Prologue : Beast
"Ingat sa Maynila, Beau." Si Tita Maricel sa handaan bago ako luluwas papuntang Manila upang mag-aral.
Ulila ako sa murang edad pa lamang. Lumaki ako sa poder ng aking Tita Maricel. Ngayon ay 19 years old na ako. Hindi ko na mabilang kung ilang taon akong nanalagi dito. Napamahal na ako sa aking Tita at sa kaniyang pamilya. At ito pa lamang ang unang beses na mawawalay ako sa kanila.
Naiiyak na niyakap ko si Tita Maricel. "Maraming salamat po, Tita."
"Huwag na huwag kang makikipag-kaibigan sa mayayaman doon, Beau." Bulong niya sa akin.
"Mapanghalipusta sa katulad na'ting mahihirap ang mga mayayaman doon!" Dagdag niya.
Naramdaman ko ang paghila ng kung sino sa aking pantalon. Tinignan ko kung sino iyon. Si Kenneth, ang pangalawa at bunsong anak ni Tita Maricel.
"B-babalik ka pa po diba?" Naiiyak at malungkot na sabi niya. He's now three years old.
"Babalik ang kuya dito at magdadala ako ng maraming regalo!" Nakangiti bagama't malungkot ang aking mga mata. Nagsimula siyang umiyak. Hindi siya natigil sa pag-iyak kaya dinala ko siya sa kaniyang kwarto- kanilang kwarto ng kaniyang kuya.
Buhat-buhat ko si Kenneth ng tinungo ang kaniyang kwarto. Nakatulog siya dahil sa pag-iyak. Binuksan ko ang pintuan ng kaniyang kwarto. Bumungad sa akin si Klinton. Ang panganay na anak ni Tita.
Nakadungaw siya sa bintana upang tignan ang ganap sa labas kanina ngunit ng buksan ko ang pinto ay doon agad siya napatingin.
"Nakatulog siya dahil sa pag-iyak." Saad ko at nilagay sa kama si Kenneth.
Tinignan ko si Klinton. Nakatingin siya kay Kenneth na mahimbing na natutulog bago nilipat ang paningin sa akin.
"Hindi na ba magbabago ang isip mo?" Saad niya. Medyo madilim na sa kanilang silid dahil papalubog na ang araw.
"Oo." Saad ko, may pinalidad sa aking pagbigkas.
Naglakad si Klinton patungo sa akin. Nang makalapit ay agad niyang sinunggaban ang aking labi. Napaawang ang aking labi upang pumatol sa kaniyang halik.
Si Klinton ay nag-iisang kaibigan ko dito sa Cagayan. Kahit sa elementary hanggang highschool ay wala na akong ibang naging kaibigan. Kilala ko naman ang aking mga classmates pero hindi sila gaanong close.
Dahil doon, siya lamang ang aking na-experience sa mga ganito lalo na kapag dumadating ang aking heat cycle. Isa siyang alpha at ako naman ay omega. Sa tuwing period na nang heat cycle ko, naghahalikan kami bago niya pinapakain sa akin ang gamot upang macontrol ang heat cycle ko.
Naghahalikan kami and sometimes I do him a job para pambayad sa pagtulong niya sa akin. I'm still a virgin because we never do it. Alam kong gusto niya pero ayaw ko, and he respect it.
"Mami-miss kita." Habol ang hiningang sabi niya sa pagitan nang aming mga halikan.
Natapos ang gabi at ngayon ay malapit ng sumapit ang haring araw. Nagpaalam ako kag Tita. Dala-dala ang aking bag na naglalaman ng aking gamit ay lumabas na ako sa aming bahay. Muli, pinaalala sa akin ni Tita ang kaniyang mga habilin.
"Huwag na huwag mong kalimutang ang aking mga habilin sa'yo!" Sigaw ni Tita Maricel sa akin.
Malungkot siya, nakangiti ngunit mababakasan ko sa kaniyang mata ang takot. Hindi ko iyon maintindihan. Siguro ay natatakot lamang siyang mawalay ako sa kaniya. Mayroon din siyang mga strange things na habilin sa akin. Lalo na ang paglayo sa mga alpha sa manila!
![](https://img.wattpad.com/cover/278180186-288-k923955.jpg)
BINABASA MO ANG
Urgency of Heat (El Refugio #1)
Narrativa generaleEl Refugio Boyslove Series #1 What will happen when the monster inside crave its prey? When the heat of the famous dominant alpha Esteban Gallego takes over himself, he can no longer control his body and will screw any omega near him. A one unforget...