Natapos ang gabi na nasa kwarto lang ako, at alam ko na galit na galit na ngayon ang ama ni Eilianna. Hindi ko naman intensyon na galitin siya o ipahiya sila sa mga tao, hindi ko lang talaga kaya humarap sa madaming tao. Mas mapapahiya lang ako kapag bumalik pa ako don. At saka ayuko din makita ang pagmumukha nong prinsipe na 'yon!
Nakakainis siya!!
Kahit na inalis niya ako sa madaming taong lugar na 'yon at medyo kumalma ako dahil sa ganda ng view na nakita namin kagabi. Pero naiinis pa din ako sakanya. Napahiya ako!!
"Princess--"
Pagkarinig ko ng boses na 'yon agad akong nagtaklob ng kumot.
"Princess Eilianna, it's time for you to wake up. Your breakfast is ready"
"Iwan mo nalang diyan" sabi ko
" Sige po"
Pinakiramdaman ko lang ang bawat kilos ni Pana, nanatili akong nakatalukbong ng kumot.
" Nga po pala princess, hinahanap ka po pala ni sir Aves"
" Aves?" Takang tanong ko at tinanggal ang pagkakatakip ng kumot sa 'kin habang nakakunot ang noo na humarap kay Pana. Binuksan niya ang kurtina kaya napapikit ako at hinarang braso sa mata ko.
"Opo, utos po ng hari na kailangan niyong mag-aral at si sir Aves po ang magtuturo sa inyo pangsamantala"
Sino si sir Aves? Teacher? Eeh?
Pero excited ako, pangarap ko dati mag-aral tulad ng mga tao. Sa amin, may nagtuturo naman kaso mga bata lang ang tinuturuan doon. Tinuturuan nila magbasa at magsulat kaya kahit papa'no may alam kami.
So kumain nalang ako at nag-asikaso ng sarili. Wearing a simple blue dress, lumabas ako at sinamahan ako ni Pana sa study room daw ni sir Aves. Pagdating namin don, agad na kumatok si Pana.
"Sir Aves, princess Eilianna is here" sabi ni Pana
"Pasok"
Binuksan ni Pana ang pinto kaya dahan-dahan na akong pumasok sa loob. Pagpasok ko unang napansin ko ay ang makintab na sahig at pagtingin ko sa paligid bahagya akong namangha dahil sa lawak ng buong kwarto at may malalaki ding bookshelf na puno ng mga libro. May lamesa sa gitna at may dalawang mahabang sofa sa magkabilang gilid ng lamesa.
"Magandang umaga Princess Eilianna..."
Napalingon ako sa lalaking bumati sa akin at hindi ko napansin na nasa harap ko na pala siya.
" Uh... G-Good morning"
He's that guy last time sa kwarto ko...
" May tinatapos pa kasi ako, can you wait until I finish my work?"
" Uh... Sure, no problem" nakangiting sabi ko
" Thank you, please have a sit"
" Uhm... Can I borrow your books? Para hindi ako ma-bored"
" No problem"
" Really? Thanks!!"
Nagmamadali na akong lumapit sa malalaking bookshelf at naghanap ng mga libro. Ang daming magaganda at sa subrang excited ko hindi na ako bumalik sa may sofa, doon ko na mismo binasa at sa sahig lang ako naupo.
Natapos ko na ang isang libro kaya naghanap ulit ako ng babasahin. Umakyat ako sa isang hagdanan para maabot yung mga librong nasa taas ng shelf. Napatingin ako sa baba nang may marinig akong tumatahol at nakita kong hinahabol ng isang aso yung pusa. Hindi ko sana papansinin 'yon nang bigla silang mahabulan paikot nang hagdanan na tinutungtungan ko kaya umuuga 'yon.
BINABASA MO ANG
A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)
FantasíaChristine Gomez a 18 year old vampire girl. Isang gabi bigla nalang naganap ang isang hindi inaasahang pangyayari. May mga tao ang sinugod ang lugar nila, sinunog ang mga tahanan nila at pati mga kalahi nila at kasama siya... Namatay siyang pinoprot...