Chapter 10 New House

146 14 0
                                    

Heart POV

Nagising ako sa mainit pag tapik ng pisnge ko. At alam kung si mom ang gumising sakin.

"Hmm". Ungol ko! At unti unti kung minulat ang mga Mata ko. Syempre ano paba ang aasahan ko kundi Dilim lang naman ang sumalubong sakin.

" Sweetie Were already here?". Malambing na tugon ni mom!  Tumango ako at hinawakan ang kamay ni mom para Hindi ako madapa.

"Hon! Dalhin muna si Heart sa loob ako ng bahala sa mga gamit natin". Sabi ni dad!

" okey hon! Let's go sweetie! ". Tumango ako at nag Simula ng maglakad.

" Mom! Maganda naba ang View! Anim na taon din ako hindi naka punta dito?". Tanung ko at dinamdam ang simoy ng hangin na sumasalubong samin ni mom! Malapit ito sa dagat at maganda ang tanawin. Hinding Hindi ko maka kalimutan ang Lugar na ito. Pero Hindi kuna alam ngayon baka merong nagbago.

"Hmm. Mas lalong gumanda anak". Narinig ko naman ang sinabi ni mom na tila nalulungkot.

" Mom". Tawag ko sa kanya at kinapa ang mukha nya. Now I know she's crying.

"I'm sorry sweetie I can't stop my tears! At Hindi ko kayang tignan ka na ganyan ang sitwasyon mo". Sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

" mom! Its okey! I'm fine please stop crying". Malambing kung tugon at saka hinalikan ang buhok nya.

Napakaswerte ko dahil Meron akong magulang na tulad nila. Hindi ko sila masisi kung malungkot sila dahil sakin. Kahit nga ako naawa ako sa sarili ko.

"Sorry anak Hindi kulang maiwasang maging emotional". Pag papaumanhin nito. Ngumiti ako ng pilit.

" mom! Pwede ba ako pumunta sa gilid ng dagat". Saad ko!

"Pero anak delekado! Bukas pa pupunta dito si yaya belin mo para bantayan at gabayan ka". Kabadong sabi ni mom. Alam ko naman na para yon sakin pero gusto ko talagang pumunta sa gilid ng dagat.

" please mom! Kahit ngayon please". Pag mamakaawa ko! Narinig ko namang bumuntong hininga si Mom at saka hinawakan ang kamay ko na kinangiti ko.

"Thanks Mom".  Saad ko!

" matitiis ko ba ang anak ko! O dito kalang sa may bago ah! Hwag kang umalis dyan! Babalikan kita dito mamaya!". Usal ni mom! Hinalikan nito ang noo ko.

"Yes mom". Malambing kung tugon at humawak sa malaking bato.

Naramdaman ko naman ang pag alis ni mom kaya kinapa kupa ang batong hinawakan ko para makapunta ako sa taas.

" Seguro maganda na tong batong to!". Bulong ko! Dito ako tumambay dati kapag gusto kung mag isa o di kaya kapag nag tatampo ako kina mom at dad.

Pagka akyat ko ay agad akong tumayo at dinamdam ang malakas na hangin na dumadampi sa balat ko.

"Seguro mas maganda kung may makita ako". Bulong ko sa hangin at Hindi ko mapigilang mapaiyak.

" Bakit kuba kailangan maranasan ang lahat ng ito". Kung kanina ay bulong lang! Ngayon ay sumisigaw na ako sa dagat.

Para akong tanga sa ginagawa ko habang patuloy na lumalandas ang mga luha ko sa pisnge. Seguro kung may makakita sakin dito ay ta tawagin nila akong baliw.

"GUSTO KUPA MAKITA ANG BUONG KALAWAKAN NG MUNDOOOOOO". sigaw ko na kulang nalang lalabas na lahat ng ugat ko sa leeg.

" baby! Sisigaw muna si Mommy huh saglit lang". Napatawa ako ng mapakla dahil sa sinabi ko.

Tinaas ko ang kamay ko Yong tipong mala titanic na si Rose. Ganun yon!

Tumingala ako sa langit na kahit wala akong makita kundi madilim.

"BAKIT KAILANGAN MO PANG IPAGKAIT SAKIN ITO". Sigaw ko at tuluyang humagulgul.

" IBALIK NYO NA ANG PANINGIN KO! HINDI KO KAYA".

"PAKIUSAP IBALIK NYO ANG PANINGIN KO".

" BAKUT AKO ANG PARUSAHAN MO? BAKIT HINDI ANG LALAKING NILOKO AT ANG KABIT NYA ANG PARUSAHAN MO". Namamaos na ang boses ko at tumingin sa karagatan.

"MAGANDA PA NAMAN SANA TIGNAN ANG KARAGATAN". Nanghihina na ako! Pagod na pagod na ako.

" PFF.". Napatigil ako sa kadramahan ko at pinunasan ang luha ko ng makarinig ako ng impit na tawa. Hindi ko alam kung San sya.

"S-sinu k-ka? S-serino k-kaba". Kinakabahang sabi ko.

" PFF. Hahahaha". Bigla naman akong nainis ng marinig ko ang malakas nitong tawa sa Hindi ko alam kung San. Dahil sa lakas ng alon ng dagat.

"Hoy ikaw! Ginagalit mo ba ako huh?". Inis kung bulyaw at tinuro ang nasa harap ko kung San ang karagatan. Kahit Hindi ko ito makita ay alam kung dagat ang sentrong tinuturo ko.

" ah pff. Sorry miss at saka haha nandito ako sa kaliwa mo at Hindi ako Serino PFF.". Napakunot naman ang noo ko ng sabihin nyang nasa kaliwa daw sya.

Kaya kahit Hindi ko sya nakita ay bumaling ako sa kaliwa at dinuduro duro sya kahit Hindi ko alam kung sent to sa kanya ang Daliri ko.

Bigla akong kinabahan na baka isa itong masamang tao at baka itatapun nya ako sa dagat. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Paano na ang anak ko! Hindi maari.

"Hey! I'm not a bad guy". Teka? Paano nya nalaman? Sabi kuna eh isa syang serino at mind reader ang ability nya.

" obyos lang sa mukha mo miss". Dagdag nito kaya nakasimangot ako.

Hindi ko alam pero bigla akong kumalma at hinawakan ang flat kupang tyan. Kahit itong anak kulang ang akin okey na yon sakin.

"I'm Liam Guerrero Kapitbahay lang tayo! Bagong lipat ba kayo dito?". Tanung nito! Teka? Ang pag kakaalam ko wala kaming kapitbahay noon. How come na Meron na ngayon. Kung sabagay anim na taon din akong Hindi nakapunta dito. Malamang maraming nagbago.

" Heart". Maikli kong sabi at nakipag shake hands.

"Hays! Dito kamay ko?". Napangiti naman ako ng pilit. Kanina pa pala nakalahad ang kamay nya at Hindi ko yon alam kasi Hindi ko nakita.

" hehe pasensya kana! Hindi kasi kita makita". Malungkot kong sabi.

"ANO?". Sigaw nito kaya napatakip ako ng tenga at Hindi sya pinansin.

" oh sorry! Nabigla lang ako! Kaya pala Hindi mo ako nakita kanina at Yong kamay ko. Pasensya kana". Pag hinge nito ng paumanhin.

"Okey lang! Pero sabi naman ng doctor ko. Babalik ang paningin ko. Temporary blind to be exact". Ako!

" mabuti naman kung ganun! Sa tingin ko nandyan na ang sundo mo". Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"Liam ikaw ba yan?". Teka? Boses ni mom yon huh? Kilala ang lalaking nasa harap ko ngayon na Hindi ko alam kung ano ang mukha nya.

" opo ma'am Helene , aalis na po ako! Nice meeting you Heart". Tumango ako at saka na sya umalis.

"Mom you know him?". Tanung ko Kay mom habang inalalayan nya akong bumaba sa bato.

" yes anak! Sila ang nagpatayo ng isang malaking bahay dyan sa tapat ng bahay natin. At mayor ang ama nya dito sa San Lucina Province ". Mahabang litanya nito. Tumango naman ako bilang sagot.

" alam mo bang ang gwapo nya anak! At napakabait na bata yan si Lian". Kwento ni mom!

"Mom naman!  Paano ko malalaman kung dilim ang makita ko". Nakasimangot kung sabi.

At saka wala akong pakialam kung gwapo sya. Hwag kasi mag padala sa gwapo. Hindi mo alam niloloko kalang pala ng patago tsk.

" PFF. Hahaha sige anak pumasok kana sa kwarto". Mom!

"Okey po mom!". Ngiting sabi ko at kinapa ang doorknob ko papasok sa loob ng kwarto ko.

Hmm. Seguro mag papahinga muna ako namamaos na ata ako kanina.
_____

Please 🙏 Dont Forget To Vote And Comment 😁

The Blind WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon