Zane's POV
Nagpunta akong cafeteria para makapag-isip. Binasa ko yung kung ano mang makuha kong libro sa bag ko.
Nakita kong naglalakad si Charlotte papuntang cafeteria. Kakaen ata siya, tutal, recess naman na. Hindi niya ako napansin at dere-derecho siyang pumunta dun sa may nagse-serve ng pagkain.
"Ano ba? Tatanga-tanga ka naman at di ka tumitingin sa dinadaanan mo!"
Narinig kong sumigaw ang isang babae sa likod ko. Nagbabasa kasi ako para naman mailayo ko muna yung isip ko kay Charlotte. Nilingon ko para alamin kung ano na yung nangyayari.
May isang babaeng nakatayo sa tabi ni Charlotte. Tancha ko, mga 5'5 height. Sexy, pero di ko trip.
"Teka, ano bang ginawa ko sa'yo?" tanong naman ni Charlotte. Nag-aaway ata sila. Shit, ba't nila inaaway yung mahal ko?
"Bulag ka ba?" sigaw sa kanya nung babae. "Tinapunan mo ng juice yung dress ko!" Tinuro niya yung nabasa niyang sleeve.
"Pwede namang magpalit diba? May locker ka naman," sagot ni Charlotte. Sabay binangga niya yung babae at napunta patungo sa uupuan niya.
Sinugod siya nung babae tapos hinila yung braso niya kaya natapon yung hawak niyang tray. Dun ako napatayo at nilapitan ko yung babae.
"What the hell are you doing?" tanong ko sa babae. Di ko siya kilala eh. =)
"Get out of the damn way, Zane France Williams, The Heartbreaker," sabi niya. Teka, sino ba siya?
Tiningnan ko mula ulo hanggang paa yung babae. Pang-insulto daw yun, sabi ng nakararami. "Sino ka ba?" tanong ko.
Nagulat siya sa tanong ko. Teka, ano ba dapat ikagulat dun kung di ko naman talaga siya kilala?
"Ano? Paki-ulit nga?!" pagalit niyang sagot.
"Sabi ko, sino ka ba?" tanong ko ulit.
May mga bulung-bulungan sa paligid ko. "Hala, di kilala ni Heartbreaker si Tiffany?"
"Leader kaya ng cheerleading squad yan tapos di niya kilala?"
"Anong nangyari kay Heartbreaker?"
Ilan lang yan sa mga narinig ko. Sino ba si Tiffany?
Nararamdaman kong nakatingin sa'kin lahat, pati si Charlotte, pero di siya nagsasalita.
"What's going on, babe?" Narinig ko mula sa likod. Nung nilingon ko, si Michael Kim pala, yung captain ng basketball team ng school. "And what in hell is Zane doing here? Did he hit on you?"
"Why would I hit on her? Is she your shrimp-looking girlfriend?" I shot back at Michael. Kalaban ko si Michael nung nasa team pa ako. Kaya lang naman ako umalis kasi ayoko na makisama sa mga plastik katulad niya.
Nakita kong nagliyab yung mga mata ni Michael. "Shrimp?!" Sinuntok niya ako sa kanang pisngi. "F*ck off, dude!"
Nag-spit ako sa sahig ng dugo. Nilapitan si Michael nung Tiffany at nilapitan naman ako ni Charlotte. "Zane, ano bang ginagawa mo?" tanong ni Charlotte sa'kin.
"Pino-protektahan lang kita. Binu-bully ka na nung babae eh. Sumosobra na siya."
Ilang mga babae ang napa-gasp sa sinabi ko. Malamang, di nila aasahan yun sa isang heartbreaker. "Mashado namang siniseryoso ni Heartbreaker yang babaeng yan," narinig kong sabi nung isang babae, pero di ko nalang pinansin.
"Babe, stop making a ruckus," sabi naman nung Tiffany. "I think that lead vocalist of Black Royalty has a grudge on me. She poured her juice on my sleeve."
Nilapitan ko yung Tiffany para sampalin, pero pinigilan ako ni Michael. "What, dude? You're going to hit a girl?"
Sumosobra na'to!!!! As if naman ako pa nagsimula nito! Kung di sana pinairal ng cheerleader na yan yung kayabangan at kaartehan niya, di magkakaganito! Tsk!
"Sabihan mo yang girlfriend mo to watch her words," pagbabanta ko. "Ayokong lumalapit siya kay Charlotte."
"Lalapit siya kung gusto niya." -Michael.
"Subukan niya lang. Let's go, Charlotte," sabi ko sabay hila kay Charlotte.
*****
Tiffany's POV
Cheerleader ng school, di kilala ng Heartbreaker?
What the eff, diba?
Buti na lang di siya sinuntok ni Zane. Tinanong ako ni Michael kung ano ba talagang nangyari, since na-sense niyang may hindi ako sinasabi sa kanya.
"Ganito kasi yun," simula ko. "Nakapila ako para kumuha ng pagkain, tapos dun dadaan sa likod ko si Charlotte. Natabig ko yung juice niya kasi ako kasunod niya sa pila. Tas ayun, natapunan yung sleeve ko. Wala naman din akong pampalit, kahit sa kotse ko."
"Eh ba't naghamon ka ng away?" tanong niya.
I smirked. "You know me. I'm a fighter. And wala pa akong nakakalabang matino these past few days."
"My gangster girl," Michael said, putting his right hand on my left cheek. I blushed. "Next time, don't fight people who are supposed to be thrown away. Kayang-kaya mo naman din yung babaeng yun. Ba't di mo pa pinatulan?"
"Shempre, mabubuking akong si Baddest Female," sabi ko.
****
Luce's POV
One week is almost over.
Five days since Alex told me what to do.
Will I ever be able to pick one of them?
"Luce."
Si Charlotte pala. "What happened between you and Alex?"
"Nothing important," sagot ko. Yung mga mata ko, nakatingin sa malayo. "Okay, I'll tell you. Sinabi niyang mamili ako sa kanilang dalawa. Siya o yung ex ko. End."
"We're on the same shoes, Luce," sabi ni Charlotte. "Zane asked me if it'll be him or Frank. Ayoko naman ding saktan siya with a 'No', diba?"
"Bahala na si Batman," sagot ko with a sly grin.
****************
Ayan na piplets! Kakaen na ako at pinapakaen na ako ni Mama. xD
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionSiya. Sila. Sino ba mas bagay? Mas matimbang ba ang pagiging magkaibigan ni Danielle at Frank kaysa sa pagde-develop nito? Or, mas magandang piliin ni Frank si Charlotte sa kadakilaan ng kanyang puso? Malalaman ba nila ang totoong nais ng mga puso n...