Paradise

65 2 0
                                    


"Wait hinihingal ako Bright."

"Malapit na tayo Win."

Mag rereklamo pa sana ako ng bigla syang tumakbo. Wala na akong nagawa kundi tumakbo narin kahit ramdam ko na ang pagod. Kanina pa kami takbo ng takbo ni Bright. Ang sabi sakin ay manakita daw 'syang maganda lugar at gusto nyang makita ko rin yun.

Tagaktak na ang pawis ko dahil sa sikat ng araw. Puro puno nalang ang nakikita ko sa paligid.

Biglaan tumigil si Bright ng maramdaman mahina na ang pag takbo ko. "Pagod kana ba talaga Win?" Tanging pag tango lang sagot ko.

"Okay, mag pahinga muna tayo." Napangiti ako dahil sa sinabi nya.

"Dito ohh, sumilong ka muna dito Win." Sambit nito ng makita ang puno.

Lumapit ako sa tinuro nya. " Sigurado kaba Bright na magugustuhan ko ang ipapakita mo sakin?" Tanong ko dito ng makaupo sa ugat ng puno.

Nanatiling nakatayo si Bright habang malawak ang ngiti. " Sigurado ako Win." Kampanteng sagot nito.

Matapos ang ilang minuto na pag papahinga sa puno ay sinumulan namin uli tumakbo. Nauuna si Bright sakin at minsan ay sumasabay sakin para tanungin kung okay paba ako.

Ilang minuto rin bago kami nakadating sa gustong ipakita ni Bright. Nanlaki ang mata ko habang nakatingin dito. "Ang ganda." Unang lumabas sa bibig ko.

"Mas maganda ka." Napatigin ako sa kasama ko na malawak ang ngiti. Napayuko ako dahil sa pamumula ng pisnge ko.

"Pano mo ito nalaman Bright?" Sambit ko ng mamayani ang katahimikan samin. Nilibot ko ang paningin ko. Tama nga si Bright maganda ang lugar na ito. Matatayog ang mga damo, magagandang bulaklak at saring saring puno sa palagid.

"Minsan ay napandaan ako dito kasama si dad. Ang sabi sakin nito ay masaya daw dalhin ang tao mahal mo dito." Nakangiting sambit nya. "May sinabi din sa akin si dad Win, na kapag daw itakbo mo ang taong mahal mo sa matatayog na damo na iyan ay makakasama mo ng panghabang buhay. " Pag tuturo nya sa damo.

Nagulat ako ng bigla nyang hinablot ang palad ko at tinakbo sa mamatayog na damot. Pinikit ko nalang ang mata ko at hinayaan si Bright na itakbo ako, ramdam ko ang pag dami ng hangin at damo sa balat ko.

"Mahal kita Win."

"Mahal din kita Bright"

Masaya ako sa nangyayari ngayon ngunit mas masaya ako dahil sa kasama ko ang taong mahal ko.

Because the real paradise is to be with someone you love.


The end.

My One Shot Stories Where stories live. Discover now