Chapter 6: Wrong Turn

242 16 0
                                    

**********************************

Zach Frank Williams. Siya yung nasa gilid. :D

**********************************

Frank's POV

Dahil nga party ko 'to, siyempre, ako ang nag-host. Sinimulan namin sa mga kantahan, hagisan ng pagkain, kantyawan, at may asaran pa nga! Ni-link pa ako ni Alexis kay Charlotte, at ni-link naman ako ni Carla--na hindi ko napansing dumating--kay Danielle. Baka daw may hidden feelings na ako dun sa dalawa. Tinawanan ko lang silang lahat.

Alam kong magkaibigan kami ni Danielle, pero sa ngayon, hanggang dun na lang muna. Si Charlotte naman, okay naman siya, pero mukhang----

Naputol ang thoughts ko ng biglang may tunog ng screeching tires. Parang nag-drift. Takbo kaming lahat maliban kay Charlotte at Alexis para usisain kung sino yung dumating. Oh, hell. Pag minamalas nga naman. Si France. Kambal ko. T.T

"'Sup, dude?" sabi niya pagkababa niya ng yellow Ferrari niya. "Daming girls ah. Meron bang para sa'kin jan?" biro niya. Alam kong nagbibiro lang 'tong kumag na 'to. San nanaman kaya nanggaling 'to?

"Sino siya, Frank?" tanong ni Luce. Mukhang interesado.

"Uh, guys. Siya si Zane France Williams, kambal ko."

"KAMBAL?!!!" sigaw ni Danielle. Naiwan si Charlotte at Alexis dun sa loob. Nag-uusap.

Napa-tsk si France. "Grabe, dude. Hindi mo ako nabanggit sa babae mo?"

"Tanga, hindi ko babae yan. Best friend ko yan. Si Danielle Price. Tsaka hindi ako nambababae katulad mo," banat ko.

Winave ni France yung kanang kamay niya matapos niyang i-on yung car alarm niya. Sabi niya sa'kin, "Dude, pasok muna ako sa loob ah. Nag-date kasi kami ng girlfriend ko, so pagod ako. 'Kay?"

Binulungan ko siya. "Wag kang gagawa ng gulo sa loob. Nandoon yung lead vocalist namin."

"Sino?"

"Charlotte Fray. Kaya, go, shoo! Akyat na agad sa kwarto mo kung ayaw mong bangasan kita."

Then, pumasok na siya sa loob. Napansin kong tulala halos ng mga ka-banda ko. Hay. Sensya at di ko siya nabanggit ah? Gusto ko kasi sanayin ang sarili ko na wala siya. :D

**************************************

Charlotte's POV

Narinig ko yung screeching tires, pero tinatamad ako puntahan at alamin kung sino yun. Nagpunta si Alexis sa kitchen nila Frank para kumuha pa ng iced tea at ibang snacks. After two minutes siguro, pumasok si Frank. Pero iba na yung damit niya.

"Oh, Frank, nagpalit ka ng damit mo?" tanong ko.

Parang nagulat siya. Pero nag-smile din. "Ah, oo. Teka nga. Charlotte, gusto mong umakyat sa taas? Ipapakita ko sa'yo yung family portraits namin." Then, smile ulit.

Sino ba naman ako para tumanggi? Siyempre sumama na ako.

***

Nasa third floor staircase na kami. Semi-mansion kasi ang bahay nila Frank.

Nakita ko yung mga antique paintings ng mga magulang niya. My mga galing pa ng 1900s, at may mga 1800s din na paintings. Napansin ni Frank yun. Hindi ko alam kung bakit, pero nagsalita siya. "Si Mama ang mahilig mangolekta ng mga antique paintings. Mahilig kasi siya sa mga historical artifacts."

Napangiti na lang ako. Pero biglang sumagi sa isip ko yung dapat gagawin ko ngayon: ito na yung right time para sabihin kong mahal ko siya. Ayaw kong maunahan ni Danielle, ngayong binabalak ni Frank na isama siya sa banda.

"Um, Frank?"

"Yes, Charlotte?"

Hooo... Kinakabahan na ako. Pero parang may mali. Anyway, sinet aside ko yung epal na feeling. Dala lang yan ng kaba. "May sasabihin sana ako sa'yo. It's about myself."

"Ano naman yun?" Huminto kami sa paglalakad.

"Ah, kasi, mahal kita."

He was taken aback. Parang hindi niya ine-expect yun. Dapat lang na hindi niya i-expect yun. Ngayon, nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Pinagsisihan ko yun for twenty seconds. Pinagsisihan ko for twenty seconds na wala siyang reaksyon sa sinabi ko maliban sa shocked look. Pero I thought wrong. He suddenly motioned into a warm embrace. May tama ata 'tong lalaking 'to? Anong ginagawa niya?

"Glad I knew that," sabi niya sabay alis ng pagkaka-hug niya sa'kin.

"Ah, bababa na ako."

"Wag muna, Charlotte," sabi niya. His eyes are pleading. "I want you to stay with me for a while. Sa terrace tayo."

Napatango na lang ako.

**********

Alexis's POV

Asan na ba yung babaeng yun? Hello? Charlotte? Bumisita lang ako saglit sa kusina nawala ka na? Yari ka sa'kin pag nakita kita! >:|

Pumasok sila Frank sa loob kasama nung iba pa naming ka-banda. Napansin nilang wala si Charlotte.

"Nasan si Charlotte?" tanong ni Frank. "Pag-uusapan na dapat na'tin yung tungkol kay Danielle eh."

"Ewan ko. Pumunta akong kitchen niyo tapos pagbalik ko, wala na siya."

Nagpaalam si Frank na pupunta ng basement para ayusin yung mga...basta yung arcade'an dun. Meron daw kasi sila nun, one time nabanggit niya sa'min. Babalik din daw siya agad.

"Ayun," sabi ni Danielle. "Ayun siya oh. Pababa ng hagdan."

Nakita ko si Charlotte. Sinugod ko agad siya. "Hoy! San ka ba nanggaling?!"

"Sa taas po. May tiningnan lang."

"Pag-uusapan na daw natin yung tungkol kay Danielle. Oh, inom ka muna ng iced tea." sabi ko sabay abot sa kanya nun. Ininom naman niya agad. Nang nakapikit.

Lagi na siyang nakapikit pag umiinom. One time, kinwento niya sa'kin na habang umiinom daw siya ng tubig ng mga 3:13am, may nagpaparamdam sa kanya. Nabasag nga niya yung baso. Kasi nakadilat siya, may naaninag siya dun sa bottom ng baso na mata. No wonder daw na feeling niya pinapanood siya kasi may multo na pala dun sa tapat mismo ng baso niya. Nahimatay pa nga daw siya nun. Kaya simula nun, nakapikit na siya pag umiinom ng kahit anong beverage.

Dumating na si Frank nang matapos inumin ni Charlotte yung iced tea. Napansin kong nagpalit siya ng damit, pero di ko na inusisa pa. Damit lang, uusisain pa? :D

"Okay, so since nandyan ka na, Charlotte, balak ko sanang gawing co-vocalist mo si Danielle. Gusto kong malaman yung opinyon mo dito."

"Yeah," sagot niya. "Fine by me. Eh yung ibang members ng banda? Okay lang ba?"

Tumango lang silang lahat including me.

"That's settled!" sabay na sabi ni Frank at Charlotte. Sabay din silang tumawa. Ngayon ko lang napansin na bukod sa tandem ni Frank at Danielle, bagay rin pala silang dalawa ni Charlotte.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon