Summer Ghost

59 1 0
                                    

Bright Vachirawit as Haze
Win Metawin as Gavin

-------

Hinding hindi ko makakalimutan ang unang beses kong mag bakasyon sa probinsya. Ang nasa isip ko pa na non na isang araw palang parang hindi nako mapakali.

Never ko naman talaga ginusto ang mag bakasyon dito sa probinsya. Hindi ko lang Gusto dahil suguro na laking syudad ako hindi ako nasanay dito.

Its hard for me to adjust dahil may mga naka sanayan nako na bigla nalang nag bago. Using gadgets, Internet etc.

Naka upo lang ako sa damohan habang naka tingin sa malawak na kalangitan when someone approached me. Nang una ko syang makita ang asul na mata nya ang bumihag sakin and it was so Relaxing while his ocean eyes staring at me. And Im wondering What are the sad story behind his smile.

He was standing next to me.naka tingin sya sakin habang binabayo ng hangin ang buhok nya. I didn't expect na ang lalaking yon ang mag babago ng pananaw ko at ang mga ayaw ko ay magugustuhan ko.

Tuwing gabi kami kung mag kita. Is really Nostalgic, The stars and moon reflecting through his blue eyes.  Na parang gusto ko mamahinga habang naka titig lang sa kanya. Haze is really echanting happened to me. Parang sa isang iglap nag bago lahat.

“Anong pangarap mo?“ That was the First question I've ever Ask to haze and pain in his eyes were showing.

“I've never see myself in the Future Gavin…. Hindi ko nakikita kung ano ang mangyayari sakin sa hinaharap. I just want to be free and find my peace at ease at sulitin ang buong summer na masaya. ”  sabi ni Haze

I have no idea kung ano ang Punto doon ni Haze. But I see  through  his eyes may  Storya sya na hindi  sinasabi.

We spend together the whole summer. Kahit saan kami pumupunta mapa dalampasigan. Bundok at mga water falls sa mga liblib na at masukal na kagubatan.

Nakikita ko ang Saya sa Mata at labi nya kung gaano sya kasaya habang kasama ako sa mga bagay bagay na kami lang ang nakakasama. Tawanan at katahimikan na aming pinag sasaluhan. Perhaps this is the best Summer Ive ever experienced.

Sa sobrang malapit namin sa isat isa. Hindi ko napansin na may pag mamahal na namuo sa puso ko para kay Haze.  Pero hindi talaga natin maiiwang ang masaktan. Every Hai there is Goodbye. And every Morning there is a night. And every Beginning there is an end.

“It almost the end of the summer. Aalis na kami sa makalawa.  Babalik talaga ako dito para samahan kita at gumala” there is Hope in my voice.  Babalik ako Haze babalik ako para ituloy ang na bitin nating pag sasama.

“Hindi na pwede Gavin…. Im no longer be able to see you again”  my heart aches parang punyal iyon sa puso ko ang sumugat para masaktan ako sa sinabi nya.

“Pero bakit? Aalis karin ba?“  Tanong ko
Ngumiti lang sya sakin at sa pag dilim nang buwan. Wala nasya sa tabi ko. Bakit lagi nalang nya akong iiwan tuwing saktong hating gabi dito sa tagpuan?.

The last night of Summer. Nasa tagpuan ako  at may pag asa sa puso ko na sana makita ko si Haze maamin ko lang ang nararamdaman ko sa kanya at para may rason syang manatili at hintayin ako matapos ang summer. Ipinapangako ko na babalik ako sa susunod na bakasyon.

Naka luhod ako habang hindi mapigilan ang luha. Kanina pako nag hihintay pero walang Haze ang nag pakita. Walang asul na mata ang naka tingin sakin. Walang narito upang samahan ako sa huling gabi ng summer.

“ Mahal kita Haze. Wag mokong iwan ng ganito” dinadaga ng Karayom ang puso ko. Habang naka yuko at naka kapit sa damohan at nag susumamo ba bumalik sya.

Dininig ng hangin ang panalangin ko. Haze was standing at the front of me. He was smiling and his blue eyes was Glowing like a stars.

“Mahal din kita Gavin, pero wala na tayong oras. Salamat dahil sa kasama kita salamat dahil sinamahan moko sa huling hiling kong ma ranasan ang summer na to. “ Naka ngiti sya pero walang tigil ang luha na umaagos sa mata nya.

“Ito na ang pinaka masayang nangyari sakin Gavin alam mo ba yon? Kung noon naka dungaw lang ako sa bintana at pinag mamasdan ang mga batang nag lalaro sa labas at ginugugol ang oras ang pag lalaro tuwing sasapit ang summer. Habang ako ay hanggang dungaw nalang sa bintana” .   Umiiyak sya pero ang ngiti sa labi nya.

Ibinuka nya ang dalawang Braso na parang pinahintulutan akong yakapin sya.  Niyakap ko sya ng mahigpit at abot nang makakaya ko.

Hanggang sa hinarap ko ang gwapo nyang mata. Ang asul nyang mata. Ang mataas nyang buhok na binabayo ng hangin.  Hanggang sa isang halik ang iginawad nya sakin.

“Mahal kita” yun ang huling rinig ko sa boses nya nang  tuluyan nasyang mag laho sa hangin. At maiwan akong lumuluha sa damohan.

Its a heartbreaking nang malaman ko na matagal na palang namayapa si Haze. Kung hindi ako nag tatanong tanong ay hindi ko mamalaman na noong  nakaraang summer ay pumanaw sya.

Nakita nalang sya sa maliit na bahay na wala ng buhay at naka kadena ang mga binti. Madalas daw nila makita si Haze na naka dungaw lang sa bintana nang maliit nilang bahay.

Ni ganon lang daw ang naging buhay ni Haze sa mga nakaraang summer. Gusto lang nyang maranasan ang mag laro. Dahil alam niya na sa susunod na bakasyon ay hindi na nya nararamdaman yon.

Pero bago daw sya pumanaw ay may isang hiling itong binitawan. “sana mabigyan ako ng pagkakataon maranasan ang buhay sa mundo bago ako Kunin ng liwanag”

Sampong taon narin ang naka lipas at wala akong nakalimut na kahit isang ditalye sa nangyari noon.

Masaya ako na nakasama ako sa pag tupad ng pangarap mo Haze. Kung nasan kaman ngayon sana masaya kana.

“See you In our next summer Ghost “

My One Shot Stories Where stories live. Discover now