Bright Vachirawit as Lawrence
Win Metawin as Marcus-----
“Loveee! I missed you!” parang batang sabi ng boyfriend kong si lawrence. Lawrence is my 5 years boyfriend.
Sa loob ng limang taon, nakatago lang ang relasyon naming dalawa. akala kasi ng mga magulang niya ay babae ang gusto niya at natatako rin siyang umamin sa mga magulang niya, i respect him naman. Hihintayin ko nalang ang panahon na magkaroon siya ng lakas ng loob at ipapakilala na niya ako sa mga magulang niya.“I missed you too” wika ko pabalik sa kanya. Ngumiti ito sa’kin at niyakap ako.
“Ilang minuto lang tayo hindi nakapag kita, hindi limang taon okay? oa mo!” bulalas ko at niyakap ito pabalik, nasa condo ko kaming dalawa. iisa lang kami ng pinapasukang school pero hindi kami nagpapansinan kasi ayaw niyang bala may makahalata sa’min.
Nasa sofa kaming dalawa habang yakap-yakap ang isa’t isa.“Magpalit ka na nga muna, magluluto lang ako ng dinner natin” ani ko at bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Nakasimangot niya akong tiningnan.
“Oh wag ka ngang ngumuso-nguso riyan‚ para kang duck” biro ko dahil nakanguso na naman ito.
“Magpapalit na’ko pero kiss muna” nakangising usal niya, hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya at hinalikan siya sa pisnge.
Sumilay ang mga ngiti sa kanyang labi at pa talon-talon itong tumakbo papunta sa kwarto. Napatawa ako ng mahina at tumayo upang magluto ng dinner naming dalawa.Chineck ko ang refrigerator at ngayon ko lang napagtanto na wala na pala kaming mga stock. mag pa-pa deliver nalang muna kami.
“LOVE! WALA NA TAYONG STOCK SA REF‚ MAGPA-PA DELIVER NALANG MUNA TAYO AH!” sigaw ko dahil nasa loob ng kwarto si lawrence habang ako naman ay nasa kusina.
“AKO NA BAHALANG MAGPA DELIVER, MAGPAPALIT MUNA AKO!” sigaw niya pabalik, hindi na ako sumagot at bumalik sa sofa tsaka umupo at binuksan ang tv.
Hindi pa ako umabot ng ilang minuto na nakaupo sa sofa ng may kumatok‚ sakto naman na lumabas si lawrence.“Ang bilis naman ata ng delivery” sabi ko.
“What do you mean? hindi pa ako nakakapagpa deliver”
“Uh‚ baka si kim yan” sabi ko ulit, kim is my bestfriend. alam niya ang tungol sa aming dalawa ni lawrence.
“Bubuksan ko na muna”
Tinanguan niya lang ako at nagkalikot siya sa kanyang cellphone.
“Lalalalala—” napatigil ako sa pagkakanta kanta ko ng mabuksan ko ang pinto, napaatras ako ng bumungad sa akin ang nanay ni lawrence.
“L-lawrence” kinakabahan kong tawag sa kanya habang hindi maalis ang tingin sa nanay niyang matalim akong tinitingnan.
“Hey love! what did you call me??! did you just call me lawrence?? why hindi mo na ba ako maha—— mom‚ what are you doing here??” gulat na tanong ni lawrence ng makalapit ito sa akin.
Walang alinlangan na pumasok ang nanay niya sa loob at binangga pa ako.
“Ano na ang gagawin natin?” kinakabahan na tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at sinundan namin ang nanay niyang umupo sa sofa.
“Kaya ba hindi ka umuuwi sa bahay kasi dito ka tumitira sa condo ng BOYFRIEND mo?” diin na tanong ng nanay niya at diniinan pa ang salitang boyfriend.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni lawrence‚ kinakabahan ako at natatakot.
“How did you know ma?” kalmadong tanong niya sa kanyang ina.
“Malalaman at malalaman ko dahil anak kita! dyos ko lord lawrence! nababaliw kana ba? at ikaw nababaliw kana ba?? nababaliw na ba kayong dalawa??” galit na ani ng nanay niya dinuro kaming dalawa. Napaatras ako.
Lumapit siya kay lawrence at sinampal ito ng malakas.
Akmang aawat ako ng pigilan niya ako.“LALAKE KAYONG DALAWA! ISANG KASALANAN ANG MAGMAHAL NG KAPWA LALAKE LAWRENCE! NAG IISIP KA BA HA?! SAAN BA AKO NAGKULANG SA PAGPAPALAKI SAYO AT PUMATOL KA SA ISANG BAK——”
”MOM STOP! WAG NA WAG MONG INSULTOHIN SI MARCUS!” galit na sigaw ni lawrence, ngayon ko lang nakitang nagalit ng ganito ang boyfriend ko. Napaatras ang nanay niya at tumawa ng pagak.
“See? Bad influence sayo yang boyfriend mo! nang dahil sa kanya natututo ka nang sagot-sagotin ako!”
“Wala siyang kinalaman sa pag sagot ko sayo mom! sumusobra kana!”
Hindi ako makapagsalita, napapako ako sa kinakatayuan ko.
“UMUWI KA SA BAHAY AT MAG USAP TAYO!” huling sigaw ng nanay niya bago umalis.
Nanghina ang katawan ko at unti-unting napasalampak sa sahig.
“Hey love‚ calm down okay?” lumuhod siya para magpantay kaming dalawa.
Tumingin ako sa kanya at kaagad siyang niyakap.
Dumating na ang araw na kinakatakutan ko.“Shhh‚ don’t cry. Magiging maayos rin ang lahat” pagpatahan niya sa’kin dahil napahagulgol na ako ng iyak.
Sana nga‚ maayos pa.
Bumitaw ako sa pagkayakap sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.
“Umuwi kana muna sainyo” mahinahon kong sabi, umiling ito.
“No‚ ayoko!” pagmamatigas niya.
“Pleasee‚ para maayos na ang lahat”
Bumuntong hininga ito at dahan-dahan na tumango.
Hinawakan niya ako sa braso para alalayan tumayo‚ umupo kami sa sofa habang hawak hawak niya ang kamay ko.“Wait for me okay? babalikan kita” tumango ako sa kanya, hinalikan niya ako sa noo bago naglakad paalis.
Bumuntong hininga ako at inayos ang aking sarili‚ humiga ako sa sofa at niyakap ang unan tsaka pumikit, gusto ko munang matulog. sana panaginip lang to.
Unti unt ng bumibigat ang talukap ng mga mata ko at tuluyan na akong nakatulog.“Marcus! Marcus! Anak‚ wake-up. Umiiyak kana naman” nagising ako ng yugyugin ako ni mama.
“Napanaginipan mo na naman ba siya?” nag-aalalang tanong ni mama‚ malungkot akong tumayo.
Panaginip‚ sana nga panaginip lang din yung pag iwan na ginawa niya sa’kin.
“Anak‚ tatlong taon na ang nakakalipas. Mag moved on kana”
Hindi ko mapigilang hindi mapaluha‚ ayokong mag moved on dahil umaasa ako sa salitang binitawan niya noong gabing nagpaalam siya. na pupunta lang siya sa bahay nila.
“No ma‚ babalik pa siya”
“Babalik siya‚ n-nangako siya ma” umiiyak na sabi ko kay mama, niyakap ako ni mama at hinagod hagod ang likod ko.
It’s been 3 years ng nagpaalam siya sa’kin, pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik. Umaasa pa rin ako sa salitang ‘babalikan kita’
“Babalik siya ma”
“Babalik siya”
“Anak‚ hindi na siya babalik at kailan man ay hindi na siya babalik” umiling ako kay mama at bumitaw sa yakap niya.
No‚ babalik siya. nangako siya. nangako siya.
“Ma naman‚ babalik si lawrence okay? babalik siya” natatawa pero umiiyak kong sabi.
Nakita kong unti-unting tumulo ang mga luha ni mama.
“Anak‚ may pamilya na siya. Mag moved kana please‚ ilang taon ka ng ganya‚ Miss na miss na namin yung dating marcus”
“Please anak‚ mag moved on kana. Matagal na kayong wala at matagal na rin siyang may sariling pamilya” napailing iling ako.
Sa lahat ng kasalanan na nagawa ko, ang mahalin lang si lawrence ang pinaka magandang kasalanan na nagawa ko sa buong buhay ko.
—END—
YOU ARE READING
My One Shot Stories
Fanfic1.) I Never Let You Go 2.) Photograph 3.) Let Go 4.) Me and the handsome man took care of the missing Baby 5.) My Patient Is A Psycho 6.) My Husband And My Girlfriend 7.) In Another World 8.) You're Just My Boyfriend But Not My Man 9.) Love At First...