Kabanata 8

1.7K 53 0
                                    

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil bigla nalang nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay. Nagising nalang ako na nasa kwarto ko na ako. Naabutan kong naglilinis si Pana ng kwarto ko.

"Princess Eilianna" tawag niya sa 'kin nang makita niya akong umupo. "Kumusta po ang pakiramdam niyo?"

"Lumabas ka muna"

"Po?"

"Get out"

"O-Okay po, tatawagin ko po ang reyna--"

"Don't, wag kang magpapapasok ng kahit na sino. I want to be alone"

"If that's what you want your highness"

Lumabas na siya at sinara ang pinto, pagkasara niya ng pinto napayakap ako sa mga tuhod ko at sinubsob ang mukha sa mga braso ko. Naalala ko pa rin ang nangyari at nagsisimula na namang manuyo ang lalamunan ko.

Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko 'to. Akala ko okay na ako, akala ko nawala na yung pagiging bampira ko? Naalala ko noong time lang 'yon ulit ako nakakita ng dugo ng tao. And nakakaramdam kaming mga bampira ng sakit sa ulo at panunuyo ng lalamunan kapag pinipigilan namin ang sarili namin na wag uminom ng dugo ng tao and worst, nagiging mabangis kami.

I don't want to hurt anyone, not Eilianna's family. Kailangan ko mag-isip ng plano kung paano ko maiiwasan na masaktan sila. But the only way to do that is to stay away from them. At isang bagay lang ang naiisip ko...

Ang umalis dito.

Mahihirapan ako magdesesyon dahil sa family ni Eilianna, kapag umalis ako dito mag-aalala ang lahat. But I don't have another choice, kailangan kong gawin 'to for their safety.

Pinaghandaan ko na ang plano ko, hindi ko pa alam kung saan ako pupunta pero may plano na ako kung paano ako makakaalis dito na walang nakakaalam. Kahit papa'no natutunan ko ng mag-teleport pero sa lugar lang na napuntahan ko, so I decided na sa lugar nalang kung saan nag-umpisa lahat ng problemang 'to. I already check the place at mukhang madalang lang ang dumadaan doon.

Na-ready ko na ang mga kailangan ko, damit at pera. At pagsapit nga ng hating-gabi, agad ko ng hinanda ang sarili ko sa pag-alis. I take a heavy breath, I closed my eyes and visualize the place I am going to teleport. Wala pang isang segundo ay nakapag-teleport na ako, napaharap ako sa kabuohan ng palasyo. Wala pang nakakaalam na umalis ako pero kapag may nakaalam sigurado akong magkakagulo ang buong palasyo, kaya kailangan ko ng umalis dito bago pa sila magsimula maghanap.

Tumalikod na ako at sinuot ang hoodie ng cape at bumuntong-hininga bago nagsimulang naglakad. Ang pagkakaalam ko ang daan na 'to papunta sa city ng Felvienzen. Kailangan kong mag-ingat, kailangan ko mag-ingat dahil lahat ng tao dito ay kilala ako.

Anim na minuto din akong naglakad bago ako nakarating sa bungad ng city. Saglit pa akong napanganga at napahanga sa laki at ganda ng lugar na ito, gabi na pero may mga iilang tao pa rin ang nandito at abala pa rin sa mga gawain nila. Dere-deretso lang ang tingin ko at palihim na napalingon sa paligid baka sakaling pinagtitinginan na ako ng mga tao. Medyo kinakabahan ako dahil hindi pa ako ganun kasanay makihalubilo sa mga tao at saka baka sumpungin na naman ako sa pagiging bampira ko.

Naglakad lang ako hanggang sa makalabas ako ng gate, mabuti nalang walang pakialam yung mga bantay sa gate kaya madali akong nakalabas. Nakahinga ako ng maluwag nang medyo malayo na ako.

This is it!! Wala ng atrasan 'to, para din naman 'to sa kanila at saka para na rin sa 'kin. I can do whatever I want, hindi ko na kailangan magpakasal at hindi ko na kailangan sundin ang mga gusto nila. Honestly, natatakot ako sa daddy ni Eilianna, nakatakot kaya siya. The way he look at you, parang bigla ka nalang lalapain ng buhay.

Naglakad na ulit ako at halos isang oras ang nilakad ko hanggang sa makarating ako sa isang kagubatan. Sinunod ko lang naman yung daan kanina, mukhang ito lang ang daan. Kaya naghanap nalang ako ng puwesto na puwede kong pagpahingahan. Sa isa sa mga puno ako naupo para magpahinga.

Kinain muna ako ng baon kong pagkain bago ako natulog, pero maya-maya ang gising ko dahil sa mga alulong ng mga hayop dito sa gubat. Kaya kinabukasan puyat ako kaya nanatili muna ako doon ng ilang oras para mabawi ang lakas ko. Pagtapos non nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad sa gitna ng kagubatan na 'to pero hindi ko pa rin nakikita ang palabas sa gubat na 'to.

I think I'm lost! I'm tired and I'm out of food, and I think it's getting more dangerous in here.

"Help!!"

Napalingon ako sa kung saan nang marinig ko ang sigaw na 'yon ng isang bata.

"Help!!"

Mabilis akong tumakbo papunta sa kung saan ko narinig ang sigaw, nang marating ko ang lugar nakita ko ang isang batang babae na inaatake ng isang malaking bear. Nang tignan ko ang bata natigil ako nang makitang hindi ito isang ordinaryong tao, isa itong demi-human. A demi-human is a half human and half animal, tinuro 'yon sa akin ni Aves.

"Help!!"

Mabilis kong binaba ang dala kong bag at mabilis na tumakbo papunta don sa bata at niyakap siya at gumulong kami kaya hindi kami natamaan sa malakas na atake nong bear. Nabutas ang lupa at nagkaroon ng crack dahil sa lakas ng impact ng suntok na 'yon, nabalot din ng alikabok ang paligid kaya napapikit ako.

"Are you okay?" Tanong ko don sa bata pagkamulat ko ng mata.

"T-Tao..."

Oh right, takot at mailap ang mga demi-human sa mga tao dahil sa mundong 'to ang mga demi-human ay ginagawang slave ng mga tao lalo na ang mga mahaharlika.

"Wag kang mag-alala hindi kita sasaktan, andito ako para tulungan ka" sabi ko at lumuhod. "Ayos ka lang ba?"

"H-hhm..."

Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang okay nga siya pero may nakikita akong mga galos sa braso niya. I'm glad there's no blood, it will be bad if may dugo siya.

"Ate!"

Nagtaka ako nang sumigaw siya at takot na takot ang mukha niya na nakatingin sa likuran ko kaya napalingon ako doon at natigil ako at nagulat nang makitang aatake na yung bear, sa subrang gulat hindi ako makagalaw at parang biglang nanigas ang katawan ko.

Sh*t!! Wala ng oras para makaalis at maiwasan ang atake na 'yan!

Napalingon ako sa don sa bata at nakita kong nakapikit na siya at nanginginig.

D*mn!

Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit para itago siya sa mga bisig ko.

"A-Ate..."

"You'll be alright" mahinahong sabi ko habang nakapikit at hinanda na ang sarili sa kung ano mang mangyayari.

Am I going to die again?

"Princess!"

A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon