Danielle's POV
Nagpatawag ng band meeting and at the same time, practice, si Charlotte Fray, lead vocalist ng banda.
"Okay, so you're saying na competition 'to between our band and their dance group?" tanong ko kay Charlotte. Di ako makapaniwalang napa-oo sha nung Tiffany na cheerleader yun. Hindi ako makapaniwalang may labanang magaganap sa Halloween Night. "You've got to be kidding me, Charlotte. I can't believe it!" I said with exasperation in my voice.
"Alam ko, pero intindihin niyo naman sana ako," paliwanag ni Charlotte, "at di ko tinanggap yung hamon na yun kung wala naman tayong ibubuga. Nakasalalay dito yung fame ng buong grupo, gets niyo ba? All I want is our fame to be back. Kumbaga, gusto ko lang ibalik yung dating sigla ng grupo." Napa-buntong-hininga sha. "Pagbawi na rin 'to sa mga nakikinig sa'tin."
"Pagbawi? Pagbawi o gusto mo lang ipakita kay Tiffany na matapang ka?" sarkastiko kong tanong.
Mukhang naubusan na si Charlotte ng pasensya. "Ano bang gusto mong palabasin, Danielle Price? Gusto mo bang sabihin kong 'Hindi kami lalaban kasi mahina kami at wala kaming laban sa inyo'. Ganun ba?"
Inaaway ko nanaman siya. Alam ko naman sa sarili ko yun. Hindi ko na kasi alam kung ano nang nangyayari sa kanila ni Frank. Di ko man lang nakitang nag-usap sila ngayong araw.
Wala akong masabi sa sinabi ni Charlotte. Napatingin na lang ako sa malayo.
"Ano? Wala kang masabi? Tama ako, diba?" sigaw niya.
"Tama na, Charlotte," sabi naman ni Frank.
So anu yun? Papansin mode kay Frank, ganun? Leche, naman.
"Teka nga," hinto ko sa kanila. "Kaya mo ba ako sinisigaw-sigawan dahil gusto mo sa'yo ang atensyon ni Frank? Para protektahan ka, ganun?"
My words stung her, I knew. Pero after a few seconds, nagsalita siya. "So tungkol na pala 'to kay Frank? Mahal mo ba siya, Danielle?"
"Oo, mahal ko siya. May problema ka dun?!"
"WILL BOTH OF YOU JUST STOP?!!!!"
Nilingon namin yung sumigaw. Si Frank. "Bakit niyo ba ako pinag-aawayan?! Tungkol 'to sa banda, so please sa banda tayo mag-focus."
Tama si Frank. Mashado nang nagkaka-personalan dito.
Nagkatinginan kami ni Charlotte, tapos nagsalita siya. "Okay. Ang kakantahin ng banda is yung Samhain ng We Are The Fallen."
Sumagot naman bigla si Alexis. "Baka pwedeng iba naman? All-around band tayo, meaning kahit ano pwede na'ting tugtugin."
"Oo nga, pero sino sa tingin niyo ang pwedeng pumalit kay Luce ngayong wala na siya? Pati si Carla di na nagpapakita." tanong ni Charlotte. "Dalawa dapat maging kapalit nung nawala. Next week na yung Halloween Night and di pa tayo nakakapag-practice."
"San pumunta si Luce?" tanong agad ni Alex. Sabi na nga ba magtatanong yun eh.
"Somewhere," sagot naman ni Alexis. "Ayaw niyang sabihin kung saan, baka daw sundan mo."
"Bwiset ka, Alexis," sabi naman ni Alex.
Biglang nag-suggest si Frank. "Wala na tayong bass guitarist and rhythm guitarist and pianist. Sinong multitalented dito? Or baka naman may kakilala kayong pwede agad masabak sa performance next week."
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionSiya. Sila. Sino ba mas bagay? Mas matimbang ba ang pagiging magkaibigan ni Danielle at Frank kaysa sa pagde-develop nito? Or, mas magandang piliin ni Frank si Charlotte sa kadakilaan ng kanyang puso? Malalaman ba nila ang totoong nais ng mga puso n...