Charlotte's POV
Nakakainis yung mga ganung lalaki. Yung katulad ni Zane France Williams? Yung mga casanova? May mga nararamdaman din naman kaming mga babae. And once na may mawala sa kanilang hindi sila satisfactorily happy sa ginawa nila, tska nila babalikan yung nawala nila. Hindi laruan ang mga babae! Hindi! At hindi rin ibig sabihin na kapag nagkamali kayo eh pagbibigyan kayo agad! Kapal niyo! Aish. Masakit kaya yung ginawa niyo! Too late for you to realize na mahalaga kami sa inyo. Too late, Zane.
Di dapat ako nagpapa-apekto ng ganito. Tss. Useless naman kasi eh. Kahit anung gawin ko, di ko maibabalik na nagmukha talaga akong tanga na umasang mahal ako ni Frank. Eh sa hindi naman eh! At take note, Charlotte. Sa sobrang pagmamahal mo, naisahan ka ng loko-loko niyang kapatid--I mean, KAMBAL. Leche yan.
Dumirecho na ako sa room at nakita ko si Alexis na nagse-cellphone. Malungkot. Nasa sulok naman si Alex, nagsa-soundtrip. Nage-emote. Anung araw na ngayon? Araw ng mga patay?
"Hoy, ba't ang emo niyong dalawa jan! At, teka, ba't ang aga niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa. Napatingin sila sa'kin. Tapos, pinagpatuloy nila yung ginagawa nila na parang walang nangyari--na parang hindi ako dumating. Na parang wala ako dito. Okay, awkward. (-.-)"
"EHEM! Hello? Tao po?!" sabi ko para makuha ko yung atensyon nila. Nang hindi sila umimik, nilapitan ko si Alex. "Hoy, antema?"
"Go away," pagtataboy niya sa'kin. "Gusto ko mapag-isa."
"Ano bang problema niyong dalawa?" tanong ko.
"Aalis na siya, at wala ka ding magagawa. Kaya go. Shoo~!" -Alex.
"Nasira yung phone ko--di ko ma-text yung Kuya ko," dahilan naman ni Alexis.
Walang-hiya! Nasira lang yung phone, nag-emote na?! "Tanga, edi bumili ka!" sigaw ko sa kanya.
Biglang nag-lit up yung mata ni Alexis. "Sasamahan mo ako? Ayaw kasi ako samahan ni Alex eh. Broken kasi."
"Shut the hell up, Alexis," Alex said coldly.
"Oh, diba! Sabi ko sa'yo eh. Kaya ikaw na lang ang sumama sa'kin, Char," pagpapa-cute ni Alexis.
"O'siya. Mamaya, sasamahan kita." Humarap ako kay Alex. "Pero teka, sinong aalis?" tanong ko.
"Itanong mo kay Alexis."
Tumingin ako kay Alexis. Nag-smile siya. "Si Luce. Aalis na daw. Pupuntang Korea para dun mag-aral."
"Eh what's the big deal? May gusto ba si Alex sa kanya?" tanong ko.
"MERON!" sabi ni Alexis sabay tingin kay Alex. "Naapektuhan talaga siya dun."
"Ba't di niya pigilan?"
"Kasi di siya yung mahal ni Luce."
"Alam ko yun kaya please, wag niyo na siyang pag-usapan?! Di naman kayo nakakatulong eh. Mabuti pa, umalis na lang kayo dito kung magtsi-tsismisan lang kayo sa harapan ko," nanggagalaiting sagot ni Alex.
Biglang pumasok si Luce. Nanlaki yung mga mata ni Alex. After a few seconds, playing safe siya. Yung tipong parang wala siyang sinabi? Nice, acting.
Tahimik lang si Luce nang umupo siya sa proper seat niya. Sinundan naman namin siya ng tingin ni Alexis. Okay, you know that awkward feeling?
Hinugot ni Luce yung phone niya nang nag-ring yun. May tumatawag.
Lumabas si Luce to get some privacy. Kitang-kita kong gustong-gustong lapitan ni Alex si Luce pero wala siyang magawa. Hinayaan na lang niya si Luce na umalis na para bang batang hinayaang lumipad yung lobong hawak niya nang hindi sinusubukang tumalon or anything para makuha ulit yung lobo.
Through the window, nakikita ko si Luce. Iba yung pagka-seryoso niya habang kinakausap niya yung kausap niya. Medyo sad-faced siya eh, yung tipong makikita mo lang sa mga mata niya.
In-off ni Luce yung phone tapos pumasok sa room at nilapitan si Alex. She faced him.
"Get out of the room, Charlotte, Alexis. I wanted to talk to this guy," seryoso niyang utos sa'min ni Alexis. Nagtanguan na lang kami at umalis.
Dumirecho kami ni Alexis sa park para makapagpahangin since 1 hour pa naman bago mag-start yung classes. Habang nakaupo kami sa bench, nagk-kwentuhan kami tungkol dun kay Luce at Alex; kung may issue ba sila or what.
"Sus. Eh ibig sabihin, crush na crush na crush na pala talaga ni Alex si Luce from the very start?" tanong ko.
"Yeah, right. And torpe much kasi yung tao. Sarap nga batukan nang matauhan eh," sagot niya sabay tawa.
May tumapik ng ulo ko. Kung sino man yun, ini-stay niya yung kamay niya sa ulo ko. Before I could turn around, that person blinded my eyes using his hands. His soft, familiar hands.
"Who the hell is trying to mess up with me?!" sigaw ko. Ang epic naman kasi. Duh, pwede pong dumaan sa harapan ko.
Whoever that was, he didn't answer. Tinatanggal ko yung kamay niya pero talagang ayaw niyang tanggalin. Naririnig ko naman si Alexis sa gilid na tumatawa. Anu ba! Sino ba 'to!
Finally, nagsalita din. "Guess who?" he asked in the most angelic voice.
"Frank." -ako.
He unblinded my eyes and I saw him. The perfection of his face, lips, everything. Ang saya-saya ko! Nandito na siya! Pumasok siya! ^______________________________^
Niyakap ko siya. "FRANK!!!!!!! I MISSED YOU SO MUCH!!!!!!!!!!!"
"Kaya nga pumasok ako eh. Bespren kaya kita. Diba?"
Nanlumo ako dun. Pero AYUS lang! xD
"And as best friend, may gusto akong makita mo ang isang tao bago ko sabihin yung dapat kong sabihin sa'yo," dugtong niya. "Zane, halika."
Out of the blue, lumabas si Zane. Wala siyang hawak na kung ano man maliban sa isang sulat. Inabot niya yun sa'kin.
"Read it aloud," sabi ni Zane.
Binuksan ko yung letter:
Dearest Charlotte,
I know I did hurt you so much. I know how much you've pained, because I've felt it. I know you're not and will never be ready to forgive me unless that time comes. All I want you to know is I love you very much.
As a Casanova, your point of view in me is negative. That I enjoy playing the love game with girls. But no. Not to you.
I love you, Charlotte. We will be giving you time to think. Please think carefully.
- Zane France Williams
Okay?? "So, ano yung sasabihin mo, Frank?"
I wish I never asked. Because what he said, his eyes locked on mine, was this: "I have fallen in love with you, Charlotte."
![](https://img.wattpad.com/cover/4680186-288-k751662.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionSiya. Sila. Sino ba mas bagay? Mas matimbang ba ang pagiging magkaibigan ni Danielle at Frank kaysa sa pagde-develop nito? Or, mas magandang piliin ni Frank si Charlotte sa kadakilaan ng kanyang puso? Malalaman ba nila ang totoong nais ng mga puso n...