Umpisa

7.7K 137 2
                                    

"Christine"

"Ma"

Nasa kwarto ako naghahanda para mamaya. May magaganap na street party para sa selebrasyon ng kaarawan ng aming lider. Taon taon namin sini-celebrate ang kaarawan niya pero ngayon ako mas excited dahil mas marami daw ang fireworks ngayon. At saka excited din ako sa eclipse. Sakto kasi sa kaarawan ng lider namin ang paglabas ng eclipse.

"Handa ka na ba para mamaya?" Tanong ni mama

"Opo" nananabik na sagot ko  "Bagay po ba sa akin 'to?"  Tanong ko kay mama sabay angat nong damit na napili kong suotin para mamaya.

"Lahat naman sa 'yo bagay" sabi niya at ngumiti

Bahagya lang akong ngumiti sakanya. Alam ko naman na sinasabi lang niya 'yon para hindi ako masaktan. Hindi ako pinanganak na maganda, at sa totoo lang walang may gusto sa 'kin. Payat, kulot at makapal na buhok, singkit na mga mata at makapal na eye bags, at maitim na labi.

"Anak..."

Lumapit si mama sa 'kin at niyakap ako

"Para sa akin ikaw ang pinakamaganda sa buong mundo. Hindi mo kailangan ang opinyon ng ibang kalahi natin."

" Salamat mama" naiiyak na sabi ko. Humiwalay si mama sa akin at ngumiti.

" Sige na, malapit na mag-umpisa ang kasiyahan. Gusto mo bang tulungan kita?"

" Hindi na po mama"

" Sige"

Lumabas na si mama kaya nag-umpisa na akong mag-ayos ng sarili kahit wala namang magbabago. Pagtapos ko mag-ayos agad na akong lumabas ng kwarto ko at naabutan ko si mama na naghahanda ng pagkain sa lamesa.

"Ma! Alis na po ako!" Paalam ko kay mama

"Sige, mag-ingat ka. Umuwi ka agad pagkatapos"

"Opo"

Nagmamadali na akong tumakbo papunta sa bayan, medyo malayo kasi ang bahay namin sa bayan. Hindi lang naman kami ang nakatira doon kaya may mga nakakasabay ako ngayon na mga kapitbahay namin. Pagdating ko sa bayan agad akong nakisiksik sa mga bampirang nakahilira sa gilid ng kalsada. Nag-uumpisa na ang parade.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko at ang saya na nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa mga dumadaan.  Mga sasakyan na nababalot ng mga iba't ibang dekorasyon at may mga nakasakay doon na mga naka-costume. Sa isang sasakyan kung saan nakasakay ang lider namin at mga alalay nito. Nakikisabay ako sa pagsigaw at pagtawag sa pangalan ng lider namin.

Pagkatapos ng parade nagkanya-kanya na ang mga bampira na pumunta sa plaza kung saan makikita namin ang fireworks. Hindi ako sa plaza pumunta, may alam akong ibang lugar kung saan makikita ko ng malapitan ang fireworks. Sa bubong ako umakyat.

"What the--"

Gulat akong napatingin sa dalawang bampirang nasa bubong din. Mga wala itong suot na damit.

"Ituloy niyo lang po, wag niyo po ako pansinin" sabi ko at naglakad sa 'di kalayuan sakanila. Naupo ako sa dulo ng bubong at sakto ang pagliwanag ng kalangitan dahil sa maliwanag at iba ibang kulay na ilaw. Napanganga ako dahil sa pagkamangha sa ganda non. Katulad nga ng sabi ay mas madami ang fireworks ngayon at mas magaganda.

Abala ako sa panonood ng fireworks nang bigla akong makarinig ng malakas na pagsabog. Napatayo ako at hinanap kung saan nagmula ang malakas na pagsabog. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nag-aapoy ang plaza, at sa kalangitan ulit ako napatingin.

May malalaking apoy ang bumabagsak mula sa kalangitan. Kasabay non ang malalakas na sigawan ng mga bampira.

"Patayin silang lahat!!"

Napatingin ako sa baba ng bahay na kinatatayuan ko, agad akong dumapa para hindi ako makita ng kung sino man ang nasa baba.  Nanlaki ang mga mata ko ng makitang hindi sila mga bampira kundi mga tao.

Anong ginagawa ng mga tao dito?

"Mga vampire hunter"

Napatingin ako sa pwesto nong dalawang bampirang kasama ko dito sa bubong. 

Vampire hunter?

"May bampira sa bubong!"

Kinabahan ako nang  marinig ko 'yon. Agad akong nagpadulas papaba sa likuran ng bahay kung saan ako dumaan kanina, mabuti nalang at walang hunters dito. Pagkababa ko agad akong nagtago sa mga basurahan para hindi ako makita ng mga hunter. 

"Sige, mag-ingat ka. Umuwi ka agad pagkatapos"

Si mama!

Sumilip ako kung may hunters, noong wala akong makita agad akong lumabas at maingat na naglakad palabas sa likod ng bahay. Sumilip muna ako saka nagmamadaling tumakbo papunta sa bahay namin.  Habang tumatakbo ako hindi ko mapigilan ang kabahan. Nang malapit na ako mas kinabahan ako nang makita ang mga bahay na nagliliyab pati ang bahay namin.

" Mama!!"  Tawag ko kay mama habang tumatakbo ako papunta sa bahay namin.   "Ma!!"

"Patayin na ba natin 'to?"

Natigil ako nang marinig 'yon mula sa likod ng bahay namin. Agad akong tumakbo papunta doon at doon nga nakita si mama na nakahandusay sa lupa at may dalawang lalaki ang nandoon, may mga hawak na armas.

" Mama!" Umiiyak na tawag ko kay mama. Napatingin yung dalawang lalaki sa akin pati si mama na puno na ng dugo ang katawan.

"Tumakas ka na!!"  Sigaw ni mama

" Hindi!! Hindi iiwan"

"Hulihin mo siya" utos nong isa don sa isang lalaki.  Hahakbang na sana yung lalaki nang bigla siyang hawakan ni mama sa paa.

"Tumakbo ka na!!"

"Tang*na!! Bitawan mo 'ko!!"  Galit na sabi nong lalaki at pilit na inaalis ang pagkakahawak ni mama sa paa niya.

"Ma!!" Napasigaw ako nang malakas na sinipa nong lalaki si mama kaya tumilapon ito sa malayo.  "Mama!!"

"Umalis ka na!!"

"Para sa akin ikaw ang pinakamaganda sa buong mundo. Hindi mo kailangan ang opinyon ng ibang kalahi natin."

Napakuyom ako at mabilis na tumakbo papunta kay mama at niyakap siya.

"Christine anak... Umalis ka na"

" Hindi mama, hindi kita iiwan"

" Pero anak..."

Mahigpit kong niyakap si mama at napasigaw nang maramdaman kong may kung anong humiwa sa likuran ko.

" Christine!!"

" Mama..." nahihirapang sabi ko at napapikit nang maramdaman ko ulit ang panibagong hiwa sa likod ko.

" Anak!!"

"M-Mama..." Mahigpit kong niyakap si mama kahit na nanginginig na ang katawan ko at nanlalabo na rin ang paningin ako.  "M-Mahal na mahal...po k-kita..."

"Tama na!! Pakiusap!!"  Sigaw ni mama at niyakap ako.   "P-Pakiusap!"

Humiwalay ako kay mama at humarap don sa dalawang lalaki. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta doon sa lalaki at lumuhod.

"P-Pakiusap... W-Wag niyo pong... Sasaktan ang mama ko... A-Ako nalang po ang patayin niyo..."

"Anak..."

"P-Pakiusap..."

Napatingin ako don sa lalaki nang lumuhod siya para mapantayan ako. 

"H-Hayaan niyo... si mama makatakas... A-Ako nalang ang patayin niyo... Nakikiusap ako" pagmamakaawa ko.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin nong lalaki.

"Masusunod..."

Napanganga ako at nanlalaki ang mga mata nang maramdaman ko ang kung anong matalim na bagay ang tumusok sa may dibdib ko.

"Wag kang mag-alala, tutuparin ko ang iyong kahilingan"

Napangiti ako sa sinabi niya

" S-Salamat..."

"Christine!!"



A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon