Days passed, I stayed here in Maca village with a peaceful life. Unti-unti na akong nasasanay sa mga tao dito, mababait sila lalo na sila Mr. Paul at Miss Shania. Minsan lang ako lumabas, mas gusto ko kasing mag-stay lang sa loob ng bahay. Pero minsan inaaya ako ni miss Shania sa labas para tumulong sa mga activity na ginagawa nila like pag-harvest ng mga tanim nilang gulay at prutas.
Yung plano kong umalis dito kinalimutan ko na dahil ayuko maranasan ang punishment na sinasabi ni Aves. He looks innocent but he's scary, lalo na kapag nagagalit siya. One time nga may nabasag akong pinggan at ayon napagsabihan ako, pero hindi dahil nabasag ko yung pinggan kundi dahil nasugat ako sa kamay ko habang pinupulot ko yung mga bubog.
"Can you be more cautious?! Nasasaktan ka dahil sa katangahan mo! "
" S-Sorry" kinakabahang sabi ko
First time ko masabihan ng ganiyan even in my past life!!
" Eilianna, look at me..."
Hindi ko siya sinunod at nanatili lang akong nakayuko habang nakapikit. Ayukong makita ang dugong tumutulo sa kamay ko.
"Eilianna!"
May diin sa boses niya pero hindi ko pa rin siya sinunod. Maya-maya lang nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"Sorry..."
Yan lang ang sinabi niya at after non ginamot niya na ang sugat ko. After that day hindi na niya ako hinayaan na mag-hugas at humawak sa mga babasaging bagay, hindi niya rin ako pinapahawak ng matatalim dahil baka daw masugat ako. Kaya wala akong ginawa kundi ang magkulong sa kwarto habang nagbabasa ng libro. At ngayon nasa sala ako nagbabasa, wala si Aves sumama kila kuya Paul mang-huli ng mga boar. At dahil isa akong masunuring bampira--I mean tao sinunod ko ang sinabi niyang wag ako lalabas ng bahay. Like what I said nakakatakot siya magalit.
But to be honest, ang bait niya. Kahit na minsan ang sungit niya at kapag nagagalit siya he's still gentle, I mean after niya kasi magalit nagso-sorry siya tulad nong nangyari last time tapos pangangaralan ka. Para siyang isang ina na pinapangaralan ang anak niya. Kung baga nagagalita siya in a nice way, in a way na matututo ka sa pagkakamali mo. And actually, ang dami ko natutunan sakaniya at hindi lang sakaniya kundi pati sa ibang tao.
Sa ilang araw na pag-stay ko dito nakita ko kung paano nila tinutulungan ang mga kababayan nila, kung paano tulong-tulo sila sa mga gawain. Nakita ko kung paano ka-peaceful ang buhay nila sa maliit na bayan na 'to. Feeling ko nga wala silang problema, at kung meron man ay agad din nilang masusulusyonan sa tulong ng ibang tao.
This is the life I want, peaceful life kasama ang mga taong gusto din ng tahimik na buhay. Ang sarap sa feeling kapag ganun.
"Eilia!!"
Natigil ako sa pagbabasa nang marinig ang malakas at sunod-sunod na katok ni miss Shania sa pinto. Nilapag ko ang libro sa lamesa at agad na nagtungo sa may pinto at binuksan 'yon. Bumungad sa akin ang hingal na hingal na si miss Shania, hawak pa niya ang dalawang tuhod niya.
"Miss Shania... Okay lang po kayo?" Nag-aalalang tanong ko at aalalayan sana siya nang bigla niyang hawakan ang isang balikat ko.
"S-Si Aves..."
"Po? Kasama po siya ni Mr. Paul--"
" Si Aves!! Sugatan siya!" Natatarantang sabi niya at pagkarinig ko non ay bigla akong kinabahan kaya agad akong napatakbo. "Nasa labas sila ng village!" Sigaw ni ate Shania.
Mabilis akong nag-teleport papunta sa labas ng village at doon nakita ang mga nagkakagulong mga tao. Nakisiksik ako sa mga nagkakagulong tao at nang makalabas ako sa crowd agad kong nakita si Aves na nakahandusay sa lupa, duguan at walang malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/348853552-288-k99486.jpg)
BINABASA MO ANG
A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)
FantasyChristine Gomez a 18 year old vampire girl. Isang gabi bigla nalang naganap ang isang hindi inaasahang pangyayari. May mga tao ang sinugod ang lugar nila, sinunog ang mga tahanan nila at pati mga kalahi nila at kasama siya... Namatay siyang pinoprot...