Chapter 5: can't risk no more (Part One)

338 4 0
                                        

Chapter 5: can't risk no more (Part One)

Mavis' POV
One week passed...

"Mama! Mama!"

Napalingon ako kung saan nanggagaling ang sigaw. Napangiti ako nang makita ko ang aking anak na si Mare. Umupo ako at magkasing-level na kami ng mukha.

"Ano 'yon, anak?" Mare can understand Filipino very well. "Anong kailangan mo kay Mama?"

"Mama," tawag niya at saka may ipinakita na nakabuklat na magasin sa akin na noon ko lang napansin. "I wanted to go here," turo niya sa magasin.

Napatitig ako doon bago tumingin sa kanya at saka ngumiti. "Sorry, Mare, but we can't do shooting ranges. Masyado ka pang bata para—"

"Mama, please? Just this once?" sabi nito na may kislap ng pagmamakaawa sa mga mata nito. "Mayra also waned this when I asked her. Please? Leave the company for once?"

Napabuntong-hininga ako at saka hinaplos ang buhok niya. Masuyo akong ngumiti. "Fine, Mare. I'll just tell my boss that I will take a temporary leave, okay?"

Tumango si Mare. May kislap na tuwa sa kanyang mga mata. "Okay, Mama," sabi niya at saka hinalikan ako sa pisngi. "Love you, Mama."

Ngumiti ako sa kanya. "Love you too, Mare," sabi ko at hinalikan ang kanyang noo. "Now, go. Tell Mayra will leave right away."

"Really, Mama?! Walang lokohan po?"

"Yes, Mare. Now, change your clothes and get ready to leave. I'll just call your Tito Rux  okay?"

Tumango si Mare at saka tumakbo palayo. Rinig na rinig ang kanyang sigaw sa pagpasok niya sa kuwarto nila ni Mayra. Kapagkuwan ay narinig ko ang pagtili ni Mayra na ikinatawa ko.

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa kitchen counter at saka tinawagan si Rux. "Hello?"

"Hello, Rux? Are you busy?" tanong ko.

Natahimik panandalian ang nasa kabilang linya. "What? Am I busy? No, I'm not. Why?"

Bumuntong-hininga ako. "Gusto kasi ng panganay kong pumunta sa isang shooting range. Come pick us up in fifteen minutes."

"But, I knew you have no day off today."

"Biglaan lang 'to, Rux. Please, just bear with me. Ayokong makita ang mga bata na hindi nila nakukuha ang gusto nila. Just for this once. Alam mo naman kung gaano kabihira makagala ang dalawa kong alaga."

Nakarinig ako ng pagbuntong-hininga sa kabilang linya. "Fine. I'll pick you up there in fifteen minutes. Give me a plus five minutes to get ready. I'm still in my underwear."

Natawa ako sa kanyang sinabi. "Okay. Bye."

"Bye. Love you, princess," sabi niya bago pinatay ang tawag.

Sunod ko na tinawaga ay si Flare. After a few rings, he picked up the call. "Hello? Who is ths?" tanong niya na may pagka-professional ang datin ng boses.

"I wanted to take a leave for a moment," sagot ko sa kanya.

Natahimik bigla ang nasa kabilang linya. "Mavis?" I heard some shuffling. "Why do you want to take a leave?"

"May importante akong kailangang gawin. This is an urgent matter for my children."

"Why? Did anything happen to your children, Mavis?" 'Di ko man nakikita ang reaksyon niya ay halatang bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.

"No, no." Napahilot ako sa aking sentido. "Gusto lang nilang pumunta sa isang lugar."

"Where?"

Daybreak (Project:Mystery #2) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon