I do not proofread. This chapter is unedited.
Chapter 24
Poster
Dahil sa aking narinig ay hindi ko alam kung paano ko haharapin si Klinton kinabukasan. Nasa hapag na kaming lahat ngayon upang kumain ng aming agahan.
Marami ang pagkaing nasa lamesa ngayon dahil si Tita Maricel ang nagluto. Kaya naman natatakam akong tikman ang kaniyang luto, lalo na ang ginataang hipon na nasa harapan ni Klinton.
Nasa harapan ko ngayon si Klinton na katabi si Tita Maricel at Kenneth sa kaniyang magkabilang pwesto. Ako naman ay katabi si Esteban na tahimik na kumain.
Sinubo ko ang kutsarang may lamang kanin at gulay bago pilit na inabot ang lalagyan ng hipon upang makakuha. Kanina ko pa kasi iyon tinitignan at ngayon lang balak na kumuha.
Napansin ata ni Esteban ang gagawin ko kaya tumigil siya sa pagkain upang tulungan ako. Ngunit bago pa man namin magawa iyon ay biglang nagsalita si Klinton.
"Ako na," Madiin na saad ni Klinton.
Hinawakan niya ang sandok ng ulam at matiim akong tinignan. Napatingin naman ako sa kaniya dahil doon.
"Ilapit mo ang pinggan mo," Mabagal ngunit madiin paring saad ni Klinton.
Tinitigan ko siya at nagdalawang isip pa kung tatanggapin ko ba ang kaniyang tulong.
"Mas malapit sa akin," Dagdag niya ng mapansing nag aalinlangan ako.
Tumutulong lang naman siya kaya naman wala itong malisya. Ako lang siguro ang nag-iisip ng masama sa kaniyang tulong dahil sa aking narinig kagabi. At dahil gusto kong tikman ang hipon, tinaas ko ang aking pinggan upang ilapit kay Klinton at mabigyan ako ng ginataang hipon.
Narinig ko ang pagtikhim ni Esteban sa aking tabi at naramdaman ang pagtama ng kaniyang hita sa aking hita. Napalingon ako sa kaniya sa nagtatanong na mukha. Nakatitig siya kay Klinton bago binalik ang tingin sa kaniyang pagkain.
Nangunot ang aking noo bago binalik ang atensyon sa aking pagkain. Hindi ko pinansin si Esteban at kinain ang hipon nasa aking pinggan na ngayon.
The shrimp looks so good on my plate. Sobrang sarap tignan ng malaking hipon kaya naman agad ko iyong kinain. Hindi ko na pinansin ang ilang ulit na pagbaling sa akin ni Esteban.
"Ako na ang maghuhugas ng pinggan," Saad ko ng matapos kaming kumain lahat.
"No, you should rest." Agad na saad ni Esteban. Nilingon ko siya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Sino ang maghuhugas kung gaanon? Marunong ka ba?" Pangungutya ko sa kaniya.
I bet he doesn't know how to wash the dishes. Hindi ko nga alam kung nakapaghugas na ito sa buong buhay niya.
"I know how to," Sagot niya sa akin, seryosong-seryoso parin.
Walang katulong ngayon dito sa mansion ni Esteban. Tanging ang mga guard lamang na nakapalibot sa labas ng buong mansion ang narito maliban sa amin.
"Ako na ang maghuhugas ng pinggan," Biglang nagsalita si Klinton.
Napalingon ako sa kaniya at nakita kong tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan at nagligpit ng kaniyang pinagkainan sa kaniyang harapan. Ganoon din ang ginawa niya sa iba pa. Hindi na niya hinihintay na makasagot ako o si Esteban.
BINABASA MO ANG
Urgency of Heat (El Refugio #1)
General FictionEl Refugio Boyslove Series #1 What will happen when the monster inside crave its prey? When the heat of the famous dominant alpha Esteban Gallego takes over himself, he can no longer control his body and will screw any omega near him. A one unforget...