Chapter 11: Careful

152 14 2
                                    

Charlotte's POV

Anung The Casanova has fallen ka jan? Anung ka-balbalan naman 'tong pinagsasasabi ng lalaking 'to? Di pa ba sapat na pinahiya niya ako sa maraming tao dahil dinala niya ako sa public place at ako naman sirang-sira na dignidad ko sa sarili ko dahil pinagmukha kong tanga sarili ko nung magtapat ako sa kanya dahil akala ko siya si Frank!

LELS. Paranoid.

Pero talaga, ganito na ba ang new-generation casanovas ngayon? Talagang buma-blood related sa mga matitinong lalaki? Kumo-kontrabida? Hell, magtatanim ako ng C4 sa utak nito e.

"Charlotte, please--"

"Please your face. Hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Remember, sabi mo I was just fun to be with? Meaning, pinaglaruan mo ako. You toyed with my feelings. Well, Hell be with you, jerk," sarkastiko kong sagot sa kanya. Anu, yung ginawa niya kakalimutan ko na lang ng ganun-ganun?

 Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad palayo. Hinila niya yung braso ko para pigilan ako. Napahinto ako at nagsalita, pero di ako lumingon sa kanya.

"Let go of my arm, jerk," sabi ko sa kanya. Lumipas ang tatlo... lima... pito... sampung segundo, pero di pa rin niya binitawan yung braso ko. Anung gusto niyang palabasin? "Let go of me now."

"No, Charlotte," sabi niya in a calm tone. "Gusto kitang makausap, gusto ko magpaliwanag, gusto kong ialay yung kantang kakantahin ko sa'yo, gusto kong pakinggan mo ako, gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na talagang mahal kita. Di mo ba nakikita yun? Mahal na mahal kita, Charlotte."

"Mahal?" Napalingon ako sa kanya. Oo, galit ako sa kanya. Panu ba naman kasi, hinding-hindi ko makakalimutang nagawa pa niya akong paglaruan. Tapos ngayon, sasabihin niyang mahal niya ako? Anu ba 'to? Hindi ko na siya magagawang paniwalaan. I don't need his words; I don't need his plea. I don't need him.

"Kung mahal mo nga ako, bakit in the first place pa lang eh nagsinungaling ka at pinaglaruan mo yung nararamdaman ko sa kambal mo?" - ako.

Natahimik siya. Nag-iisip kung ano ang isasagot. Dito pa lang, talo na siya eh. Di na niya kailangan pang gumawa ng isa pang kasinungalingan dahil alam kong di ko siya dapat pagkatiwalaan. He's a jerk, and a jerk will always be one.

Umalis na ako. Iniwan ko na siya. I placed his memories in the back of my mind as I glided away from the scenery...

***

Alex's POV

First time magka-POV. xD

Anyway, kaya lang naman ako lumapit dito kay Luce kasi lagi na lang siyang mag-isa. Gusto ko siya kaibiganin You know, parang pasan niya kasi yung mundo. Tas astig din siya. Nakita niyo ba yung time na ini-angat niya si Zane na parang wala lang siya? Astig diba? Pero siyempre, di niyo nakita yun. Nagbabasa kayo eh. =D

"I needed him. Not you or anyone else," sambit ni Luce. "So go away."

I just didn't expect na ganito niya tatratuhin yung mga taong lumalapit sa kanya. Ayaw niya makipag-kaibigan. And wait... Sino yung him na tinutukoy niya?

"Luce..." Huminga ako ng malalim. "Sino siya?"

"You don't need to know because you don't have the right to," sarkastiko niyang sagot sa'kin. Aish. Di ko na 'to matitiis. Sobrang suplada niya.

"Ano bang problema mo, Luce?! Lumalapit na nga ako para makipag-kaibigan sa'yo tapos ganyan pa ugali mo?!"

"Pakialam ko ba sa'yo? Hindi naman din kita iniistorbo. You picked your own choice. It's you who is at fault. If only you stayed away from me, di ka magkakaganyan na ako pa sinisisi mo kung bakit ganyan trato ko sa'yo. Ano ka ba sa'kin?"

Her last words stung me. Hard. "Ano ka ba sa'kin?" Oo nga. Ano nga ba ako sa kanya? Acquaintances lang naman kami. Di naman din niya ako nilapitan para maging kaibigan. Ni hindi niya ako kinailangan. Ano nga ba ako sa'yo, Luce? Kasi ikaw, may role ka sa buhay ko. Sana naman kahit papano nararamdaman mo yun.

"Ikaw, minsan ba natanong mo sa sarili mo kung ano ka sa'kin?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko yan. Oh, Alex. Naghahanap ka ba ng away?

"Hindi. Kasi di nga kita kailangan." Tumayo si Luce sa kinauupuan niya. "Kung hindi ka aalis, AKO na ang aalis." Then nagpatuloy siya sa paglalakad.

Sinundan ko lang siya ng tingin. Oo. I don't have the right to follow nor stop her. Di naman niya ako best friend or boyfriend. Pero di ba niya alam na mahal ko siya?

***

Frank's POV

Three weeks.

Three weeks na akong nagmumukhang tanga dito sa kwarto. Kanina, umalis si France. Pupunta daw siya ng school at mags-sorry kay Charlotte. Heh. As if naman tatanggapin nun yung sorry niya. Nagta-tanga-tangahan? Sabi pa niya kanina, mahal daw niya yung tao. Matapos lokohin tska niya mamahalin? Wow. Unbelievable ka, bro.

Teka, pasok na kaya ako ngayon? I can't take another day na uupo nanaman ako sa harap ng laptop ko at through e-mail ko na lang ipapasa yung mga assignments and seatworks (it's still a seatwork, eh ginawa ko siya habang nakaupo ako sa stool ko e. xD) and quizzes and tests na binibigay ng teachers ko.

Bukas na lang ako papasok. xD

Bumukas yung pinto ko. Nakita ko si France at humiga sa kama ko.

Okay. Ganito yung setting ng kwarto ko. Mula sa door, tapat nun yung computer ko. Sa tabi ng computer set eh yung king-sized bed at sa tabi naman nun eh yung bedside table. Sa lower right corner ng kwarto, dun naman yung door papuntang CR.

"So, ano? What happened?" I asked him with a grin. Alam ko na kasi yung nangyari. Shempre, I made a guess.

"You're right, bro. She didn't listen to me." Nilapag niya yung gitara sa tabi niya at humiga ng maayos. Tumingin siya sa kisame.

I smiled. Yung pang-asar na smile. Tapos humarap ako sa computer ko. "Next time, be careful of what you're doing, my Casanova brother."

"I know," was all he said.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon