Kabanata 13

1.3K 30 5
                                    

I was reading a book here in the sofa while waiting for Aves, ang tagal niya kanina pa ako naiinip dito. Napatingin ako sa may pinto nang marinig ang isang katok mula sa labas ng pinto, agad akong tumayo at nagmamadaling binuksan 'yon. Akala ko siya na yung bubungad sa akin pero napangiwi ako nang si Shin ang nakita ko.

"Ate, start na daw po ng party" sabi ni Shin. She's wearing a cute pink dress, she's so cute.

"Wala pa si kuya Aves mo e"

"Nandoon na po si kuya, siya po nagsabi sa 'kin na sunduin kita"

"G-Ganun ba?"

That guy!! Ang tagal kong naghintay sakaniya dito tapos kanina pa pala siya dumating?

Sinara ko ang pinto at umalis na kami ni Shin, hawak ko sa kamay si Shin habang naglalakad kami. Pagdating namin sa lugar kung saan gaganapin ang party agad na bumungad sa amin ang mga taong abalang nakikipag-usap sa kaniya-kaniyang kasama.

"Miss Eilia!" Tawag ni miss Shania sa akin. "Hali ka, ipapakilala kita sa mga tao"

"Uh..."

Hindi pa ako nakakapag-react hinila niya na agad ako. Dinala niya ako sa harap kaya medyo kinabahan ako. Nagsisimula ng bumilis ang tibok ng puso ko at manginig ang buong katawan ko.

Expected ko na mangyayari 'to at akala ko kaya ko silang harapin since pinaghandaan ko 'to habang naghihintay ako kay Aves sa bahay. Pero iba rin kapag nasa harap ka na ng madaming tao.

I can't stay here! I can't face them!

Aalis na sana ako nang biglang may humawak sa kamay ko, napalingon ako sakaniya at natigil ako nang makita si Aves.

"Calm down" he whispered

"B-But..."

"Don't be afraid, I'm here. I'll hold your hand 'til this party end"

Saglit akong napatingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Medyo nabawasan ang panginginig ko pero grabe pa din ang kaba ko.

Sinimulan akong ipakilala ni miss Shania sa mga tao, nanatili lang akong tahimik at ngumingiti lang ako sa mga taong bumabati sa akin at si Aves naman ang kumakausap sa kanila. Sinunod niya ang sinabi niyang hahawakan niya ang kamay ko hanggang sa matapos ang party, pero hindi ko alam kung hanggang kailan niya hahawakan ang kamay ko dahil pakiramdam ko hindi basta-bastang matatapos ang kasiyahan na 'to.

"A-Aves" tawag ko kay Aves habang bahagyang hinihila ang dulo ng damit niya. Taka siyang tumingin sa akin. "Uhm... Magpapahangin lang ako"

"I'll go with you"

"Ha? Uh h-hindi na! Nakakahiya sa mga kaibigan mo, I'll be fine" natatarantang sabi ko.

Nag-iinuman kasi sila ng mga kaibigan niya at nakakahiyang mag-stay pa ako sa tabi niya.

"Are you sure?"

"Hhm... Don't worry, sa malapit lang ako"

"O-Okay" nag-aalingang sabi niya at binitawan na niya ang kamay ko. Tumayo na ako at umalis na doon, naglakad lang ako palayo sa lugar na 'yon. Tumalon ako sa isa sa mga nakatayong bahay dito at dahan-dahan na umupo.

Nakahinga ako ng maluwag, pakiramdam ko ngayon lang ako huminga simula kanina. Pero thank you kay Aves dahil medyo kumalma ako at nawala ang kaba ko, but I still not comfortable with other people.

As Christine, I really don't communicate with other vampires, what more sa mga tao? Takot ako sakanila. If human scared of our kind, we also scared of them. Kaya takot ako at hirap humarap sa mga tao, lalo na sa nangyari nong nakaraan na nakakita ako ng dugo.

Akala ko nong na reincarnate ako magbabago na ang buhay ko. Nakakakain ako ng masasarap na pagkain, nakakalabas ako sa umaga at nakikita ang mga magagandang tanawin. Pero hindi mawala sa 'kin ang maging uhaw sa dugo. Natatakot ako na baka may masaktan ako, kaya ako umalis sa palasyo dahil ayuko masaktan ang mga taong nasa paligid ko. Pero napunta naman ako dito! Yung mga taong nasa paligid ni Aves naman ang posebleng masaktan ko.

Noong umalis ako sa palasyo, plano ko puntahan lahat ng lugar dito at hindi ako mananatili sa isang lugar lang. But unfortunately, sa hindi inaasahang pangyayari nakasalubong ko si Aves at itong Aves ayaw akong paalisin. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya nalang ako hayaan na umalis.

What if may balak siyang ibalik ako sa palasyo? Should I go? Madali lang naman ako makakatakas, puwede naman ako mag-teleport. Kapag umalis ako hahanapin niya kaya ako? Pero imposeble naman 'yon, bakit niya naman sasayangin ang oras niya sa paghahanap sa 'kin?

Pero bakit ganun? Bakit parang nagdadalawang isip ako?

"Eilianna"

Napaharap ako sa may likuran ko nang marinig ang pamilyar na boses.

"A-Aves..."

Speaking of!!

"You look surprised"

"Ha? Uh...Uhm..."

"You're not planning to escape, are you?"

Bullseye!! Tompak! Nadali mo! What a genius person!

"H-Hindi ah! W-Why would I?" Kinakabahang sabi ko at napatalikod sakaniya.

"Good, 'cause..."

Kinabahan ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa may tenga ko at ramdam ko ang paghinga niya.

"If you escape from me, I won't hesitate to punished you." He whispered "I'm good at punishing... especially woman"

Napapikit ako at napakagat sa ibabang labi ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa tenga ko. Parang may kung anong kuryente ang kumiliti sa buong katawan, nagsimula ding tumibok ng mabilis ang puso ko, iba sa kabang nararamdaman ko kanina.

Anong ibig niyang sabihing "Especially woman"? Ibang punishment ang naiisip ko sa sinabi niyq!

"So, behave yourself"

"H-Hmm..."

"Good"

What the!! Paano ako tatakas dito kung ganiyan siya magbanta?

Umayos na siya ng upo at hindi na ulit nagsalita. Tahimik lang din ako, hindi pa ako nakaka-get over sa nangyari.

"You look beautiful tonight"

Gulat akong napatingin sakaniya, nang makitang hindi naman siya nakatingin sa 'kin agad ko ding inalis ang tingin ko sakaniya.

"T-Thank you"

"How are you?"

"Hmm?"

" You look nervous earlier"

" Ahh...Uhm... I'm fine now"

What the h*ck? After saying I'm beautiful, he suddenly change the topic? Seriously! Nainsulto ako don ah! Pareho sila ni prince Rayzen!! Nakakainis!

"Mauna na ako sa bahay" Paalam ko "Goodnight" sabi ko at hahakbang na sana nang hawakan niya ako sa wrist ko. Taka ko siyang nilingon.

"Hmm... Nevermind"

Base sa reaksyon niya, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya na tinuloy. Pero hindi ko nalang pinansin 'yon at tumango nalang. Nang bitawan niya ako saka ako tuluyan ng umalis papunta sa bahay. Pagdating ko sa loob ng kwarto agad akong pabagsak na nahiga sa kama at napatingin sa kisame at napahawak sa bandang dibdib ko. Hindi pa rin siya natigil sa pagtibok...

Tatayo na sana ako para maglinis ng katawan nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako at bubuksan na sana ang pinto nang bigla siyang magsalita.

"Sorry" Natigil ako sa pagbukas ng pinto dahil sa sinabi niya.

Looks like he realized what he did...

"Goodnight"

Binuksan ko ang pinto para sana mag-sorry din pero pagbukas ko wala na siya at narinig ang pagsara ng pinto sa kabilang kwarto. Napabuntong-hininga ako at pumasok nalang ulit sa loob at sinara ang pinto.

A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon