My Patient Is A Psycho

102 4 1
                                    

Part 2

SIX YEARS AGO:

Ngayon ang araw para sunduin ni Casper ang kanyang kasintahan na si Draco, sa kanilang nabiling condo.

Sa mura nilang edad ay kaya na nitong tugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Hindi maitatago sa mukha ni Casper ang saya. Dahil sa halos isang taon nilang magkarelasyon, ngayon lang niya magagawang sorpresahin ang kanyang nobyo.

Nang natapos ito sa lahat ng kanyang ginawa ay agad itong pumasok sa banyo upang maligo.

Habang naliligo si Casper, hindi niya alam na kanina pa pala nag riring ang kanyang telepono. Iniwan niya kasi ito sa labas.

Nang matapos ito ay agad itong lumabas at umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

___________

Masayang naglalakad si Casper papunta sa kanilang unit habang dala dala ang kanyang ginawa kanina.

Nang nasa harap na ito ng pinto ay bumuntong hininga muna ito bago pumasok sa loob.

Dahan dahan itong naglakad upang hindi makagawa ng ingay.

Napatigil naman si Casper ng may narinig siyang ingay mula sa loob ng kwarto na para bang naglalampungan.

Pero kahit ganun paman ay tinuloy parin niya ang kanyang pagpasok sa loob at doon niya nabitawan ang lahat.

Agad na nagsiunahang tumulo ang kanyang mga luha.

"Mga baboy kayo!"sigaw nito at agad na tumakbo palabas ng kwarto.

Ngunit agad siyang hinabol ng kanyang nobyo na si Draco at agad itong niyakap patalikod.

"Love, it's not what you think...nag uusap lang kami ni, Abegail.." pwersahang inalis ni Casper ang kamay ni Draco na nakahawak sa kanyang tiyan.

"Ang kapal ng mukha mo para mag sinungaling! kita ng dalawa kong mga mata kung pano mo tugunan ang kanyang mga halik!.."umiiyak na ani sa kanya ni Casper.

"Ano! masarap bang makipag lalapan ang ate ko ahhh!.."

Hahawakan na sana ni Draco ang kamay ni Casper, pero agad niya itong nilayo.

Tatakbo na sana si Casper ng biglang hawakan ni Draco ang kanyang pulsuhan at agad itong niyakap paharap sa kanya.

Nagpupumiglas si Casper, pero mas lalo pang hinigpitan ni Draco ang pagkakayap na para bang ayaw na itong pakawalan.

"Let me go!,ang kapal ng mukha mo!"

"I won't let you go, until you listen to my explanation.."umiiyak narin na saad ni Draco sa kanya.

"You know how much I love you, I was also surprised because of what she did"naramdaman naman ni Casper ang pagkabasa ng kanyang balikat.

"Alam mo at kilala mo ako,hindi ako ganun.."

Tumahan naman si Casper at agad na tinugon ang yakap ni Draco sa kanya.

Dahil sa mahal niya ito ay kailangan niyang makinig sa paliwanag ng nobyo sa kanya.

Nang naramdaman ni Draco ang pagtugon ni Casper ay mas lalo pa nitong hinigpitan bago niya ito pakawalan.

Naanigan pa ni Casper ang kanyang ate na nagmamadaling lumabas ng kanilang condo.

Bumaling naman ang kanyang tingin sa nobyo ng dalhin siya nito sa isang couch malapit sa dining area nila.

"You know that your sister is my best friend. She came here because she said she had something important to tell me. So I immediately called your cell phone, but no one answered."napabuntong hininga naman si Draco at agad na pinisil ang mga palad ni Casper.

My One Shot Stories Where stories live. Discover now