Tiffany's POV
"And now, ladies and gentlemen, the Royal Moon Academy is proud to present: Hip-lash."
Nagpalakpakan yung mga tao habang umakyat kami sa stage. Oo, mas malakas yung palakpakan kanina sa banda ni Charlotte pero nung natapos yung performance nila, hala namang maraming nadismaya. Ha! Dapat lang sa'yo yan! You fought the wrong person. ^^
Nag-vibrate bigla yung phone ko. Di ko sasagutin kasi nasa stage nga ako. Performance na, at umeepal yung tumatawag.
Nag-start na kaming pumunta sa mga positions namin nang tumugtog na yung kanta naming remix. Maraming kanta yun, di ko na babanggitin lahat bukod sa ilang KPOP songs at American Pop songs. Basta, yun na yun. ^.^v
Nang matapos ang performance namin, mas tumindi ang palakpakan. Mas malakas kesa sa ginawa nila nung yung grupo pa ni Charlotte ang nag-perform. Siguro naman halata na kung sinong nanalo? *smirk*
Nilapitan ako ni Charlotte. "May ginawa ka, ano?"
"Anong ginawa?" I smiled. "Sumayaw ako, ano pa ba?"
"Just tell me where in Hell are Danielle and Frank." Tinititigan niya ako na parang kakainin niya ako. OMO! Baka ako pa lumapa sa kanya?!
"Wala akong alam sa sinasabi mo. Bakit hindi mo kaya tanungin yang mga ka-grupo mo? Baka may nag-sabotahe sa performance niyo?"
Wala si Jessica sa circle nila. Where is she?
"Wag mo ngang aakusahan na may traydor sa grupo namin!!!" sigaw ni Alexis. Itinulak niya ako na para bang naghahamon ng away. "Kung gusto mo kaming sirain, pwede bang wag mo namang ipahalata?!"
Pinagpagan ko yung hinawakan niyang part ng damit ko nang itulak niya ako. "Ikaw lang ang nagsasabi niyan, Alexis. Hindi porket ang angkan niyo ay isa sa mga nag-found ng school na 'to ay di na kita papatulan." Tiningnan ko silang lahat. "At kayo, kayo lang ang nakakaalam kung ano ba ang nangyari sa mga ka-grupo niyo. Wala akong kinalaman jan kaya wag niyo akong idamay sa kalokohan niyo!"
"Kung nandito si Luce, malamang patay ka na," marahang sabi ni Alex. Oo, ito nga yung kapatid ni Xavier.
Well, as if naman natatakot ako dun. -.-" "Aurelia Luce? Yung nang-iwan sa inyo? Ha! Hindi rin malabong nagpadala siya ng mga bad guys dito para i-sabotage ang performance niyo."
Sinugod ako ni Alex na para bang sasapakin niya ako. "WAG MONG PAGSASALITAAN NG GANYAN SI LUCE! HINDI MO SIYA KILALA!" Itinaas niya yung kamao niya, pero napigilan siya ni Jessica.
"Stop. Please." Dahan-dahang ibinaba ni Jessica ang kamao ni Alex at dinala siya palayo. Bago pa sila tuluyang mawala sa paningin ko ay lumingon si Jessica sa'kin with a worried look painted on her face. She mouthed: "Let it go."
Hinayaan ko na lang siya at ibinalik ang tingin ko kay Charlotte na nag-aapoy na rin sa galit. Pero patient siya. Di siya nagsalita agad ng kung anu-ano.
Napabuntong-hininga si Charlotte. "Kapag nalaman kong may kinalaman ka sa kung ano mang nangyari sa kanila, ipapakulong kita."
"Really? With what charge?" I scoffed.
Tumalikod siya at sinabing, "You'll see," bago siya tuluyang umalis kasama ni Alexis.
Chineck ko yung phone ko at nakita kong may nag-missed call at nag-send ng voice mail. Parehas galing kay Michael.
Pinlay ko yung voice mail. "Tiff, they got away."
******
Isang maikling update ulit. xD
![](https://img.wattpad.com/cover/4680186-288-k751662.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionSiya. Sila. Sino ba mas bagay? Mas matimbang ba ang pagiging magkaibigan ni Danielle at Frank kaysa sa pagde-develop nito? Or, mas magandang piliin ni Frank si Charlotte sa kadakilaan ng kanyang puso? Malalaman ba nila ang totoong nais ng mga puso n...