Chapter 16: Brain-cracking

126 15 1
                                    

Czarina Katarina Williams, sa gilid. Haha.. Ateng-ate. =D

******

Danielle's POV

Shit.

Alam mo yung feeling na kabababa mo lang ng bus tapos yung tingin sa'yo ng mga tao, eh, "Wow. San ka pupunta at naka-dress ka tas naka-backpack?"

Tas alam nyo na yung tingin ng mga lalaki. Ma-ano. Ya' know. =D

O'nga pala. Di ko pala nasabi sa inyo na napa-absent ako ngayon kasi si mama eh. Pinapunta ako dun sa Cavite para bisitahin yung magaling kong pinsan. Eh pwede namang si pinsan yung pumunta dito. Duh.

Pagbaba ko ng bus, dumerecho ako ng bahay. Sumakay muna ako ng jeep, tas kinuha ko yung earphones ko sa bag para makinig ng Heavy Metal music para naman di ako antukin sa biyahe, tas ako lang mag-isa sa jeep. Pagka-play ko, may tumabi sa'kin na lalaki. Pogi. ^O^

Shempre ako naman, kunyare di ko siya crush. Haha! Pero shempre, tingin-tingin din ako pag may time. Tapos naalala ko si Frank.

Papasok kaya yun ngayon?

Malamang, hindi. Ba't naman yun papasok?

Eh si Zane kaya? Yung suitor ni Charlotte?

Malamang papasok yun. May gusto yun dun sa lead vocalist na yun e.

Para akong tanga dito. Okay, back to Mr. Seatmate-na-Pogi. xD

Nung napatingin ako ulit sa kanya, nakita ko siyang nakatingin sa'ken. Shit! Baka nahuli niya ako? Nakakahiya kaya! >.<

"Um, Miss, yung bag mo nakabukas."

Ha? Yung bag ko daw, nakabukas?

Pinause ko yung music tas tinanggal ko earphones ko.

Tiningnan ko yung bag ko. Dalawa kasi zipper ng bag ko: isa sa taas, isa sa baba. Yung tipong, yung zipper sa baba, para sa mga ballpens, little wallets, yung mga maliliit na bagay lang. At HINDI ko dun kinuha yung earphones ko. Tanga ko, ba't di ko napansin kanina?

Nung sinilip ko yung laman nung nakabukas na zipper (which is yung sa baba kung san ko nilalagay yung pera ko), SHIT. Nawawala yung wallet ko!!!! T.T

"Shit naman," napa-curse ako. Di ko naman talaga ginagawa yun eh. Pero yung MAWALAN ka ng wallet at di ka pa nagbabayad sa driver ng jeep? Hell!

"May problema ba, Miss?" tanong ni Mr. Seatmate-na-Pogi. Napansin siguro niyang nagulat ako.

Di ko siya matingnan ng derecho. "Ah, ano... Kasi... Nawawala yung wallet ko eh." Hiyang-hiya na'ko nung sinabi ko yun. Takte naman kasi eh.

"Nakapagbayad ka na ba?"

Umiling lang ako. May kinuha si Kuya Pogi sa bulsa niya. Bente. "Manong, bayad ho oh. Dalawa, dalawang estudyante."

Dun ako biglang napatingin sa kanya. Like I was, ya' know. Yung look na nagpapasalamat na nagulat na masaya na kinikilig na ewan!!! Nakakabaliw! "Kuya, salamat ah!!! Naku, buti na lang nanjan ka! Di ko alam gagawin ko kung di ako makakapagbayad kay kuya."

"Joshua pala," sabi niya sabay abot ng kamay niya.

Kinuha ko yun para makipag-shake hands. Awkward naman kung di mo kukunin, diba? Edi nagmukha siyang tanga dun. xD

"Danielle," pakilala ko. Shemay, ang swerte ko! xD

After three minutes of silence, nagsalita si Joshua. "San ka nakatira?"

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon