Frank's POV
"May sakit ka ba?" tanong ko kay Danielle. Mukha kasi siyang nilalagnat--panu, namumula yung mukha. Akmang kakapain ko na sana eh, sumabat naman bigla si Tiffany.
"Mamaya na kyo magtanungan jan. Tara na, Danielle." sabay hatak niya palayo kay Danielle. Hay. Sana wala siyang sakit. :D
Ano kayang problema nun ni Tiffany? Pero talaga, 'di mawala yung namumulang mukha niya sa isip ko. Baka kasi may sakit siya, eh napaka-hyper nun. Umulan pa naman kahapon.
Matagal na kaming magkakilala ni Danielle. Best friend ko yun, kaya di na bago na mag-alala ako sa kanya. Yung father niya, businessman. CEO ng isang kompanya. Yung mama naman niya, private school Chemistry teacher. Bale, sila lang ng mama niya 'yung nasa bahay nila, bukod dun kay manang. Close pa nga sila eh. :D
One time, niregaluhan si Danielle ng papa niya ng red Porsche 911 noong birthday niya. Tinuruan pa nga niya ako mag-drive, 5 months later. :D
Nung nawala na sa range ng paningin ko sila Tiffany at Danielle, nagpunta ako sa TLE Laboratory sa loob ng campus. Pinatawag kasi ako ni Mrs. Swan, TLE teacher and adviser ng klase namin. Panay sermon nun sa klase namin. Yung tipong wala nang bukas, pero mahal namin yun. :D
"Sa ginawa mo, maraming mapapahamak! Alam kong lead vocalist ka ng bandang Black Royalty, pero di ka dapat gumawa ng kalokohan na ganun!" Hay. May sinesermunan nanaman si ma'am. Oh--teka nga. Isa lang naman ang lead vocalist ng bandang Black Royalty. Si Charlotte Fray.
Pagkapasok na pagkapasok ko, nakita kong nakayuko si Charlotte habang dinuduro-duro siya ni ma'am. Si ma'am talaga, walang pinalalampas. Nang lumapit ako, biglang huminto si ma'am. Medyo natawa p nga ako kasi lumaki bigla yung mata niya pagkakita niya sa'kin. ^.^
"Oh, Frank, bakit ba ang tagal mo?" malumanay na tanong ng teacher ko, sabay upo sa mahiwaga niyang trono. Haha. Yun yung upuan niya sa pwesto niya sa laboratory. Hindi ko sinagot yung tanong ni ma'am, imbis, nilapitan ko si Charlotte sabay tanong kung okay lang siya. Hay, Frank. Siyempre, hindi okay yung tao! Matapos pagalitan, okay? Duh!
Tumango lang siya, pero di siya nakatingin sa'kin. Tapos, bigla siyang umalis. Tumakbo siya palabas.
Hindi ko na siya sinundan. Lahat ng tao kailangan ng time para sa sarili niya. Lumapit na lang ako kay ma'am at tinanung ko kung bakit niya ako pinatawag. Hay. May ipapagawa nanaman 'to sa'kin. >.<
*******************
Charlotte's POV
Hay. Dinadakdakan nanaman ako ng adviser namin. Malay ko ba kasing mali yung kalalabasan ng pagpo-post ko ng mga pictures ng banda namin? Duh, kailangan ko lang yun para magkaroon naman ng laman yung audience namin sa araw ng first concert ng Black Royalty. Ka-banda ko pa naman si Frank. ♥
Nag-request kasi yung MAPEH teacher namin na si Mr. Dave na mag-intermission kami para sa TLE month. First day pa lang, may sermon agad na natanggap? Anu 'to, joke? ^.^
"Sa ginawa mo, maraming mapapahamak! Alam kong lead vocalist ka ng bandang Black Royalty, pero di ka dapat gumawa ng kalokohan na ganun!" maluha-luha na ako nang duruan ako ni ma'am. Napigilan ko siya dahil sa peripheral vision ko, nakita ko si Frank, nakatingin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Lalabas na ba ako? Eh bastusan naman yun sa teacher ko. Sinesermunan niya ako tapos lalayasan ko lang siya? Kung pwede lang talaga gawin yun eh.. >.<
Lumapit si Frank. Buti na lang, nabaling yung atensyon ni ma'am sa kanya. "Oh, Frank, bakit ba ang tagal mo?" malumanay na tanong ni ma'am. Gusto ko nang umalis. Gusto ko nang umalis sa lugar na 'to. Sasabog na yung puso ko eh!! >.<
"Charlotte, ayus ka lang ba?" tanong sa'kin ni Frank. Ako naman, eh sa kinikilig na talaga, tumango na lng ako. Ni hindi nga ako makatingin sa mga mata niya. Napatakbo tuloy ako!! Dapat di ko ginawa yun!! :D
Habang tumatakbo ako (with relief kasi di na ako se-sermunan ni ma'am), may bigla akong nabangga. Si BEST FRIEND pala. Si Alexis Louise Scottbriege, lead guitarist ng banda.
**********************
Si Charlotte Fray yung nasa gilid. :D
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionSiya. Sila. Sino ba mas bagay? Mas matimbang ba ang pagiging magkaibigan ni Danielle at Frank kaysa sa pagde-develop nito? Or, mas magandang piliin ni Frank si Charlotte sa kadakilaan ng kanyang puso? Malalaman ba nila ang totoong nais ng mga puso n...