Update. ^^ LELS.
*************
Zane France's POV
Hay. Hindi talaga ako papaniwalaan nun. Katangahan ba naman kasi pinairal mo, France. Pinaglaruan mo siya. Pinaglaruan mo.
Kung sa umpisa pa lang sana eh, sinabi mong mahal mo na siya talaga, di sana magkakaganito.
"Bro, bangon na jan," sabi sa'kin ni Frank. Minulat ko yung mga mata ko. Nakita ko siya, naka-uniporme. Wow. Papasok na pala siya after taguan yung problema niya?
" 'Tol, papasok ka na?"
"Oo, kaya bumangon ka na jan." Kinuha niya yung bag niya sa may study table tapos dumerecho sa pintuan. "Ah, siya nga pala, Zane," sabi niya sabay lingon. "Pupunta pala si Ate Czarina dito."
Ano? Si Czarina? Ano namang gagawin ni Ate dito? Busy kaya yun...
Si Czarina Katarina Williams ang ate namin ni Zach. Four years ang pagitan niya sa'min, at siya ang reigning president ng kompanya nila mama. Almost three years na kaming di nagkikita ni ate kasi nga diba sa London ako nag-stay for almost three years din? =D
"Anong gagawin ni Ate? Ba't daw naisipan niyang bumisita?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Bakit, ayaw mong makita si Ate?" derechong sagot sa'kin ni Frank. T-teka... May kakaiba sa ikinikilos ni Frank. Di naman siya ganun magsalita eh. Sa bait nun, sasagot siya sa'kin ng ganyan? Hindi 'nu. Galit kaya siya sa'kin?
"Hey," I called him, his back still facing me. "Galit ka ba sa'kin, bro?"
"Hindi." - Frank.
"Eh ba't ganyan mo ako sagutin? Kambal nga tayo pero mas matanda pa rin ako sa'yo ng dalawang minuto." - ako.
"May pino-problema lang ako." - Frank.
Napatayo ako at napatingin sa kanya. Duh, siya may problema? Kakaiba talaga ang kinikilos niya. Kung may problema siya, di niya sa'kin sasabihin ng ganun-ganun lang. Magde-deny pa nga yan eh. Hindi kaya may connection 'to sa nangyari tungkol kay Charlotte?
"Bro, magtapat ka nga," sabi ko sabay lapit sa kanya. "May kinalaman ba yung mga bago mong ikinikilos kay Charlotte?"
"WAG MO SIYANG IPASOK SA USAPANG 'TO!" Nagulat ako nang sigawan niya ako ng pagkalakas-lakas. Frank, ano bang nangyayari sa'yo? In-love ka rin ba?
May narinig kaming mga yabag sa labas ng kwarto. May kumatok. Malakas. Kasunod nun ay isang tinig ng babae. Si Ate Czarina.
"Hoy! Nag-aaway nanaman ba kayong magkapatid?! I swear, pagbubuhulin ko kayong dalawa! Buksan niyo ang pinto! Zane! Frank!"
Binuksan ni Frank yung pinto, pero ako, naiwang tulala. "Hi, Ate. Welcome back!" bati niya kay Ate Czarina sabay yakap sa kanya. "Nagkaroon lang kami ni Zane ng misunderstanding. Ayus lang kami, hindi naman kami nag-aaway."
"Mabuti naman. Teka nga, anu bang pinag-uusapan ng little brothers ko?" tanong ni Ate.
"May pinag-uusapan kaming di mo dapat pakialaman," sarkastiko kong sagot. Alam kong alam ni Ate na hindi ako nagsusungit ng ganito--ever. Pero dahil nahahalata ko nang may issue sa loob-loob ni Frank kapag si Charlotte na ang pinag-uusapan, ipapaalam ko sa kanyang hindi ako magpapatalo. KUNG mahal niya si Charlotte, MAS mahal ko naman yung tao. Ba't di nalang siya lumapit dun sa isa pa niyang best friend? Si Danielle? Mas bagay sila. Akin si Charlotte. Di ako aatras ng hindi lumalaban.
***
Danielle's POV
Time check: 11:35am.
Kasama ko si Luce ngayon. Nagpasama kasi ako sa kanya na pumuntang mall. Eh sa 1:00pm naman ang pasok ngayon sa school kasi may morning assembly lahat ng teachers namin, at general assembly naman ng mga estudyante sa school mamaya.
Siguro nagtataka kayo kung bakit si Luce ang kasama ko ngayon? Diba dapat si Tiffany? Kaso busy yun e. Kaya ayun. Kasama daw kasi niya yung boyfriend niyang nanggaling pa sa Antipolo mula business meeting. Who cares? >=D
"Huy, Luce. Salita ka naman jan!" sabi ko sa kasama ko sabay nudge sa kanya.
"Wag ka nga muna magulo."
"Ano ba kasing ine-emote-emote mo jan? Nag-away kayo ng boyfriend mo?"
"Hindi ko boyfriend si Alex."
"Crush mo si Alex, 'nu?"
Napahinto si Luce habang naglalakad. Hindi siya makatingin ng derecho sa'kin. Sabi ko na nga ba eh. Crush niya si Alex! Kompirmado!
"Sabi na may gusto ka dun eh," sabi ko sa kanya. "Ba't kasi ayaw mong makipagkaibigan sa kanya? Siya na nga yung lumalapit eh."
"Hindi ko siya gusto. Iba ang gusto ko," dere-derechong sabi sa'kin ni Luce.
Nilapitan ko siya. Sabay ngisi. "Eh, sino?"
"Someone I used to know."
Napatawa ako ng malakas. Binatukan ako ni Luce.
"ARAY!"
"Ba't ka kasi tumatawa? Wala namang nakakatawa eh."
"Kanta kasi yung sinabi mo. Haha... Anyway, sino ba kasi yung tinutukoy mo?"
Tumingin siya sa langit. Ngayon ko lang napansing umiiyak na pala siya, pero pinipigilan niya. Matapang si Luce. Sobra.
Hays. Bobo ka, Danielle. Nagpaiyak ka ng tao.
"Hindi ko na maalala pangalan niya eh," panimula ni Luce. "Pero I'm sure, nandito siya malapit sa'kin. Nagsisimula sa X yung pangalan niya. Nakilala ko siya sa Paris, France." Tumingin siya sa'kin as she fought back tears. "May kakilala ka bang ganun?"
"Meron," sabi ko. Tumulo na yung luha ni Luce tas pinunasan ko. "Si Xavier Mortmain."
Nagulat si Luce. At least yun yung expression na nakita ko sa kanya.
"That's him. Xavier Mortmain..." she said.
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionSiya. Sila. Sino ba mas bagay? Mas matimbang ba ang pagiging magkaibigan ni Danielle at Frank kaysa sa pagde-develop nito? Or, mas magandang piliin ni Frank si Charlotte sa kadakilaan ng kanyang puso? Malalaman ba nila ang totoong nais ng mga puso n...