Kabanata 15

1.3K 42 3
                                    

After ko mag-teleport papunta dito sa kagubatan kung saan muntik na ako mamatay, agad akong naduwal, hindi ako sumuka at puro duwal lang ako at dahil doon sumakit ang tiyan ko at nakaramdam ako ng gutom. Mabilis akong tumakbo papunta sa malapit na ilog at agad na hinugasan ang kamay kong puno ng dugo ni Aves.

Hanggang ngayon naaamoy ko pa rin ang malakas na amoy ng dugo niya, at kapag naaalala ko kung paano umagos ang dugo niya mula sa sugat niya mas lalo nanunuyo ang lalamunan ko.

"Sigurado akong patay na 'yon ngayon!"

Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang boses na 'yon.  Malapit lang siya at naririnig ko ang lakas ng tawa niya at pati ng kasama niya.

"Siguradong matutuwa si boss kapag nalaman niyang napatay natin si Aves"

Pagkarinig ko sa pangalan ni Aves agad akong nakaramdam ng galit. Mas bumibilis ang kabog ng dibdib ko at naninikip dahil sa galit.  Naiinis at naiirita ako sa tawa nila!

Sila ang may gawa non kay Aves? 

Sila ang dahilan kung bakit nag-aagaw buhay si Aves kanina?

Sila ang dahilan kung bakit nakakaramdam ako ng ganito ngayon?

"Hoy, may babae"

Sila ang dahilan ng lahat ng ito...

"Miss, delekado ang lugar na 'to"

Dapat silang magbayad...

" Kung gusto mo sumama ka sa amin, sigurado safe ka"

Ang paraan ng pagtawa niya ay may halong yabang at pagnanasa at nakakairita 'yon!

"Miss..."

Paano nila nagagawang tumawa habang si Aves nag-aagaw buhay?

"Miss, ayos ka lang?"

Kapag pinatay ko ba sila ngayon, matutuwa din ako pagtapos? Sila naman ang may dahilan ng lahat ng 'to di ba?

Sila ang dahilan...

Kung hindi dahil sa kanila hindi mangyayari 'to...

Kailangan nilang panindigan ang ginawa nila...

Sila ang dapat magbayad...

Dugo dapat nila ang kabayaran dahil madaming dugo din ang nawala kay Aves...

Blood...

I want blood...

Is their blood taste good?

How would I know without trying it...

It's their fault anyway...

"Miss--"

Wala sa sariling nag-teleport ako papunta sa kanila at mabilis na hinawakan ang leeg niya at malakas siyang itinapon sa kung saan. Tumama ang katawan niya sa isang puno at nang makita ang dugong tumulo sa bibig niya bigla na naman ako nakaramdam ng sakit sa ulo.

It's fine...

Suck his blood...

It's all yours...

It's mine... It's all mine!


_________


AVES POV


"Kuya"

Dahan-dahan akong napamulat nang maramdaman ko ang pagyugyog ng kung sino sa braso ko. Pagmulat ko agad kong nakita si Pana, nag-aalala siyang nakatingin sa akin.

A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon