Kabanata 10

1.6K 51 1
                                    

Naglakad lang kami ng ilang metro at maya-maya lang natanaw ko na ang isang nayon. Naunang maglakad si Aves at Shin habang ako nasa likuran lang nila nakasunod.

"Shin!!" Tawag ng isang ginoo kay Shin

"Ama!" Tawag ni shin don sa ginoo at sinalubong ito ng yakap.

"Shin, anong naisipan mo at pumunta ka sa gubat ng mag-isa! Subrang nag-alala ang ina mo sa 'yo!"

" Pasensya na po ama, gusto ko lang naman po kuhaan ng gamot si ina"

" Hayst! Huwag mo na uulitin 'yon ha! Paano kung may nangyari sa 'yo?"

" Almost" sabi ni Aves

" Aves? Shin! Tignan mo na!"

" Sorry po, pero niligtas naman po ako ni ate"

" Ate?"

Napatingin sa akin yung ginoo kaya bahagya akong ngumiti at yumuko.

" Magandang umaga po, I'm Eilia--Uhm... Eilia. I'm Eilia"

" Eilia, maraming salamat sa pagligtas sa anak ko"

" Uh no... It's Aves who save us"

" But you risk your life to save her" sabi ni Aves

"Uh..."

"Maraming salamat sa inyong dalawa" sabi nong ginoo at tumayo.  "Ako nga pala si Paul, Uhm... Kaibigan ka ba ni Aves?"

"Uh..." Napatingin ako kay Aves para sana humingi ng sagot sakaniya pero abala siya sa pakikipagharutan sa mga bata.  "Opo, we're friends"

" Ganun ba?"

I just nodded and smile

"Uh, maaari ka bang sumama sa aming munting tahanan para naman kahit papa'no ay masuklian namin ang kabutihan mo"

" Uhm... Hhm..."

Nauna ng maglakad si mr. Paul habang ako napalingon pa kay Aves at nang makitang abala pa siya sa mga bata at sa mga taga-nayon na 'to sumunod nalang ako kay mr. Paul. Naglakad lang kami ng kaunti at nakarating kami sa isang hindi kalakihang bahay.

" Pasok ka miss Eilia" aya ni Mr. Paul   "Pasensya na at maliit lang itong tahanan namin"

" Ayos lang po"

Sanay naman ako sa ganito dahil maliit din ang bahay namin sa mundo ko, mas maliit pa nga ang bahay namin kaysa dito.

Pinaupo ako ni Mr. Paul sa isang silya sa tapat ng isang lamesa at inabutan ako ng isang basong tubig at may nilapag din siyang platito na may lamang tinapay.

" Pasensya na at 'yan lang ang maiaalok namin sa 'yo. Hindi pa kasi ako nakapagluto"

" Ayos lang po 'yon"

"Mahal"

Napatingin ako sa isang pintuan at doon lumabas ang isang babae. Halata sa itsura niya na nanghihina siya.

"Mahal, bakit bumangon ka? Kailangan mo magpahinga" sabi ni Mr. Paul at inalalayan ang babae.

" Nasabi sa 'kin ni Shin na may bisita tayo"

Tumayo ako at bahagyang yumuko para bumati.

" Magandang umaga po" bati ko

" Niligtas niya po ako ina" natutuwang sabi ni Shin

" Talaga? Naku maraming salamat-*cough* "

" Mahal/Ina!"

" Magpahinga ka na muna mahal, ako na ang bahala sa bisita natin"

A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon