Kabanata 9

1.7K 47 1
                                    

"Princess!!"

Huh?

Why am I hearing his voice?

"Hey"

Napamulat ako ng mata at pagkamulat ko nagulat ako nang makita ang isang lalaki sa harapan ko. Nag-i-imagine ba ako?

"Are you okay?"

"A-Aves..."

"Princess"

Teka, bakit siya andito? Imagination ko lang ba 'to? Pero bakit ko naman siya i-imagine'n sa kalagitnaan ng kamatayan ko? Eeh?

"Hey, everything is fine. You are safe now"

"Huh?"

Teka, bakit parang totoong nangyayari 'to?

"Kuya Aves"

Napatingin ako don sa bata nang bigla niyang yakapin si Aves.

Huh? What is happening?

"Are you okay?"

"Hhm... Niligtas po ako ni ate"

Huh?  Teka... Totoong andito siya? Pero bakit? Anong ginagawa niya dito?

Natigil ako nang maisip ang ginawa ko. So andito siya dahil hinahanap niya ako? At nahanap na niya ako at pagtapos ibabalik niya ako sa palasyo?

No way!!

Agad akong tumayo at tumalikod, hahakbang na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Princess, where are you going?"

"None of your business" sabi ko at naglakad na pabalik don sa mga gamit ko, nadaanan ko din yung walang buhay na katawan nong malaking bear.  Napatay niya yung bear?

"Princess wait"

Kinuha ko na yung bag ko at sinuot 'yon sa magkabilang balikat ko.

"Princess"

Hinarap ko siya at seryoso siyang tinignan.

"Hindi mo 'ko nakita, wala kang pagsasabihan, at hindi mo 'ko susundan, naiintindihan mo?"

"Huh? Ano bang sinasabi mo?" Takang tanong niya

"Basta gawin mo nalang ang sinabi ko" sabi ko at tatalikod na sana nang hawakan niya ako sa braso ko.  "Bitawan mo 'ko!"

"Delekado ang gubat na 'to"

"And so?"

"Princess, muntik ka na mapahamak kanina at madami pa ang mas mabangis na hayop ang nasa gubat na 'to!"

"Wala akong pake! Mas mabuti ng mamatay ako kaysa bumalik pa ako sa  palasyo!" Inis na sabi ko

"What?" Kunot noong sabi niya  "Wait...tumakas ka sa palasyo?"

Eeh? Hindi niya alam?

" O tapos? Ano? ibabalik mo ako don? No! Hindi ako papayag! Ang layo na ng nilakbay ko para makalayo sa lugar na 'yon tapos ibabalik mo lang ako? No way!" Sabi ko at marahas na tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Magte-teleport na sana ako nang bigla niya ulit ako hawakan sa braso ko.

"Ano ba?!"

"Hindi ka aalis!" Madiin na sabi niya

"Bitawan mo 'ko! Sinabi ko na ayukong bumalik sa palasyo!" Pagpupumiglas ko pero hindi niya ako pinansin at kinaladkad niya lang ako.   "I'm a princess! Sundin mo ang utos ko!"

A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon