Chapter 11 After Seven Months

213 14 0
                                    

Third Person POV

"Nakahanda naba ang lahat ng gamit Liam." Tanung Ni Helen Kay liam.

"Opo tita". Sagot naman ng binata at saka inalalayan si heart papuntang sasakyan.

" princess are you ready?". Excited na tanung ng kanyang Ama na si Harold.

"Yes dad!". Sabat naman ni Heart sa kanyang Ama.

" mabuti naman! Mas mabuting sa US kana manganak anak! Baka sakaling mapadali kang makakita". Mahabang litanya ng Ina nito na nakasakay na sa front seat at si liam naman at heart ay nasa likod.

Papuntang america si Heart at liam dahil  Pitong buwan na ang kanyang tyan. Gusto nila na doon sya mangaanak at baka sakaling doon din mapadali makakita ng anak nila.

Sa Pitong buwan ay medyo nakakaaninag si heart pero nawawala din ito.  Sa Pitong buwan ay laging nasa tabi nya lang si liam . naging magkaibigan din sila sa Pitong buwan ay naging masaya rin sya at unti unting kinalimutan ang naging karanasan nya sa buhay.

Sumama si Liam dahil gusto nyang makatulong Kay Heart at gusto nyang nandoon sya pag labas ng magiging inaanak nya.

"Okey kalang ba heart? Hindi kaba nahihirapang umupo?". Nag aalalang tanung nito Kay heart! Kaya napangiti nalang si heart.

Hindi nya man ito nakita pero alam nyang nag aalala sa kanya si liam.

" haha oo naman okey lang ako! Daig mo pa ang tatay sa anak ko huh?". Nitong sabi ni Heart.

"Haha oo naman! Ako naman talaga maging tatay nyan! Remember ako ang mag aalaga sa kanya". Masayang sabi ni Liam at hinawakan pa ang malaking tyan ni Heart.

Hinayaan nalang ito ni heart dahil sanay na ito sa ginagawa ni Liam.

'Seguro maging masaya kung si Alex ang nagsabi nito sakin'

Bigla naman napahawak sa ulo si heart at hiniling ito. Ayaw nyang naisip o mabanggit man lang ang pangalan ng binata dahil sa mga sakit na dinanas nya dito sa kamay nya.

" oh hwag kang mag stress nakakasama sa baby ko este sa baby! Malapit na tayo sa Airport". Mahabang litanya ni Liam. Kaya nabatukan sya ni Heart.

"Aray ansama mo". Nakasimangot nitong sabi kaya tumatawa nalang ng mahina si heart.

" ang kulit mo kasi! At saka tumahimik ka nalang kaya! ". Medyo masungit na sabi ni heart.

" hoy! Ayan kana naman ah! Nagtatampo kana naman". Malambing na saad ni Liam at saka ginulo ang buhok ni heart. Sa Pitong buwan pa naman nilang magkasama ay tinuring na kapatid ni Liam si heart at ganun din ang dalaga.

Nung nalaman ni liam ang naging karanasan ni heart ay nakaramdam sya ng galit lalo na ang pananakit ng EX-HUSBAND nito sa kanya.

Kaya nangako sya sa kanyang sarili na hanggat Hindi pa nakakita si heart ay sya ang maging Mata nito at palalakihin nila ang bata. Walang gusto si liam Kay heart sadyang kapatid lang ang Turing nito sa kanya. Sinakripisyo nya ang negosyo nya sa San Lucina Province Mabantayan at mahalagaan lang si heart at ang kanyang magiging inaanak.

"Kain------Nandito na tayo". Putol ng dad ni heart kaya lumabas na sila at inalalayan naman ito ni Liam baka madapa ito dahil na rin sa medyo lubak lubak pa ang daan.

" dahan-dahan naman heart! Mahimatayin ako sayo". Nerbyos na sabi ni liam.

"PFF. Grvhe sya nahimatay agad! Hindi ba pwedeng nerbyos muna". Sabi ni heart at tumawa pa ito.

Nag salita ang flight attendant kaya pumasok na sila at nag pa check in.

" Umayos kanga Heart". Naasar na sabi ni liam dito. Pero ngumiti lang ito kaya binaling ni Liam ang mukha nito sa kanya.

"Dito ka ngumiti sa harap ko! Hwag sa matandang manyak na yan". Bulyaw nito!

" aba Malay kubang matanda ang nginitian ko! Haler bulag ako". Nakataas kilay na sabi ni heart.

"Hehehe". Napakamot nalang ng baton si Liam at napaisip na oo nga pala.

Pagkatapos nilang mag Check-in ay nag wave na si liam at sinabay ang kamay ni heart sa magulang nito.

" liam! Please take care of my daughter ". Sabi ng mom ni heart. Tumango si liam at saka naman niyakap ni heart ang magulang at tuluyang pumasok sa loob ng eroplano.
________
Iba't ibang klaseng ilaw! Maraming nagsasayawan at malakas na tugtug kung San nakaupo si Alex na umiiyak at umiinom.

" Dude tama na yan! Kailangan pa natin umuwi!". Sabi ng kaibigan at pilit hinila palabas ang kaibigan.

"Ayhaw khupa *hik* hihdi pha kho *hik* l-lashing". Usal nito at tuluyang humagulgul.

Sa Pitong buwan paghahanap nito Kay heart ay Hindi sya nag tagumpay at laging kinukumbinsi ang sarili na buhay pa ang babaeng mahal nya.

Sa Pitong buwan ay wala na syang ibang ginawa kundi ang mag lasing araw-araw.

Muntik pang bumagsak ang kompanya nya pero mabuti nalang at naisalba nya agad ito.

" SA TINGIN MO BA MAGIGING MASAYA SI HEART KAPAG NAKIKITA KANYANG SINISIRA ANG SARILI MO. DUDE BUMANGON KA AT ALAM KUNG MAGTATAGPU KAYO KUNG TOTOONG BUHAY MAN SYA". Sigaw ng kaibigan nito dahil Hindi nya marinig kung Hindi sya sisigaw dahil sa lakas ng tugtug.

"O-----Blag". Hindi nya natapos ang sasabihin nya ng bigla itong natumba at nakatulog. Mabuti nalang at nasalo sya ni Marvin dahil sa sobrang kalasingan nito.

" hays naman oh! Iinom na nga lang di pa kinaya! Hustisya dre". Reklamo nito at binuhat ang kaibigan at dinala sa kotse nito.

"Hays kung Hindi lang kita kaibigan iniwan na kita dito sa kalsada". Nahihiling nitong sabi!.

" Nasayo na nga kasi Pinakawalan mo pa! Tapos ngayon Hinahanap hanap mo pa at sinasabi mo pang She's still alive.  Kahit gago ka dude mahal kita kaibigan kita eh. ". Bulong nito at kinuha ang cellphone nyang nag ring.

" hello balita". Bungad nito sa kausap sa kabilang linya.

"Boss! Good news! Buhay sya at nakita ko kanina Si Harold Ferrer at ang asawa nitong si Helene Ferrer at galing sila ng airport". Napangiti ito at tinignan ang kaibigan nyang mahimbing ang tulog.

" good! Pag patuloy mo lang yan". Saad nito at binaba ang tawag.

"Hays! Ang galing mo rin dude!  Buhay nga talaga sya at segurado akong matutuwa ka sakin bukas". Bulong nito at pinaharurut ang sasakyan papunta sa bahay ni Alex.
______

Please 🙏 Dont Forget To Vote And Comment 😁

The Blind WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon