Kabanata 16

1.3K 37 1
                                    

"Eilianna--"

Napa-atras ako nang akmang hahakbang siya palapit sa akin.

"Hindi kita sasaktan...Eiliana, ako 'to... Si Aves"

Nasa sarili pa din ako, alam ko yung mga ginawa ko, alam ko kung anong nangyayari sa paligid ko pero para akong minamanipula ng sarili kong isip.

"Eilianna--"

"A-Aves..."

I want his help... That's what my heart want...

But...

"Hhm... Ako nga"  

"L-Lumayo ka sa 'kin!" Sabi ko at humakbang ulit pa-atras.

"Hindi kita sasaktan...Magkaibigan tayo 'di ba? Maniwala ka sa 'kin"

Naniniwala ako sakaniya, pero wala akong tiwala sa sarili ko. Kapag lumapit siya sa akin, baka masaktan ko siya tulad ng ginawa ko don sa dalawang lalaki. I already smell his blood, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Natigil ako nang bigla niya akong yakapin. Sinubukan kong magpumiglas sa yakap niya pero masiyado siyang malakas at mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin.

"Eilianna calm down!! Hindi kita sasaktan, pangako."

"L-Let go of me..."

"No"

"Please... I don't want to hurt you!" Naiiyak na sabi ko.  "I don't want to hurt you... So please..."

" I know"  I felt his hand caressing my back  "I know and I trust you..."

" But I don't trust my self"

" But I trust you" natigil ako sa sinabi niya.  "Alam kong hindi mo ako kayang saktan even other people. I knew you for so long, you are kind... ayaw mong nakikitang nasasaktan ang mga taong nasa paligid mo"

" But I killed people! I can't control myself, I tried but I still end up killing them... I'm a monster"

" You are not..."

Humiwalay siya sa 'kin at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

" I" m sorry..."

" Why are you apologizing?"

" Dahil ako ang dahilan kung bakit nagkakaganito ka"

" What are you saying?" Gulat na tanong ko. "Wala kang kasalanan, it's my fault. Kung hindi ko pinilit ang sarili kong pagalingin ka, hindi sana ako magkakaganito."

Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa magkabilang pisngi ko at yumuko.

" Pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko... Ayaw kitang mawala, ayaw kitang makitang ganun..." Nakayukong sabi ko.

Napaangat ako ng tingin sakaniya nang hawakan niya ang dalawang kamay ko.

" That's why I'm apologizing. I'm sorry and I promise, I won't let my self hurt again"

" Walang pinipili itong nangyayari sa 'kin, kapag nakakakita ako ng dugo nagkakaganito ako especially ngayon na nakatikim ako ng dugo"

" Kung mangyari ulit ito, I'll be there to calm you down. I will stay by your side" sabi niya at hinaplos ang pisngi ko.  "Do you trust me?"

I stared at him...

He's Eilianna's butler, hindi ko alam kung pinagkakatiwalaan siya ni Eilianna. But as Christine, kahit na hindi ko pa siya ganun kakilala magaan na ang loob ko sakaniya. Hindi ko nga din alam kung bakit komportable akong kasama siya. Hindi ako ganito ka-komportable sa ibang tao, natatakot ako kapag may kumakausap sa 'kin na hindi ko close at kapag may tumititig sa 'kin. Pero pag siya ang kausap ko parang okay lang, kapag siya ang tumititig sa akin tulad ngayon parang iba yung kabang nararamdaman ko, kakaiba sa kabang nararamdaman ko kapag ibang tao ang kausap at kaharap ko. 

A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon