Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito, gutom na ako at may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko. Pakiramdam ko naramdaman ko na ito noon pero hindi ko alam kung kailan o kung saan.
Ang init ng katawan ko na para bang nasusunog ang buong katawan ko pero nanginginig ako sa lamig. Kanina pa ako dito sa isang gilid nakasiksik habang yakap ang magkabilang tuhod ko, pinipigilan ang pagtubo ng pangil at mga kuko ko.
"Miss ayos ka lang?" Rinig kong tanong nong kasama kong ginang.
"Lumayo ka sa 'kin" sabi ko nang maramdaman kong papalapit siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng pakiramdam ko ngayon na kahit kunting galaw at kaluskos lang ay nararamdaman at naririnig ko.
"Pero miss--"
"Please..."
Hindi na ako nakarinig ng salita mula sakaniya kaya napanatag ang loob ko. Nagdaan pa ang mga oras hanggang sa dumating ang panibagong umaga. Hindi mo malalaman kung umaga o gabi sa lugar na ito dahil walang kahit na anong bintana I butas sa kuwebang ito. Nalaman ko lang dahil sa mga naririnig kong huni ng mga ibon na nagmumula sa labas at mga taong nagbabatian.
Hindi ko alam kung isa ba ito sa mga ability na meron ako dahil hindi ko pa naman nararanasan 'to. Naramdaman ko at narinig ko ang pagbukas ng silda pero hindi ko 'yon pinansin at nanatili lang sa puwesto ko hanggang sa narinig ko ulit na nagsara ang pinto ng silda.
"M-Miss... Kumain ka na"
Bahagya akong nag-angat ng ulo at tinignan yung pagkaing nasa hindi kalinisang lalagayan na hindi ko masabi kung pinggan pa ba 'yon. Isang tinapay lang ang nandoon at isang basong tubig. Kahit na nakakaramdam ako ng gutom parang hindi naman ako natakam nang makita ang tinapay na 'yon. Sinubsob ko ulit ang mukha ko.
"Miss, hindi ka ba nagugutom?"
Hindi ko pinansin ang tanong nong ginang at nanatili lamang sa puwesto ko. Maya-maya lang naramdaman kong may papalapit sa akin kaya bahagya akong nag-angat ng tingin at doon nakita yung bata na inuusog yung lalagyan na may kalahating tinapay at yung basong may kalahating laman na tubig.
" Ang sabi po ni ina masama po magpalipas ng gutom dahil magkakasakit po. Kaya kumain na po kayo"
Saglit ko siyang tinitigan at tinignan ulit yung tinapay at doon nagulat ako nang kaunti lang ang nabawas sa tinapay. Kukunin ko na sana 'yon para hatiin pa 'yon at ibigay sa kanila nang biglang bumukas ang pinto ng silda at doon pumasok ang dalawang lalaki.
"Hoy princess! Tumayo ka na diyan!" Sabi nito at yung isang lalaki tinanggal ang kadenang nakalagay sa paa ko at yung mga kamay ko naman ang nilagyan ng kadena. Puwersahan nila akong pinatayo at tinulak palabas ng silda.
" Saan niyo dadalhin si ate?!" Nag-aalalang tanong nong bata
" Wala ka ng pakialam don!" Sigaw nong lalaki at agad naman na niyakap nong ginang ang bata. "Lakad!"
Naglakad na ako habang hawak ako ng isang lalaki sa braso ko. Maya-maya lang huminto kami sa isa pang silda at doon pinasok nila ako. Walang kahit isang tao doon o mga bihag nila. Kinadena nila aang magkabilang kamay ko pataas at may hinila yung isang lalaki at unti-unti akong umangat pataas.
"Pre, sayang ang babaeng 'to kung papatayin lang na hindi tayo nakikinabang"
" Pigilan mo muna yang kamanyakan mo dahil hindi natin siya puwedeng galawin hangga't hindi sinasabi ni boss"
" Pasensya na, hindi ko lang talaga mapigilan. Ang ganda kasi at ang kinis"
" Wag ka mag-alala, pagsasawaan natin siya mamayang gabi" sabi nong isa at pareho silang tumawa.
BINABASA MO ANG
A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)
FantasiChristine Gomez a 18 year old vampire girl. Isang gabi bigla nalang naganap ang isang hindi inaasahang pangyayari. May mga tao ang sinugod ang lugar nila, sinunog ang mga tahanan nila at pati mga kalahi nila at kasama siya... Namatay siyang pinoprot...