IFLBOMTE

61 5 0
                                    


"I Found Love Because Of My Third Eye"



Bright Vachirawit as Hydrix
Win Metawin as Nuer
Gun Atthaphan as Katori

I'm Nuer, 18 years old,163 cm high, bisexual. Since I was in Elementary School, I  had no friends, no one likes me. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng mayroong kaibigan.

A day after tomorrow is the start of my schooling in a new University kaya naman, ngayon pa lamang ay inihahanda ko na ang mga gamit ko. Palaging wala si Mom sa bahay at dahil kakalipat lang namin dito sa lugar ay kailangan niyang magtrabaho para sa mga panibagong gastusin sa bahay lalo na't lumipat nanaman ako ng ibng School. And yes, I'm the only child and I have no father. Since birth, my father left me only with my Mom. So, until I grew up I am with her.

(First day of school)

[At school]

Pagpasok ko pa lang ng gate ay kinabahan na ako, napabuntong hininga na lamang ako saka lumakad ng diretso. I don't know how to interact with the other people here, hindi naman makapal ang mukha ko. I was too shy to interact with the girls that wants to talk with me. Kaya, yumuyuko na lang ako at nagpapatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa makarating na nga ako sa classroom namin.

“Eto na yon” pabulong kong sabi. Dahan-dahan kong hinawakan ang doornob “Let's make friends” saad ko kasunod ang isang malalim na buntong hininga bago binuksan ang pinto at pumasok.

“What a perfect timing!” malakas na sabi ng guro. “He is your new classmate, sya yung sinasabi ko sa inyo na transferee dito. Can you introduce yourself iho?” paliwanag ng guro sabay tanong.

“Ahh h-hi everyone, i-i'm Nuer Suppanee” utal kong pakilala “Ok Nuer, you may take your seat.” teacher said and I nodded.

“Treat him well, class!” dagdag pa nito bago lumabas. Pumunta ako sa pinakadulong upuan sa tabing bintana na may katabi pang isang upuan at pumwesto na.

“Jan pa talaga sya umupo” “Pwesto ni Hydrix yun diba?” “Kapal naman ng mukha ng lalaking yan para umupo sa pwesto ni Drix”. Dinig kong mga bulungan nila. Hindi ko na lamang sila pinansin dahil wala naman akong nakikitang ibang tao na nakaupo rito kundi ako lang. At saka wala ring nakapangalan kung kanino tong upuan. Maya-maya pa ay dumating na ang teacher at nagsimulang magturo.
Habang nagtuturo ang guro, may napansin akong isang lalaki na pumasok mula sa pintuan. Sya'y nakapambahay lamang at tila kakaiba. Ni hindi man lang sya pinansin ng guro namin pati na rin ang iba

Bigla siyang umupo sa tabi ko at pinanood akong magsulat. Umacting na lang ako na hindi ko sya nakikitang nanonood sa'ken dahil baka ako'y mapagalitan kapag dinaldal ko sya.

Hanggang sa matapos na ang first subject ay nakatingin pa rin ito sa akin, kaya nang makaalis na ang teacher ay sinamantala ko ang oras. Agad ko siyang kinausap saka nagpipigil ng kaba.
  
“Ahm may gusto ka bang sabihin sa'ken? Kanina pa kasi kita napapansin na nakatitig sa'ken eh, medyo di ako makafocus sa study.” mahinahon kong tanong rito.

“D-did you s-see me!?” gulat niyang pabalik na tanong sa akin. “Oo naman! ano bang pinagsasabi mo?” taka ko namang sabi rito. “S-sige nga k-kung nakikita mo 'ko, i-describe mo ako.” aniyang pautal.

“Hmm sige. Nakaupo ka sa tabi ko and ikaw lang yung nag-iisang nakapambahay dito, ewan ko nga kung bakit 'di ka sinita ng teacher kanina eh” paliwanag ko rito.

“Ok, naniniwala na 'ko sa'yo, by the way, I'm Hydrix. Actually, that's my seat.” pagpapakilala nito sabay turo sa kinauupuan ko. “ I'm Nuer. Ah sorry 'di ko kasi alam na ay nakaupo na pala rito” usal ko.

“Hindi okay lang jan kana muna. Atleast may mag-aalaga ng seat ko” pangungusap niya.

“Sandali, bat wala wala kang dalang gamit? At saka bat nakapambahay ka lang?” magkasunod kong tanong sa kanya.

My One Shot Stories Where stories live. Discover now