Kabanata 27

1.1K 36 1
                                    

AVESTIAN POV

"Are you sure? Sa tingin mo papayag ang Hari?"

"Kung hindi siya pumayag, then I don't have a choice"

" Itatakas mo siya?" Tanong ni Pana and I just nodded.

" Seriously?" Hindi makapaniwalang sabi ni kuya Paul

" That's love" natatawang sabi ni ate Shan.  "At saka ganyan din naman ginawa mo sa 'kin noon"

Natawa ako sa sinabi ni ate Shan.

" Kuya Aves!!"

Napatingin kaming lahat kay Shin na hingal na hingal na pumasok sa loob ng bahay.

" Shin, anong nangyari? T-Teka... Bakit ka umiiyak?"

Lumuhod si ate Shan habang pinupunasan niya ang pisngi ni Shin na basang-basa ng luha.

" S-Si... S-Si a-ate Eilia..."

" Huh? Anong si ate Eilia?" Takang tanong ni ate Shan.

" S-Si ate Eilia... K-Kuya... She's leaving..." Umiiyak na sabi ni Shin sa akin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Shin at bigla kong naalala ang pinag-uusapan namin kanina.

Did she hear us?

Mabilis akong nagtungo sa kwarto niya at nagulat nang hindi ko siya nakita doon. Mabilis akong bumalik sa sala.

" Shin, nasaan si Eilia?" Natatarantang tanong ko.

" I don't know kuya... Nakita ko lang siya bigla sa labas ng gate at... At sinabi niyang aalis daw po siya..."

" Sinabi ba niya kung bakit?" Tanong ni kuya Paul

"Hindi po..."

" Aves!" Tawag ni kuya Paul sa akin nang humakbang ako palabas ng pinto.

"Hahanapin ko siya" sabi ko at mabilis na tumalon sa ere at mabilis na pumunta sa kagubatan at hinanap sa lugar na poseble niyang pagtaguan. Hindi siya makakalayo dahil alam kong hindi siya makakapag-teleport sa lugar na hindi pa niya napupuntahan.

Akala ko makikita ko agad siya pero nabigo ako... Hindi ko siya makita sa bawat sulok ng kagubatan... bumalik nalang ako sa bayan at nagtaka ako nang makitang nasa labas sila kuya Paul.

"Kuya Paul"

"Aves!"

"What happen?" Takang tanong ko

"This kids saw Eilianna"

"Really? Where? Hindi ko siya makita sa kagubatan"

Hindi agad nagsalita si kuya Paul kaya nagtaka ako.

" Kuya Paul..."

" M-May kumuha sakaniya"

" Huh?" Kunot-noong sabi ko.  "What do you mean?"

"Naglalaro po kami ng tagu-taguan at sa kagubatan po kami nagtago. N-Nakita po namin si ate Eilia na umiiyak at tatawagin po sana namin siya nang biglang may mga lalaki ang dumating at sinampal po si ate Eilia noong nagpupumiglas siya."

Napakuyom ako sa kuwento ni Alex

" Sinundan po namin sila at nakita po namin na sinakay siya sa isang karwahe."

" Sino naman ang kukuha sakaniya?" Takang tanong ni kuya Paul

" Baka mga bandits"  sagot ni ate Shan

" Or Dark guild"

Napatingin ako kay Pana

" They're still not giving her up"

A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon