaalam.
Kaylangan ko kasi ng consent nila para hindi narin makatanggi pa si Achilles.
Napayuko ako dahil alam ko na ako ang may kasalanan. Na guilty tuloy ako at pumasok sa isipan ko na baka kapag ganito parin ang ugali ko ay maghihirap kami. Ayaw ko na mangyari yon kaya promise last na talaga ito.
"I got an emergency so I cancelled the meeting." Achilles said.
"Hayaan mo na Fidel." Ani Tita Lucia.
"Sayang yon." Uminom nalang ng juice si Tito dahil sa stress.
Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay naningkit ang mga mata niya.
"You must be the reason." He suddenly said.
"Opo." Hindi ko alam ang sasabihin kaya umamin nalang ako.
Ang pangit naman kung sabihin ko sa kanila na namimiss ko si Achilles at kaylangan ko ng atensyon nito. Baka sabihin nila na hindi pa nga kami kasal ni Achilles ay ang clingy ko na.
Pero hindi kasi nila naiintindihan na kaylangan ko itong gawin, ayaw kong lubayan si Achilles dahil ayaw ko na makalimotan niya ako kahit saglit. I want him to think of me every second, every minute and every hour of his life hanggang sa ma realize niya na mahal niya ako.
I know it sounds immature but that's the only way.
"I'm sorry Tito." Sabi ko.
"Forget it, marami pa naman." Ngumiti si Tito sa akin.
Malapad ang ngiti na tumingin ako kay Achilles na natatawa sa itsura ko.
"Nag usap na ba kayong dalawa tungkol sa kasal?" Tanong ni Tita Lucia.
"Hindi pa po." Sagot ko at tumingin kay Achilles.
"Saka na yang kasal pag naka graduate na kami." Ani Achilles.
"Ang tagal naman." Reklamo ko.
Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Of course, you have to finish college first, silly."
"Paano kong agawin ka ng Bea na yon sa'kin?"
"Here we go again." Napahilot siya sa bridge ng matangos niyang ilong.
Sumasakit ba talaga ang ulo niya sa'kin?
"Trust and communication is the only way to make a relationship stronger, tama naman si Achilles na kaylangan niyo muna taposin ang pag-aaral." Tito Fidel said.
Umismid ako.
"Complicated pa yong status namin Tito, hindi niya pa sinasabi na mahal niya ako kaya kung ano man ang meron kami ngayon ay hindi pa ito matatawag na serious relationship." Dire-diretso kong sabi habang nakatingin kay Achilles.
"Para ka talagang bata." Ani Achilles.
"But you are engaged." Tita said.
Sumandal si Achilles sa upoan at humalukipkip. Nakatingin siya sa akin ng seryoso.
"Ayaw ko sa ganito Tita, ayaw ko sa arrange marriage." Sabi ko.
"Huh?"
"Gusto ko na pakasalan niya ako dahil mahal namin ang isa't isa, hindi dahil sa arrange marriage lang." Sabi ko.
"Ang dami mong gusto." Ani Achilles.
"Come on, Achilles! Ang sweet mo pa sa'kin kanina bakit nagsusungit kana naman ngayon?" Hinampas ko siya sa braso.
Natatawa nalang si Tito Fidel at Tita Lucia sa'min.
Palabas na ako sa mansion ng mga Del Friuli nang marinig ko ang pag bosena ng isang big bike. Paglingon ko ay nakita ko si Achilles.
"What?" Nakasimangot na tanong ko. Badtrip ako sa kanya ngayon.
"Ihahatid na kita." Aniya.
Hindi ko siya pinansin, tinalikuran ko siya at nag lakad ako palabas ng gate. Sumunod naman siya sa'kin sakay parin ng big bike niya.
"Hali kana Charlotte."
Humalukipkip ako habang naglalakad. Akma niya akong hahawakan sa braso ng tumakbo ako, pero ganoon nalang ang gulat ko nang hindi pa ako nakakalayo ay may humila na sa'kin at basta akong binuhat na parang sakong bigas.
"Put me down!" Tili ko.
"Para kang bata!" Inis na ani Achilles at isinakay ako sa big bike niya.
"Nakakainis ka talaga!" Tili ko ng sumakay siya at basta nalang pinaharurot ang motor, napayakap tuloy ako sa bewang niya.
Pagdating namin sa mansion ay naabotan ko si Pia na dala ang mga maleta niya. Bumaba ako sa motor at naglakad palapit sa kanya, humarap naman siya sa'kin.
"Aalis na ako sa buhay ninyong mag ama masaya kana?"
"Alangan naman malungkot ako."
"Ang sama mo talaga." Mariin na ani Pia.
"Matagal na, hindi mo alam?" Pabalang na sagot ko.
"Let's go inside Charlotte." Hinawakan ni Achilles ang kamay ko at hinila papasok sa gate.
Pagpasok namin sa gate ay nakita ko si papa na nakatayo sa veranda. Nang makita ako ay ngumiti siya pero hindi abot sa mga mata.
"Sobrang saya ko Papa!" Sigaw ko.
Nilingon ko si Achilles pagkatapos. "Umuwi kana." Masungit na sabi ko.
"Goodbye." Paalam niya naman, kumaway siya kay papa bago lumabas ng gate. See? Ang sama talaga ng lalaking yon! Ni hindi man lang niya ako sinuyo o nilambing, nakakainis talaga.
Sa mga sumunod na araw ay hindi na ako nagpakita pa kay Achilles. Bahala siya sa buhay niya, imbes na gulohin siya ay pumunta nalang ako sa bahay ni Mama.
Binalita ko sa kanya na wala na sa mansion si Pia and I spend the whole day convincing her na bumalik na sa mansion namin.
Gabi na at nandito parin ako sa bahay ni mama, nakakatuwa dahil may nilaan siyang sariling kwarto ko dito.
"Si Achilles nag text sa'kin, tinatanong kung nandito ka ba." Ani Mama.
My eyes widened, nag text siya kay mama pero sa'kin hindi?
"Nag away ba kayo?" Tanong ulit ni mama.
"Nagtatampo lang ako sa kanya." Sabi ko.
Pakiramdam ko kasi napipilitan lang si Achilles sa'kin dahil naaawa siya o na kulitan.
"May ginawa ba siyang mali?"
Umiling ako sa tanong niya.
"Gusto ko na pong mag pahinga." Usal ko.
Napabuntong hininga siya at hinalikan ang noo ko.
"Goodnight sweetie." Aniya bago lumabas sa kwarto.
Pero hindi ako nakatulog sa magdamag dahil iniisip ko siya. Iniisip ko kung ano ang ginagawa niya at kung pumunta ba siya sa mansion para makita ako kaya nalaman niya na wala ako doon. Namimiss ko siya at gusto ko na siyang yakapin, gusto ko narin marinig ang boses niya.
BINABASA MO ANG
The King Has Fallen
RomansaCharlotte Clarksville is a spoiled brat and she is inlove with Achilles Del Friuli, the heir of Del Friuli empire. Noong una ay hindi pa maamin ni Achilles ang nararamdaman niya para kay Charlotte, ngunit hindi nag tagal ay nanalo din ang pagmamaha...