Kabanata 1

4.1K 107 0
                                    

"Para sa akin ikaw ang pinakamaganda sa buong mundo. Hindi mo kailangan ang opinyon ng ibang kalahi natin."

"Christine anak... Umalis ka na"

" Hindi mama, hindi kita iiwan"

" Pero anak..."

" Christine!!"

" Mama..."

" Mama..."

" Anak..."

" Mama..."

" Mahal na prinsesa"

" Mama!!"

Napabalikwas ako ng higa nang may maramdaman akong may yumuyogyog sa katawan ko.

"Mahal na prinsesa"

Dahan-dahan akong napalingon sa babaeng nagsalita, nag-aalala siyang nakatingin sa 'kin.

Sino siya?

Nasaan ako?

"Tatawagin ko po ang mahal na reyna, diyaan lang po kayo" natatarantang sabi nito at umalis.

Napatingin ako sa paligid, nasa isang kwarto ako at agad akong namangha dahil sa laki at luwag ng kwarto at ang gaganda din ng mga dekorasyon. Habang nililibot ko ang paningin ko sa kwarto bigla ako napatingin sa isang malaking salamin sa gilid, mula sa pwesto ko kita ko ang reflection ko sa salamin. Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama at naglakad papunta sa salamin.

Isang magandang babae ang nakita ko sa salamin. Long straight black hair, almond dark gray eyes with thick and curly eyelashes. Pointed nose and pink heart-shape lips.

Am I looking at my self? Did I just reincarnate?

May nabasa ako before about reincarnation. Tungkol 'yon sa isang taong namatay at ang kaluluwa nito ay napunta sa isang bagong panganak na sanggol. Pero kung na-reincarnate nga ako, bakit sa hindi bagong silang na sanggol? Bakit ako napunta sa katawan ng magandang dilag na 'to?

"Eilianna"

Napatingin ako sa may pinto nang marinig ang isang nag-aalalang boses, isang magandang babae ang nagmamadaling lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Eilianna" umiiyak na sabi nito

Eilianna? Pangalan ba ito ng may-ari ng katawan na 'to?

"I'm glad you're fine. Hindi ko talaga alam ang gagawin kapag nawala ka" umiiyak na sabi nito.

"Hindi po ako si..." Huminga ako ng malalim at ngumiti.   "Pasensya na po kung pinag-alala ko kayo"  sabi ko at niyakap siya pabalik.

Hindi ko alam, bigla ko nalang naisip na hindi ko dapat sabihin sa kanila na hindi ako si Eilianna. Sa ngayon, aalamin ko muna ang nangyari sakanya baka may kinalaman 'yon sa pagka-reincarnate ko sa katawan na 'to.

"Kumusta ang lagay mo? Ayos na ba pakiramdam mo? Magpahinga ka muna kaya"

"Ayos na po ako"  sabi ko habang hindi inaalis ang ngiti sa labi ko.

"S-Sigurado ka?"

I just smile and nodded

"Uhm... Okay, magpapahatid ako ng pagkain dito. Make sure to eat a lot to regained your strength."

" Hm..."

Bumalik na ako sa higaan ko at nahiga ulit. Napatulala ako sa kisame habang nasa noo ko ang isang braso ko.

A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon