Chapter 24: Last Cry

179 17 5
  • Dedicated kay Mary Grace Bornales Catigbe
                                    

Nagpunta si Charlotte sa isang tagong lugar para kunin ang cell phone niya. Natataranta siya. Ano na nga bang nangyayari kay Frank?

Oo. Si Frank lang ang tumatakbo sa utak niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Tinawagan niya ng tinawagan ang phone nito, pero laging out of coverage area.

 Napaupo siya sa tabi. Nag-isip. Pero wala talagang pumapasok sa utak niya kahit na magpaka-Jimmy Neutron pa siya.

Oh, Frank, nasaan ka na ba?

****

Sa isang abandonadong gusali makikita si Frank at Danielle. Parehas nakatali ang kamay sa likod ng isang bakal na silya at nakatali rin ang mga paa. Sa harap nila ay naroon si Michael Kim, ang captain ng basketball team ng Royal Moon Academy at boyfriend ni Tiffany Park.

Naunang nagising si Frank. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nilibot ang lugar ng kanyang paningin. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Si Danielle, may sugat at pasa sa katawan.

Nakarinig siya ng tawa sa kanyang harapan. May pumasok sa loob.

"Tingin mo ba makakapunta talaga kayo ng school para sa performance niyo?" 

Tama ang hinala ni Frank. Si Michael ang nagsalita. "Matatalo na kayo. Sana nung umpisa pa lang, tinanggap niyo na yun para di na napunta sa ganito."

Hindi sumagot si Frank. Abala siya sa pagtanggal ng tali sa kanyang kamay. Nang natanggal niya ito, nagkunwari siyang naroon pa rin ang tali sa kanyang kamay at nag-isip kung paano tatanggalin ang tali sa kanyang mga paa.

Ano ang nangyari kay Danielle at nagkaganoon ang kanyang katawan? Iyan ang tanong na bumabagabag sa isip ni Frank. Kaibigan niya ito.

Kaibigan nga ba?

****

Danielle's POV

Hindi ko maabot yung cell phone ko!! Shit!

Sinuntok ako ni Michael at ipinasok sa kotse ni Frank. Kinuha niya ang cell phone namin at tinapon sa sahig. Inilipat niya si Frank sa backseat at magkatabi kami. Siya ang nag-drive.

Makakatakas na nga, nakita pa! >.<

"Ipapa-pulis kita, Michael!!!" sigaw ko sa kanya.

"Manahimik ka na lang kung ayaw mo pang mamatay," sagot niya. "Tutal, gusto mo rin naman si Frank, diba? Mas gugustuhin mong magsama kayong mamatay, diba?"

Oo. Mas gugustuhin ko nga yun. Pero mas gugustuhin kong mabuhay kaming dalawa kahit na di kami para sa isa't isa.

Dinala kami ni Michael sa isang abandonadong gusali malayo sa school. Ano bang balak niyang gawin sa'min?

Ako ang una niyang pinapasok. Di na masakit ang tiyan ko sa pagkakasuntok niya. Halos 30 minutes din yung biyahe namin, 'nu. =.= Itinulak niya ako sa loob at napadapa ako sa sementong sahig.

"Nalaman ko sa mama ko na pamilya mo ang nagpapatay sa daddy ko," singhal niya.

ANO?!!! WHAT THE EFFIN' HELL?!!! NAGPAPATAY?! PAMILYA KO?!

Tumayo ako. "HINDI MAMAMATAY-TAO ANG PAMILYA NAMIN!!! Kung gusto mo kaming siraan, wag sa'kin dahil kadugo ako ng sinisiraan mo!!!"

Sinampal niya ako. Ang sakit. T.T

"Hindi ko alam kung anong pumapasok jan sa kokote mo at di mo alam na pinatay ng tatay mo ang daddy ko! NAPAGBINTANGAN ang tatay ko! Sinabi ng mama mo na ninakaw niya ang mga alahas ng mama mo. Pero ang totoo, nire-regaluhan niya ang mama mo..."

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon