Kabanata 18

1.3K 31 1
                                    

Habang yakap ko ang unan ni Aves hindi ko namalayan na nakatulog ako. Parang yakap ko siya at subrang gumaan talaga ang pakiramdam ko.  Kinabukasan, nagising ako ng subrang aga dahil bigla akong nagutom.

Kaya bumaba ako at pumunta sa kusina para magluto, marunong naman ako magluto dahil minsan ako ang nagluluto ng pagkain namin ni mama. Marunong din ako magluto ng mga human food, natutunan ko 'yon sa isang librong hiniram ko. Pero yung mga pagkaing bawal sa amin hindi ko na pinag-aralan dahil masasayang lang ang mga ingredients. Kaya kaunti lang ang alam kong human dish.  Gusto ko matuto magluto ng iba pang dish pero wala akong makitang cook book sa mga librong nasa bookshelf ni Aves. Magpaturo nalang siguro ako kay ate Shan.

For now ang niluto ko muna ay yung natutunan ko don sa librong nahiram ko, it's called sinangag at itlog.  I tried these before pero hindi ko alam kung ganun ba talaga ang lasa non dahil hindi ko naman nilagyan 'yon ng asin at iba pang panghalo na hindi puwede sa amin. Pagtapos ko magluto inayos ko na ang lamesa at handa na ako kumain nang biglang dumating si Aves!

"What are you doing?"

"Ha? Uh...Uhm...A-Ano kasi..."

"Nagluto ka?"

Sh*t! Akala ko mamaya pa siya gigising? Maaga pa ah!

"S-Sorry... N-Nagutom k-kasi ako... Sorry" nakayukong sabi ko. Napapikit ako nang bigla siyang humakbang palapit sa 'kin.

He's mad!! He's going to scold me again! Hindi pa man ako nakakabawi sa ginawa ko kahapon ito na naman!

"Perfect timing, I'm also hungry"

"Sorry talaga--Ha?"

Napaangat ako ng tingin sakaniya at nagulat ako nang hindi ko siya nakitaan ng galit o ang lagi niyang binibigay na expression sa akin, yung ang cold at seryoso. He's actually smiling!

"What are you waiting for? Let's eat" sabi niya pagkaupo sa isang silya.

"H-Hindi ka galit?" Kinakabahang tanong ko

"Hmm? Why would I?"

"Kasi di ba nagagalit ka kapag may ginagawa akong hindi ko muna pinapaalam sa 'yo?"

" Oh that? You actually right, dapat nagsabi ka sa 'kin na nagugutom ka para ako na ang nagluto"

"S-Sorry, ayaw lang kita istorbohin. Alam ko kasing pagod ka sa nangyari kahapon"

" Hhmm... Okay"  sabi niya at nagsandok ng sinangag sa pinggan niya. 

" Okay?" Takang tanong ko

"Don't worry, hindi ako galit... For now I think"

For now? So magagalit na siya next time?

" Anyway, let just eat. You're hungry right?"

" Hhm"

Kumuha muna ako ng pinggan at kubyertos ko dahil yung kinuha ko kanina ay si Aves ang gumamin. Nagsandok na ako ng sa akin at napatingin kay Aves nang sumubo siya. Kinabahan ako dahil hindi ko pa natitikman yung niluto ko kaya hindi ko alam kung masarap ba 'yon o hindi.

"It's delicious"

"T-Talaga?"

"Yeah"

Napangiti ako sa sinabi niya at nakahinga ng maluwag. Mabuti nalang!  Sumubo na rin ako at nagulat din ako sa naging lasa non, it's really good. It's different from what I cooked before, yung mga ingredients nga talaga ang nagpapasarap nitong sinangag. Kung matitikman ni mama 'to sigurado akong matutuwa 'yon sa akin.

Speaking of her, kumusta na kaya siya? Maayos kaya ang lagay niya? I just hope tinupad nong lalaki yung pangako niya.

"Wag kang mag-alala, tutuparin ko ang iyong kahilingan"

After what he and his companions did to us I still trusted him... Alam kong hindi ko dapat siya pagkatiwalaan pero that night, parang may kung sino ang nagsabi sa 'kin na pagkatiwalaan ko siya. Kung tinupad man niya ang pangako niya, sana okay lang si mama ngayon.

"Eilianna"

Wala sa sariling napaangat ako ng ulo nang tawagin ako ni Aves.

"Bakit umiiyak ka? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Aves sa akin. 

"Uh...hhm...okay lang ako, sorry" sabi ko at mabilis na pinunasan ang pisngi ko.

Napatingin ako sakaniya nang marinig kong bumuntong-hininga siya at takang sinundan siya ng tingin nang tumayo siya at naglakad papunta sa puwesto ko. Kinuha ang isang silya at nilagay 'yon sa tabi ng inuupuan ko at umupo siya. Natigilan ako nang haplusin niya ang pisngi ko gamit ang dalawang hinalalaki niya habang nakatitig siya sa akin.

"I know you have problem, pero hindi ako magtatanong about it. Gusto ko lang na kapag may problema ka puwede mo 'kong sabihan, makikinig ako. Kapag nalulungkot ka o gusto mong umiyak, I'm here to comfort you"

Napatitig ako sa mga mata niya...

"T-Thank you..." Sabi ko at niyakap siya.

Gusto ko magsabi sakaniya pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sakaniya na galing ako sa ibang mundo at na-reincarnate lang ako sa katawan ni Eilianna. Sana lang sa oras na malaman niya ang lahat maintindihan niya ako at hindi niya ako kamuhian.

Pagtapos ng eksenang 'yon kumain na ulit kami, siya na ang naghugas ng pinagkainan namin kaya ako bumalik na ako sa kwarto ko. Pabagsak akong nahiga sa kama ko at napatitig sa kisame habang inaalala yung mga araw na kasama ko si Aves. Napahawak ako sa labi ko nang maalala ko yung paghalik niya sa 'kin kahapon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong dahilan ng paghalik niya sa 'kin. Nagtanong lang naman ako kung bakit tinutulungan niya ako. 

Don't tell me...

No, that's impossible. Bakit naman siya magkakagusto sa 'kin?

"Eilianna"

"Ha?!" Gulat na sabi ko at napabalikwas ng higa

"You okay?"

"Uh..Oo...Uhm...M-May sasabihin ka ba?"

"Yeah, nag-aya kasi sila Ate Shan na mag-outing, gusto mo sumama?"

" Outing? Saan?"

"May malapit na dagat dito"

" Talaga? Then I'm coming!" Excited na sabi ko.  "Wait, maghahanda lang ako ng mga dadalhin ko"

"Take your time"

Akala ko aalis na siya pero nagtaka ako nang bigla siyang pumasok sa loob ng kwarto ko at naupo sa isang silya sa gilid lang ng kama ko. Hindi na ako nagtanong at hinayaan ko nalang siya. Kinuha ko nalang yung bag ko at nilagay don ang mga pamalit kong damit. Pumasok ako sa banyo para magpalit ng damit, nagsuot lang ako ng summer dress na hanggang tuhod ko ang haba then I'm done.

"Let's go" sabi ko kay Aves pagkalabas ko ng banyo at kinuha na yung bag ko at sinabit 'yon sa balikat ko.

"You look excited"

"Huh? Ahh... First time ko kasi maligo sa dagat"

At first time ko din makakakita ng dagat ng personal, sa picture lang kasi ako nakakakita ng dagat.

"Is that so?"

"Hhm..."

Pagkasara ni Aves ng bahay agad na kaming pumunta sa labas ng village, nandoon na rin sila ate Shan at ang iba pa naming kasama.

"Eilia, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni ate Shan

"Ayos na po ako ate Shan, pasensya na po pala sa nangyari kahapon"

"Ano ka ba, okay lang 'yon. Ang mahalaga ay okay ka na. At sigurado akong magiging maayos ang pakiramdam mo kapag nakarating na tayo sa destinasyon natin"

" Opo, excited na nga po ako e"

" Kung ganun ay tara na!"

" Let's go!!"


A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon