Chapter 24 Work

96 8 0
                                    

Heart POV

Nandito ako ngayon sa hospital nag tatrabaho ako para libangan ang sarili ko. Nakakasawa din kasing tumambay sa loob ng bahay.

At saka si Alex nalang daw ang susundo Kay Alexa mamaya. Gusto nya daw bumawi kaya wala na akong magawa pa doon.

Hindi ko ipagkakait sa kanya si Alexa dahil sya ang ama. Bukod pa doon ay lagi din syang pumupunta sa bahay para ihatid at sinusundo sa eskwelahan si Alexa.

Si liam naman ay umuwi ng San Lucina Province para sa negosyo nila doon. Tatlong araw na rin ang nakalipas Simula ng malaman na ni Alex ang katotohanan.

Si dad at mom naman ay pumunta ng US para sa kabilang negosyo doon at aabot sila doon ng dalawang Taon o higit pa.

Nabalitaan ko rin na bumalik na sa Japan si Tito Ace at Tita Alumina dahil sa kabilang negosyo.

Dalawang araw nalang at kasal na nila Alex. Bigla akong napangiti ng mapait.

Tsk. Wala na akong pakialam sa kanya. Aalagaan ko nalang ang anak ko.

*Tok*Tok*Tok*

Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok sa office ko.

"Come in". Sabi ko!

" Doc! May isang babae po ang umiiyak sa nurse station". Napakunot ang noo ko dahil aa sinabi ni Rona.

"Bakit?". Tanung ko at saka tumayo para puntahan ang sinasabi nya.

" iwan po doc! Basta nabigla nalang kami ng nag wala ito at umiyak".  Tarantang sabi ni Rona.

"Sige! Samahan mo ako". Tugon ko dito at tumango naman ito bilang sagot.

" PARANG AWA NYO NA! TULUNGAN NYO ANG KAPATID KO".

"Ms. Hospital po ito! Hindi po ito police station".

" parang awa nyo na! Nasan ba ang head nyo dito".

This time mahinahon na ang kanyang boses! Halata mo dito ang puyat at pagod. Halata mo rin na Hindi ito naligo dahil sa medyo marumi ang kanyang damit.

Napapatakip pa ng mga Ilong ang  ibang pasyente at nurse.

"Doc!". Tawag sakin ng isang nurse ! Bumaling sakin ang pansin ng babae...

Nakakaawa ang lagay nya! Medyo matanda na sya at sa tingin ko napadpad sya dito sa kamaynilaan.

" Parang awa Mona doctora!". Nagulat ako ng bigla itong lumuhod sakin.

Napasinghap ang lahat at pilit sya kinukuha ng security guard dito.

"Manong okey LANG! Ako na ang bahala sa kanya". Magalang kung sabi.

" segurado po ba kayo doc". Tumango ako bilang sagot at ngumiti.

"Nay! Ano po ba ang maitutulong ko". Tanung ko sa kanya. Sinabi ko Kay Rona na sya muna ang bahala dito. Sasamahan kulang sa presento si nanay!

" ako si aling Susan. ". Panimula Nito! Halata mo parin sa kanyang boses ang lungkot.

" Sakay po muna kayo Aling Susan". Sumakay naman ito sa kotse ko saka rin ako sumakay.

"Sinu po pala ang hinahanap nyo dito along Susan?". Tanung ko!

" Ang kapatid ko iha! Sa tingin ko matanda sya sayo ng limang Taon! Tatlo na rin ang kanyang anak! May kumuh sa kanyang armadong kalalakihan at sinakay sa itim na sasakyan". Iyak Nito!

"Hwag ho kayong mag aalala along Susan. Makita mo rin ang kapatid mo. Ihahatid kita sa presento. At doon mo lahat isalaysay ang tungkol sa kapatid mo. Kailangan kuna rin kasing sunduin ang anak ko! Hapon na po kasi! Hindi kupo kayo masasama sa loob. Sana po maintindihan nyo ako". Sabi ko!

The Blind WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon