Isa akong Writer sa FACEBOOK, Ang aking mga Akda ay libre lamang na nababasa ng aking mga mambabasa.
Hindi ako sikat katulad ng ibang mga hinahangaan kong manunulat. Pero alam kong maraming humahanga sa talento ko at sa mga magaganda kong mga k'wento.
First year college nga ako sa kursong law, hindi ko naman talaga ito gusto. Gusto ito para sa akin ng Daddy ko, Dahil lawyer si Mommy ng nabubuhay pa ito.
At gusto nga niyang maging katulad ako ni Mommy at ako ang magtutuloy ng mga nasimulan ng mommy ko.
Pero ang pangarap ko talaga ay maging sikat na writer o kaya naman ay director.
Pero dahil sa kagustuhan ni Daddy na maging abogado ako someday ay sinunod ko ang gusto niya kahit labag ito sa kalooban ko at hindi ako masaya.
Hindi biro maging law student,
Pero napagsasabay ko ang pagsusulat at pag-aaral.
Napupuyat ako sa gabi dahil nga sa pag gawa ko ng story.
Madalas din akong mag-isa sa bahay dahil nga kami na lang ni Daddy ang magkasama sa buhay, mula ng mawala si mommy 3 years ago.
Malungkot mag-isa,
Nakakabingi ang katahimikan sa bahay araw-araw, gabi-gabi.
Pulis si Daddy kaya naman lagi talaga siyang wala. Halos wala na rin siyang oras para sa akin.
Pakiramdam ko, mag-isa na lang ako sa buhay..
Kaya sa pamamagitan ng pasusulat ng mga kuwento, Panandalian akong nakakatakas sa malungkot kong mundo.
Pakiramdam ko, naroroon ako sa mga kuwento na nililikha ko.
-
-Nagising ako dahil sa lakas ng Alarm Clock ko, Kinuha ko nga iyon upang patigilin dahil inaantok pa ako.
Niyakap ko nga ang unan na nasa tabi ko, Para sa akin ang unan na iyon ay Boyfriend ko. Iniimagine ko na kayakap ko ito sa pagtulog sa gabi.
Hinahalikan ko rin ito at sinasabihan ng "I love you"
"Good morning, mahal"-Nadilat nga ako dahil may bumulong sa tenga ko.
Agad nga akong napabalikwas ng bangon.
"Sino 'yun?"-Sabay tingin ko sa pintuan ng k'warto ko.
"Mahal naman, nandito ako sa bed"
Nanlaki nga ang mga mata ko at dahan-dahan na tumingin sa kama ko.
May lalaki sa kama ko!
Nakahiga siya at naka ngiti sa akin at kinaway pa niya ang kamay niya.
"S-sino ka?! Paano kang nakapasok sa k'warto ko?! Daddy! May rapist dito! Daddyyyyyy!!!!"-Malakas na sigaw ko.
"Mahal naman, tayo lang ang nakatira sa bahay na 'to"-Tsaka siya bumangon at hinawakan pa ang balikat ko.
Pero lumundag ako mula sa kama,
"Araaayy.."-Pag inda ko..Wag kang lalapit sa akin! Ipapakulong kita! Pulis ang daddy ko!"
"Pinagsasasabi mo mahal? Piloto ang daddy mo"
"Piloto?! Baliw ka ba?! Paanong magiging piloto ang daddy ko?! Tsaka ano 'yung sinabi mo kanina? Bahay natin 'to?! Wow! Mangarap ka! Hoy! Kahit pogi ka hindi mo ako mauuto! Namali ka yata ng k'warto na pinasukan!"
"Kahit kaylan ka talaga, kylie.. Pina-prank mo nanaman ako. Sige na, ipagluluto na lang kita ng paborito mong agahan. Egg and bacon with fried rice and coffee."
YOU ARE READING
My One Shot Stories
Fanfic1.) I Never Let You Go 2.) Photograph 3.) Let Go 4.) Me and the handsome man took care of the missing Baby 5.) My Patient Is A Psycho 6.) My Husband And My Girlfriend 7.) In Another World 8.) You're Just My Boyfriend But Not My Man 9.) Love At First...