Kabanata 11

1.5K 41 3
                                    

After she disappear everything went back, gumagalaw na rin sila Aves habang ako nakatayo parin at nagtataka at naguguluhan pa rin sa mga nangyari.

Totoo kaya ang sinasabi ni goddess Zzieryn? It is possible na si Eilianna ang tinutukoy niyang kaluluwa na nasa loob ng katawan ko. Pero kung totoo nga paanong nangyari 'yon? Bakit ako napunta sa katawan niya kung nasa loob pa ng katawan na 'to ang kaluluwa niya? 

"Ina!"

Napalingon ako sa may kama kung saan umiiyak na niyakap ni Shin ang kaniyang ina at ganun din si Mr. Paul.

"Eilia, maraming salamat" naiiyak na sabi ni Mr. Paul

"Ate, maraming salamat po!" Umiiyak na sabi ni Shin at bigla akong niyakap sa bewang ko.

"You are welcome" nakangiting sabi ko

"Iha, maraming salamat" sabi ng ina ni Shin.

"Wala po 'yon, masaya po akong magaling na kayo"

"Salamat"

"Where and when did you learn that?"

Napatingin ako kay Aves na nasa tabi ko na. Bigla akong kinabahan dahil alam ko na kilalang kilala niya si Eilianna, alam niya ang mga ability na meron siya.

"Uhm... Self study"

"Self study?"

"Hhm... I just realized kung gaano ka importante ang magic at mga ability kaya pinag-aralan ko ang ilan sa mga magic spell at kasama na nga doon ang healing magic" paliwanag ko sakaniya

" Is that so?" Sabi niya at halatang hindi siya na-convince sa sinabi ko, pero hinayaan ko nalang siya kung ano gusto niya isipin. Hindi ko na pahihirapan ang sarili kong mag-isip ng idadahilan sakaniya dahil ang pag-iisip palang kung paano ako na-reincarnate sa katawan na 'to ay sumasakit na ang ulo ko. 

"Mahal, kailangan natin maghanda para makapagpasalamat tayo kay miss Eiri" sabi ng asawa ni Mr. Paul.   "Nga pala miss Eiri, I'm Shania. Gusto kong magpasalamat sa 'yo ng pormal kaya kung iyong mararapatin ay maaari ka bang manatili muna dito sa bahay para sa kaunting piging" 

" Uhm..."

" Ate Shan, actually may ipapakiusap po sana ako"

Napatingin kaming lahat kay Aves

" Ano 'yon?"

"If it is okay, dito muna siya sainyo?"

"Aves!" Saway ko sakaniya   "Nakakahiya"

"Naku walang problema 'yon miss Eilia" sabi ni miss Shania

"Kung okay sa asawa ko ay ayos lang din sa akin"

" Dito na po titira si ate!!" Masayang sabi ni Shin at nagtatalon pa siya sa kama.

"Uh...Uhm... Excuse me po" sabi ko at hinila si Aves sa labas ng kwarto.  "Anong ginagawa mo? I can't stay here" pabulong na sabi ko

" Napag-usapan na natin 'to di ba?"

" Oo pero... Nakakahiya kasi, baka makaabala lang ako sa kanila"

" Sinabi naman nilang okay lang sa kanila, at hindi mo ba nakita na ang saya ni Shin"

Napatingin ako sa loob ng kwarto at nakita kong hindi pa rin siya tumitigil sa pagtalon sa kama kahit na sinusuway na siya nila Mr. Paul.

" Pero kasi..."

" What do you want, dito ka mag-stay o sa bahay ko?"

Napatingin ako sakaniya

" You choose... For your information, ako lang mag-isa sa bahay and it's too big for me... Hhm..."

A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon