Bright Vachirawit as Allan
Win Metawin as RaffyDew Jirawat as Mark
Prim Chanikarn as Bea------
Mark Pov.
Ako nga pala si Mark, 4th year Highschool student na nagaaral sa Maylan Manila High School at mayron nakakabatang kapatid pangalan ay Bea isang taon lang ang tanda ko sa kanya kaya close kami sa isa't isa.
Nga pala gusto ko lang kayo tanungin naniniwala ba kayo sa multo, o sa mga evil spirit, nasasaniban at sa mga taong exorcist.
Kung tatanungin niyo ako kung naniniwala ako. Oo dahil isa ako sa mga nakikita sa kanila at nararamdaman ang presensya nila.
Isa akong exorcist naging exorcist lang naman ako dahil narin mayroon ako third eye ang matang nakakakita na hindi nakikita ng mga normal na tao.
Sa pamilya namin ako at ang Lolo ko lang ang may kakayahin nito kaya tinuruan niya ako mag exorcist dahil din kadalasan lapitin ako ng multo dahil sa third eye ko kaya tinuruan Niya ako para tabuyin sila at tulungan ang iba na nagagambala ng mga masasamang ispiritu.
Isa narito ang aking Math Teacher na gusto ko tulungan si Teacher Allan nung una, wala ako nakikitang abnormal sa kanya may nararamdaman lang ako na iba na para bang nakakakilabot ng unang pasok niya sa aming klase mabait at magaling magturo si Teacher Allan palagi siya nakangiti at malumanay magsalita.
Subalit nang isang gabi tinulungan ko si Teacher Allan sa pagbuhat ng gamit niya habang kausap ko si Teacher Allan.
Nakita ko sa likod niya ang isang anino na sobrang itim, walang mata, nakanganga ang kanyang bunganga na makikita na wala siyang dila, at may laslas ang kanyang leeg sa sobrang pagkatulala ko sa nakita ko sa likuran ni Teacher Allan muntikan ko na siya di masagot ng tinatawag ako niya."Mark may problema ba..".
"Ahh wala Teacher Allan sige Teacher mauna na po ako".
Pagkatapos nang gabing iyon sinabi ko ito kay Bea nang makarating ako sa bahay namin.
"Puta totoo ba sinasabi mo kuya"
Walang kakayanan si Bea makakita ng multo pero palagi ko siya kasama pag may tinutulungan ako mga nagagambala ng mga masasamang ispiritu.
"Oo kaya ngyong gabi kailangan natin mapalayas ang masamang ispiritu na yun. Iba rin pakiramdam ko eh kapag nagkataon na hindi pa siya napalayas sa anino ni Teacher Allan"
Kinabukasan bago kami magkahiwalay ni Bea sa pagpasok sa ibang classroom pinagusapan na namin na bago sumapit ang gabi kailangan namin dalhin si Teacher Allan sa lumang building at ganapin ang pagpapaalis sa masamang ispiritu
"Kuya kailangan ba talaga natin patulugin si Teacher Allan".
Pagtatanung nang aking kapatid nang tagumpay namin siya nadala sa itaas ng lumang Building.
"Kailangan sa katulad ni Teacher Allan na normal lang at hindi naniniwala sa gantong bagay baka ikabaliw niya pa o hindi pa siya maniwala kaya mabuting wala siyang malay kapag nagising siya saka nalang natin isipin kung Pano ipapaliwanag sa kanya ang lahat sa ngayon ang mahalaga mapaalis natin ang masamang ispiritu na nasa anino Niya."
"Okaayyyyyy".
Nang tingnan ko oras malapit na gumabi kaya iniready ko na gagamitin Namin.
"Sa pagsapit nang gabi Bea sa paglabas ng buwan at paglabas ng anino ni Sir Allan kailangan natin maghanda 1 minuto bago ika-anim ng gabi 50 segundo 30 segundo 20 segundo 10 segundo 5 segundo 3 2 1 Bea ngyon na."
Nang lumbas ang anino na nakita ni Mark noong nakaraang gabi agad agad itinali ni Mark ng binding spirit rope ang anino.
Subalit ang anino na wala alam sa nangyayari ang unang napansin ang gurong nakaupo na walang malay at bigla naglabas ito ng galit na nagpanginig sa nakataling binding spirit rope sa katawan Niya.
YOU ARE READING
My One Shot Stories
Фанфик1.) I Never Let You Go 2.) Photograph 3.) Let Go 4.) Me and the handsome man took care of the missing Baby 5.) My Patient Is A Psycho 6.) My Husband And My Girlfriend 7.) In Another World 8.) You're Just My Boyfriend But Not My Man 9.) Love At First...