Kabanata 29

1.3K 42 2
                                    

His blood taste good...

"Eilianna"

Natigil ako sa pagsipsip sa dugo niya nang tawagin niya ako.

"You're not planning to suck all my blood, aren't you?"

Natigil ako at napalayo sakaniya

" S-Sorry... I.. I J-Just can't..."

" It's okay" sabi niya at bahagyang hinaplos ang ulo ko.

" I'm sorry" nakayukong sabi ko.  "It just taste good... I-I mean your blood" natatarantang sabi ko.

Napatingin ako sakaniya nang marinig ko siyang tumawa.

"Then, from now on you are not allowed to sucked others blood. Ako lang--I mean my blood"

" H-Huh?"

" That's your punishment"

" Huh?"

" Hoy bro, ba't ang tagal mo?"

Pareho kami napalingon sa lalaking nasa tapat ng pinto ng silda.

" Parating na yung boss nila"

" Eilianna, okay ka na ba?" Tanong ni Aves. I just nodded.  "Should we go?"

Tumango lang ulit ako at tumayo na, medyo bumalik na yung lakas ko dahil sa pag-inom ko sa dugo ni Aves, pero inalalayan pa din niya ako habang nauuna namang maglakad yung kaibigan ata niya hanggang sa makalabas na kami ng minahan. May nakaabang na isang karwahe sa labas ng minahan kung saan naghihintay doon si kuya Paul.

"Let's go" sabi ni Aves at agad na kaming pumasok sa loob ng karwahe at mabilis na pinatakbo 'yon ni kuya Paul.

"Nasaan yung mga tao sa minahan? At yung boss nila?" Takang tanong ko.

May mga nakita akong nakahandusay sa loob ng minahan noong palabas kami pero tatlo lang sila at meron dalawa sa labas. Pero ang pagkakaalala ko madami sila at hindi ko rin nakita ang boss nila.

"They're not here, kasalukuyan silang nakikipaglaban sa mga sundalo na pinadala ng iyong ama"

"T-Teka...you mean may digmaan na nagaganap ngayon?" Gulat na tanong ko.

" Don't worry, walang digmaan. It's just our way para makuha ka namin at maligtas yung iba pang bihag nila"

Pagsabi niya non bigla ko naalala yung mag-ina na kasama ko sa loob ng silda.

"Kasama ba doon yung mag-ina?"

Kunot-noo siyang tumingin sa akin

"Ang pagkakaalala ko apat na mag-iina ang nailigtas namin so hindi ko alam kung alin doon ang tinutukoy mo. But don't worry, everyone in that mine is safe"

Nakahinga ako ng maluwag pero nag-aalala pa din ako para sakanila mag-ina. While we are in that prison, I remember my mother.

"You okay?"

Hindi ako sumagot at niyakap siya.

"Thank you"

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo ko.

" I told you before, it's my duty to protect you."

" Thank you" naiiyak na sabi ko.   "Thank you for saving me again... Thank you kasi hinanap mo 'ko ulit... I know 'thank you' is not enough para makabawi ako, pero hindi ako magsasawa na magpasalamat sa 'yo hanggang sa huling buhay ko."

"Eilianna..."

Lumayo ako sakaniya sabay punas ng mata at pisngi ko na basang basa ng luha ko.

"Akala ko hindi ko na masasabi 'to sa 'yo ng personal..." Nakayukong sabi ko.  "A-Akala ko hindi na ulit kita makikita. Sorry... Sorry kung naging selfish ako. Sorry kung umalis ako. S-Sorry--"

A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon