PART TWO: VIRGO

44 1 0
                                    

PART TWO: VIRGO

Mavis' POV
Ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko habang nakapikit ako. Ang mga posas sa magkabilang kamay ko ay mas lalo pang pinapamanhid ang mga pulsohan ko. Ang bigat ng metal sa paa ko ay mas lalo pang pinapalala ang sitwasyon ko.

Unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata at tumingin sa buong paligid.

Nasa kuwarto ako na madumi ang dingding. Amoy dugo at kalawang, iyan ang aking naaamoy lagi-lagi.

Simula nang makuha ako ng Castell Organization mula sa Furrer Mansion ay hindi na nila ako tinantanan.

Paulit-ulit na sinasabi ni Olivia na nasa kanya na raw ako kaya marapat lang na sundin ko siya bilang boss ko ngunit tumanggi ako kaya naman ito ang kinalabasan ko ngayon.

Tandang-tanda ko pa noong nagising ang diwa ko't naramdaman ko ang pag-uga-uga ng kinahihigaan ko.

Hindi ko malaman kung ano ang bagay na iyon at patuloy na umuuga-uga. Ramdam ko rin na nakahimlay ang ulo ko sa isang hindi gaanong kalambot na bagay kaya naman minulat ko ang mga mata ko at unang nakita ang pagmumukha ng taong dalawang beses ko ng sinaktan.

Nanalaki ang mga mata ko at gulat na napatingin sa kanya. Kunot-noong tinitigan ko siya. "Rux?" Tumango siya.

Mas lalo akong nagtaka nang makita ko ang isang taong naka-itim na nagmamaneho ng sasakyan. Kulay gray ang buong paligid ng sasakyan at medyo dark ang upuan kumpara sa dingding at kisame ng sasakyan. Malawak ang epasyo nito kaya naman hinala ko'y isa iyong van.

"Nasa'n ako?" tanong ko sa kanya matapos ko tingnan ang buong paligid.

"We steal you from them, Mavis. You're one of us now," tugon niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Bigla akong nag-alala nang matandaan ko ang dalawa kong anak. "Sila Mayra? Ayos lang ba sila?"

"They've been knocked out--"

"Knocked out?" Bigla akong nakaramdam ng galit. "What did you do to--"

"--by sleeping gas," pagpuputol niya sa iba ko pang sasabihin. Napabuntong-hininga siya. "They're fine, but I don't think Friar is alright."

"Ha? Anong nangyari sa kanya?" nag-aalala kong tanong.

"One of our comrades knocked her out and up 'til now, I think she unconscious," sagot niya at tumingin sa akin. Tipid siyang ngumiti. "Don't worry. Nasa 'min ka na so don't worry about them. You're not one of them anymore."

"Paano ako hindi mag-aalala? Naroon ang dalawa kong anak, Rux. You think I could just forget about them and say, 'I'll be now your comrade' that easily? Who do you think of me? Hindi ako bobo."

"I know, that's why we have you now. You're our trump card," sambit niya.

Napasimangot na lamang ako at tumingin sa labas ng bintana hanggang sa huminto ang sasakyan sa isang mansyon na kasing laki at kasing itsura ng mansyon ng Furrer family.

Tinulungan ako ni Rux na bumaba ng sasakyan at hinawakan ang kamay ko pero kaagad ko iyon iniwas sa kanya.

Ayokong mahawakan ang kamay ko lalo na't malapit na akong pumasok sa lungga ng mga demonyo.

Nakapasok na kami sa bahay na iyon. Tiningnan ko ang buong paligid. Halos lahat ng naroon ay kapareha ng nasa loob ng bahay nina Flare maliban na nga lang sa isang pasilyong mahaba sa gilid ng malaking stairway.

Doon ko sinundan si Ruxinaire hanggang sa huminto kami sa isang pintuang metal. Binuksan niya iyon at pinauna ako. Laking gulat ko na halos kapareha ng punishment room ng mga Furrer 'yon sa kanilang bahay pero mas malawak iyon kaysa roon at pansin na pansin ang isang gawang mamahaling upuan na may mahabang pang-sandalan ang nasa dulo ng kuwarto. Nakalagay iyon sa gitna ng parisukat na sementong mayroong tatlong baitang na hagdanan.

Daybreak (Project:Mystery #2) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon