Hala. Sino si Xavier Mortmain sa buhay ni Luce?
May past kaya sila?
Pano si Alex?
May gusto din kaya si Luce sa kanya?
Masasagot kaya ng chapter na'to yung mga tanong na'to?
Dalawang love triangles na yung nabuo sa kwentong 'to. Pero siyempre, kila Frank tayo magfo-focus.
Ewan. Who knows? Ako lang nakakaalam. xD
Basahin niyo na lang. ^^
*****************
Alex's POV
Alone.
One word that describes what the hell I am doing right now.
Mahal ko naman kasi talaga si Luce. Kaso, sabi niya, IBANG tao kailangan niya. Yung kung sino mang him yung tinutukoy niya, lalaban ako. Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko. Pero, diba si Luce na nga rin yung nagsabi na hindi ako ang kailangan niya? Na wala siyang kailangan kundi yung lalaking yun?
Konsensya: Alexander, susuko ka na lang ba ng ganun-ganun?
Oo nga. Susuko na lang ba ako? Baka kasi lumaban ako pero masayang yung pagod ko. Kita mo naman, pinagtabuyan ka na nung tao, lalapit ka pa rin? Edi mas lalo ka lang ipagtatabuyan nun, diba?
Nag-ring bigla yung phone ko. Nang tingnan ko kung sino yung nasa caller ID, si Alexis pala.
I answered the call.
["ALEX!"] sabi niya. ["May sasabihin ako sa'yo!"]
"Edi sabihin mo na. May ginagawa ako," sabi ko as excuse--kahit na wala naman talaga akong ginagawa. Ayoko kasing naiistorbo ako pag may iniisip akong makakaapekto sa'kin in the next few years.
["Tungkol 'to kay Missy."]
Nagulat ako sa sinabi ni Alexis. Si Missy? Si Luce? Ano nanamang meron sa babaeng yun? At from now on, di ko na din siya kailangan. Ang dami-daming babae sa mundo, 'nu! Saksak niya sa baga niya yang him na sinasabi niya! Oh, Alex... So bitter...
["Si Xavier Mortmain yung sinasabi niyang him."]
Nagulat ako ulit. Si Xavier? Eh step-brother ko yun eh! His complete name is Xavier Mortmain-Fourie, at parehas kami ng father. He resides in Paris, France until he came home last year. Basang-basa pa siya sa ulan nun. Rush ang pag-uwi niya. Ang sabi lang niya, he needed time--because he said that he was heartbroken.
At ngayon, alam ko na kung bakit ganun naging personality ni brother. Kasi may past siya sa Paris. It's either si Luce or any other girls ang dahilan kung bakit siya brokenhearted. But, it's clear now. Si Alexis na nga ang nagsabi na Xavier Mortmain ang pangalan ng lalaking tinutukoy ni Luce. Nag-break sila. Naging sila. Ang sakit isipin.
"Yeah, thanks for the info. I'll call you later," malamya kong sagot kay Alexis. Naintindihan naman niya kaya nagpaalam na siya sa'kin.
Luce, I've loved you so much. I've loved you this far. But di ko akalaing ikaw pala ang dahilan ng pagbabago ng kapatid ko. Blood is thicker than water, but love is the most powerful of all.... and what kind of love is that? Love for your blood-kin or love for the bearer of your life?
Yes, Luce is my life now. Although ganun yung mga kilos niya, na matapang siya and she surpassed the strength and courage of a normal teenage guy, dun ako na-astigan sa kanya. Lagi siyang nasa isip ko. Lagi ko siyang naaalala. But she caused my brother's broken heart.
You really don't know the story, Alex.
I can never know the story. Wala kay Kuya Xavier or Luce ang magsasabi sa'kin nun. Or anyone na nakakaalam ng nangyari.
One year ang pagitan namin ni Kuya Xavier.
Super preoccupied na si Kuya Xavier sa school niya. He's in college now, and currently studying somewhere in New York. Gusto daw niya maging independent. But behind all his excuses para payagan siya ni Mommy na dun mag-aral is one thing that I do know--that none of my parents know. Umalis si Kuya para kalimutan si Luce. But he doesn't know na hinahanap siya ni Luce. What is the true story?
May tumawag. Si Danielle. Ah, voice mail lang pala.
["Hi, Alex. Sorry kung bigla akong napatawag ngayon. You have to inform Frank and Charlotte na aalis si Luce and she booked a flight to Seoul a couple of minutes ago. Dun na lang daw siya mag-aaral kaya aalis na siya sa banda. The day after tomorrow and flight niya. Sorry kung sa'yo ko ipapataw yung responsibility ah? Tinawag kasi ako ni Daddy kasi may ipapagawa siya sa'kin sa office. Ciao~!"]
Luce. Why the hell are you doing this to me?
***
Yun lang. Nahihirapan akong i-merge yung love triangle ni Zane-Charlotte-Frank at Charlotte-Frank-Danielle at yung kay Alex-Luce-Xavier.
Pagsasabayin ko na yung mga love story na yan dito. Katamad gumawa ng bagong story eh. ^^
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionSiya. Sila. Sino ba mas bagay? Mas matimbang ba ang pagiging magkaibigan ni Danielle at Frank kaysa sa pagde-develop nito? Or, mas magandang piliin ni Frank si Charlotte sa kadakilaan ng kanyang puso? Malalaman ba nila ang totoong nais ng mga puso n...