Kabanata 5

2.5K 72 0
                                    

After nila ako ayusan lumabas na silang lahat except kay Pana. Tahimik lang akong nagbabasa ng libro habang nakaupo sa gilid ng kama ko, kanina ko pa gusto mahiga pero hindi puwede dahil masisira ang pagkakaayos ng buhok ko.

Napaangat ako ng tingin kay Pana na nakatayo lang sa gilid ng pinto

"Pana"

"Yes your highness?" Tanong nito habang nakayuko.

"Maupo ka muna kaya"

"I'm fine your highness"

"But--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Princess Eilianna, it's time for you to came out!!"

" We're coming!" 

Si Pana ang sumagot

" Your highness"

Napabuntong-hininga ako sabay tiklop ng libro at nilapag 'yon sa kama. Tumayo ako at humakbang papunta sa pinto na binubuksan na ni Pana. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa tapat ng mahabang hagdanan. Sa tingin ko mga nasa twenty ang bilang ng baitang ng hagdan na 'to.

Napaangat ako ng tingin sa baba nang marinig ang palakpakan ng mga taong naghihintay sa akin makababa. Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng saya ko at dahan-dahan na akong humakbang at nang nasa kalagitnaan na ako napatingin ako sa isang lalaking nasa baba ng hagdan nakatitig sa akin habang bumababa ako.

He's staring at me like other people do, but there's something in his eyes that different to others. Or I'm just imagining things?

Nang isang baitang nalang ang bababaan ko agad niyang inabot ang kamay niya sa 'kin. Tinanggap ko naman 'yon at tuluyan nang bumaba sa pinakahuling baitang ng hagdan at inaalis na ang pagkakawaka sa kamay niya.

"Thank you" I said

He just nodded and didn't say anything. He should at least say you are welcome or something. Mukhang wala talaga siyang pakialam sa mga nangyayari.

" Oo nga po, saka para po mahumaling sainyo si prince Rayzen. Sigurado po ako na matutulala siya kapag nakita niya kayo"

Bakit ba ako umasa na mangyayari yung sinabi nong make up artist kanina?? Stupid!! I mean myself!

"May I?"

Taka akong tumingin kay Rayzen nang iabot niya ulit ang kamay niya habang nakayuko at ang isang kamay niya ay nasa likuran niya.

I'm confused... What is happening?

Kahit na nagugulohan ay tinanggap ko nalang ang kamay ni Rayzen, ayaw ko din naman na mapahiya siya.  Nang ilahad ko ang kamay ko sakanya bahagya niya 'yon pinisil at tumayo na ng maayos. Naglakad siya kaya naglakad din ako. Mas lalo akong nagtaka nang makarating kami sa gitna at lahat ng tao ay nasa gilid na.

"P-Prince Rayzen..."

I was about to asked him but he suddenly put his hand on both side of my waist. Kasabay non ang pagtugtog ng isang musika. Ngayon ko lang napagtanto ang mga nangyayari.

We are going to dance!!

Natataranta kong nilagay ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya habang nakayuko. Hindi ako makatingin ng deretso sakanya dahil sa kahihiyan. Nang mag-umpisa siyang gumalaw ay gumalaw na din ako, sinusundan ko lang ang bawat galaw ng paa niya.

I can't dance!!

Mukha na siguro akong tanga, pinagtatawanan na siguro ako ng mga tao. Sh*t! I'm nervous!

A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon