Chapter 3

4.2K 168 29
                                    

Chapter 3 : Classmates

Umalis ako doon at agad na iniwan si Lucas upang makatakas. Pinagtitinginan na kami roon ng mga students at masyado na akong nahihiya.

Gumagawa agad kami ng komusyon sa unang araw ng klase! Hindi pala kami iyon kundi si Esteban Gallego lamang. Sa tingin ko'y bawat galaw niya ay komusyon na agad.

Sa pagdating ko sa susunod na klase ay nakita kong nakasandal si Esteban sa corridor ng aming classroom. Nakatingin siya sa mga students na dumadaan sa kaniyang harapan na siyang tumitingin naman sa kaniya.

Nakita ko pa nga roon ang ibang malalagkit na lakad at pagdaan ng ibang mga students sa kaniyang harapan. The effect of Esteban Gallego!

Sa tingin ko'y ang ibang students dito ay nag-aasam na maikama sila. Ang haharot naman!

Hindi ko naman sila pinansin lalo na ang nakaka-kabang tingin ni Esteban sa akin ng makalapit ako sa classroom. Pumasok ako sa classroom. Nakita ko roon ang ibang students na kaklase ko rin kanina, tinignan naman nila ako ng maglakad ako para humanap ng aking mauupuan.

I was told that finding friends here is very casual. Alam ko iyon sa isang buwang pananalagi ko dito. Kahit makipagkilala sa'yo ay ibigsabihin na niyon ay magkaibigan na kayo.

Nagtungo ako sa pinakalikod na upuan, sa tabi ng bintana. Kagaya kanina sa naunang classroom, armchair din ang mga upuan dito. Kunti lamang ang space sa pagitan ng mga upuan. Ngayon sa classroom na ito ay isang linya lamang ang mga upuan. I mean, hiwa-hiwalay ang bawat isang upuan.

Naging abala ako sa tanawin sa labas ng classroom kaya hindi ko namalayang naupo si Esteban sa aking katabing upuan. Nagulat ako ng malingunan siya roon nang magsimula ang klase. Hindi na ako nakapagsalita at hindi mapakaling nakinig sa klase.

Natapos na naman ang huling klase ko sa umagang iyon na hindi ako mapakali dahil kay Esteban na aking katabi. Hindi ko mapigilang mapasulyap sa kaniya kada minuto. Nakikinig naman siya sa klase at hindi niya ako nilingon kahit minsan.

Umalis ako sa classroom na mabilis ang tibok ng puso. Kinakabahan man ay nakaya ko paring maglakad-takbo paalis sa building. Pumunta ako sa isang bench. Ang bench na iyon ay napapailaliman ng ninja tree. Kaharap naman niyon ang pathway palabas sa university.

Doon, nagsimula akong kumain ng tanghalian dahil nararamdaman ko na ang aking gutom. Habang pinapanood ang mga students na naglalakad, kumakain ako ng aking baon. Mayroong napapatingin sa akin pero inaalis din naman nila iyon.

Hindi naman masyadong nakakahiyang kumain dito lalo na't mayroon ding mga students sa kabilang mga bench na roon kumakain.

I know, pwede naman kumain sa cafeteria pero wala naman akong bibilhin doon dahil dala ko na lahat ng kakailanganin sa tanghalian kaya nakakahiyang pumunta pa roon para maki-upo sa kanilang lamesa.

Bumilis ang tibok ng aking puso ng makitang naglalakad si Esteban sa pathway, ang pathway na nasa aking harapan. Hindi siya nakatingin sa akin. Naka-focus siya sa kaniyang dinadaanan habang nakikinig sa lalaking nasa kaniyang tabi. Sa tingin ko'y secretary niya iyon sa trabaho.

Ang gwapo niya. Seryosong-seryoso ang kaniyang mukha habang naglalakad. Sa palagay ko'y importante ang kanilang pinag-uusapan.

Nasamid ako sa aking kinakain ng makita ako ni Esteban. Hindi niya inalis ang kaniyang tingin sa akin. Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya habang awang ang labi dahil kumakain ako!

Urgency of Heat (El Refugio #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon