Chapter 6 : Night Sky
I don't know if I'm loving all of my interactions with Esteban these past few days. Ilang beses ko na siyang nakikita ngayong week, at ngayon partner pa kami sa task na binigay ng professor namin.
Present siya whole week sa klase pati dito sa restaurant. Hindi gaya noon na minsan ko lang siya makita, ngayong week ay palagian na.
The night after our class, in the restaurant where I work to, I'm serving his food when he spoke.
"Uh. I'll wait for you later. Let's talk about our task." He casually said, while looking at me.
Nakatingin din ako sa kaniya. Since Friday ngayon, hanggang 10pm parin ako dito kahit na wala namang pasok bukas sa school. Dahil na rin siguro whole day ako sa restaurant bukas. Kaya kailangan ko ng pahinga.
"O-okay..." Saad ko at umalis sa pwesto niya.
Maraming nakakakilala sa kaniya dito kaya minsan ay may lumalapit sa kaniya para kausapin. Madalian lang naman ang usapan nila dahil narin siguro abala si Esteban sa kaniyang laptop kaya hindi na humaba ang kanilang usapan.
There were some girls and omegas too, hitting on him. Pero hindi niya pinansin ang mga iyon. Hindi ko na mabilang kung ilang babae at lalaking omega na ang lumapit sa kaniya sa gabing ito. Pero lahat nila, madali ding sumuko at umalis sa harapan ni Esteban dahil nga abala siya sa kaniyang laptop.
I continued to do my work. I conceptualize what we should perform for our task. Kanina ko pa iyong pinag-iisipan. Mayroon ng ideas sa utak ko pero hindi ko alam kung magugustuhan ba ni Esteban ang mga iyon.
I'll ask him first what his talent. I'm good at the three kaya kahit ano doon ay kaya kong gawin. Hindi ko nga lang alam ang talent ni Esteban.
It was a busy night. Marami ang customer at mayroon pang nag-away sa loob ng restaurant. Sinugod ng totoong asawa iyong asawa niya at kabit ng asawa niya sa loob mismo ng restaurant. Sa ilang araw ko nang pagtra-trabaho dito, nasanay na ako sa ganoong sitwasyon.
Of course, this place is a hotel but more like a motel. Something like that is normal. May nakita pa nga ako ditong kilalang politician na may dalang babae, worse kabit nila. Some famous artists too is here, dating on this restaurant or doing something in the rooms of El Refugio.
Base sa mga naririnig ko tungkol sa lugar na ito, lungga daw ito ng mga parausan at kabit. Sa ilang araw ko dito, I somehow understood that. This place is the safest for such thing. Matindi ang seguridad nito at wala pa akong naririnig o nakikita sa balita na tungkol sa mga nagaganap dito sa loob ng El Refugio.
This is the home for cheating, a home away from home.
Ilang minuto na lang ay tapos na ang trabaho ko. Hindi pa mag clo-close ang restaurant, may papalit sa akin dito. Tapos na ang shift ko kaya pwede na akong umuwi.
But I didn't forget the fact na mag-uusap kami ni Esteban. Nagpalit na ako ng damit para umuwi na. Paglabas ko sa corner namin, wala na si Esteban sa kaniyang pwesto.
"Si Sir Esteban?" Tanong ko sa kasamahan ko sa restaurant.
"Lumabas na, kinuha ko na kanina iyong bill at payment niya." Sagot nito.
"Okay, salamat. Mauna na ako kung ganon." Saad ko dito. Nagpaalam din ako sa ibang naroon bago tuluyan lumabas.
Baka nakalimutan ata ni Esteban na mag-uusap pa kami. Medyo nainis ako doon pero medyo nakahinga rin ng maluwag. Kabado nga ako kasi mag-uusap daw kami. I don't what would happen between us if we were left alone. But I don't think something malicious would happen to us. I laughed while thinking about that.
Tuluyan na akong nakalabas sa El Refugio. Madilim na labas at wala akong nakitang Esteban Gallego kaya naglakad na ako patungo sa daan. Papara na lamang ako ng taxi dahil wala ng tricycle at jeep sa mga oras na ito.
While I was walking in the aisle of the road, a luxurious red tesla car stopped in my side. Nagulat ako dahil doon, lalo na sa busina ng kotse. Bumaba ang mirror ng kotse ng tumingin ako doon.
"Get in," Si Esteban, medyo pasigaw at utos niyang saad.
Bumukas ang pinto. Ilang minuto pa akong hindi nakagalaw bago binuksan ang pinto ng kotse at pumasok.
"I thought you won't enter. Lalabas na sana ako para papasukin ka." Saad niya.
Pinalibot ko ang tingin ko sa loob ng kotse. It was luxurious. Sobrang ganda. Halata talagang pangmayaman. Sobrang mahal siguro nito!
"Akala ko nga ay umuwi ka na at nakalimutan mo na mag-uusap pa tayo tungkol sa task na'tin." Wala sa sariling saad ko, manghang-mangha parin sa kotseng sinasakyan.
Hindi ko akalain na makakapasok at makakasakay ako sa ganito karangyang kotse. Lalo na't kay Esteban Gallego!
Narinig ko siyang tumawa bago umandar ang kotse. Nilingon ko siya. He is wearing a white polo shirt where the sleeves was folded up until his elbow. Bukas pa ang butones ng dalawa sa taas.
"Uh..." Medyo awkward na dahil sobrang tahimik sa loob. Walang nagsasalita sa amin at patuloy lang siya sa pagmamaneho.
"About sa task na'tin," I said after a while. Medyo kinakabahan pa ako.
"We'll talk about it later. Malapit na tayo." Saad niya. Tumahimik na lamang agad ako at hindi na nagsalita.
Ilang minuto pa ang nakalipas, dumating kami sa manila bay. Kitang-kita ko ang dagat sa labas ng bintana. Huminto ang kotse sa gilid ng kalsada.
"We'll talk here." Saad niya at lumabas sa kaniyang kotse.
Malapit na mag-11 pm kaya wala na masyadong tao dito at mga kotse na dumadaan.
Ramdam na ramdam ko ang lamig ng lumabas ako sa kotse. Nanginginig pa ako bago sinundan si Esteban. Nakaupo na siya ngayon sa isang set ng lamesa at mga upuan sa tabi ng dagat. He was looking at me while I walk toward him.
"What do you think about our performance task? Any ideas?" Tanong niya sa akin ng maupo ako sa kaniyang tabi. Nakatingin parin siya sa akin kaya binaling ko ang aking tingin sa dagat.
"W-what do you think love? I mean, for you what is love?" I asked him, without looking at him.
"Hmm... Love is something that is complicated." Saad niya. Binalingan ko na siya ngayon. "Love is what people need the most. I think, it is the key for our survival. After all, without love we wouldn't survive through the hardest moment of our life." He continued.
Nakatingin siya sa kawalan habang sinasabi niya iyon. It was deep, but I didn't get it. Maybe we have different views and perspective of what love is.
I looked also to the sky. What a beautiful night sky. The stars were shining so bright. The winds were blowing a whisper of coldness at the same time warmth.
I don't know what he meant about that kind of love.
But for me, love is what my heart is telling me right now. Under the night sky, with my heart beating so fast, my cold hands, his scent and presence, my emotions and feelings. This is what I call love.
This is what lingers to me when we say love. This emotion, this feeling, this moment. Together, alone under the night sky of Manila with my heart beating so fast.
BINABASA MO ANG
Urgency of Heat (El Refugio #1)
Ficción GeneralEl Refugio Boyslove Series #1 What will happen when the monster inside crave its prey? When the heat of the famous dominant alpha Esteban Gallego takes over himself, he can no longer control his body and will screw any omega near him. A one unforget...